The SCIENTIFIC CALCULATOR

121 7 2
                                    

First story ko na sinulat sa notebook bago i-Wattpad!

Para po sa mga nagsasabing ginaya ko lang ito sa story ng iba diyan tungkol sa SCIENTIFIC CALCULATOR nayan, nagkakamali po kayo!!! sariling gawa ko to.

Sana po magustuhan niyo!!

ENJOY :**

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

The Scientific Calculator

Ako si Bea, 3rd Year Highschool, napapabilang ako sa Star Section kung saan sinasabi nilang klase ng mga matatalinong estudyante. Hindi naman sa pagmamayabang pero Rank 2 ako sa klase, ang hirap nga makipag kompitensya e kasi maraming matatalino. >___<

Ha?? te-teka tinatanong niyo ba kung sino ang Rank 1 sa klase namin? Sino pa ba edi ang since birth ko lang naman na crush si Red Ignacio, matalino siya, gwapo at talented pa. pero hindi pwede e! hindi kami pwede sa isa't isa, playboy kasi yun! mahilig pang manakit ng mga nararamdaman ng babae TT.TT tsaka ang worst pa dun  hate na hate niya ako kasi kinakalaban ko daw siya sa ranking at lalong lalong lalo na sa paborito niyang subject ang Trigonometry. =_=

Tanda ko pa nung inayawan niya ako bilang partner sa trigo.

Sabi kasi nung trigo teacher namin, magkakaroon kami ng Pair Quiz, kasama ang seatmate.

Eh malay ko bang  kaka arrange lang ng seating arrangement, at sinuswerteng katabi ko tong si Crush *O* si Red.

Syempre pag katabi mo yung crush mo, hindi mo maiwasang sulyapan siya kada segundo't minuto ng buhay mo, sarap kaya sa feeling *___* 

"Bro! tayo nalang partner." e diba nga hate ako nitong si Red, kaya pinipilit niyang makipag partner kay Bry bestfriend niyang nakaupo sa likod.

"Bro, katabi nga daw sabi ni ma'am." 

"Sge na please! Bro!" halatang ayaw makipag partner sakin T___T kaya ako naman yumuko nalang at nasimulang sulat.

"Ano ba yan bro! wala nasulat ko na pangalan naming dalawa, sino ba katabi mo? Oh! si Bea naman pala e, haistt!"

"Tang ina mo Bro!" bat ba ayaw mo sakin Red? T____T

Pabalik nako sa room galing sa faculty room, napag-utusan kasi ako ng isa sa mga teacher namin.

Akmang uupo nako ng makita kong nakapatong pa pala sa desk ko ang scientific calculator ko, naka on ito at may mga letrang naka display sa screen nito, binasa ko.

" Y0U BEAUT1fU1 BEA:) - R1 " (You Beautiful Bea:)) ako beautiful? kalokohan nanaman ito at siguradong mga kaklase ko ang may pakana nito -.-

pero aminin ko kung sino mang R1 yan, pramis kinilig parin ako yiee beautiful daw ako e :P

Pabalik nako sa room galing canteen dahil kaka recess lang namin, at gaya nga ng inaasahan ko andun nanaman ulet ang scientific calculator ko nakapatong sa dek ko.

Binasa ko ulet kung ano yung nakadisplay sa screen nito, ikinagulat ko nalang bigla ang nabasa ko mula dito.

" 1ET-mE-10B-YOU- R1 " (Let Me Love You-R1) OMG! sino kabang R1 ka?? ohmygod! naiinlab nako sayo ahh *__*

Naulit pa ang mga ganitong pangyayari, kung ano anong nababasa ko sa screen ng scientific calculator ko.

" G00D-m0n1nG-BEAUT1f0l-R1 " (Good Morning Beautiful-R1)

" mAhA1-k1TA-R1" (Mahal Kita-R1)

" BEA:)-11Y-R1 " (Bea:) ILY-R1)

Kahit aminin kung parang jejemon ang dating nito, pero grabe! hindi nabibigo tong si R1 na pakiligin ako araw araw pag nababasa ko ang screen ng SCIENTIFIC CALCULATOR ko.

Pero ngayong araw iba ang natanggap at nabasa ko sa screen ng calculator ko. mahaba, mas sweet na talagang naging dahilan ng pamumula ko sa KILIG! :""""""">

" T0-1UB-YOU-15-n0T-A-Ch01CE-1T5-mY-5E1f-TAT-1-CAnT-C0nTR01-BEA-1.70^3.YOU -R1"  (To Love you is not a Choice, It's my self that i can't Control, Bea I Love You-R1) Aaaaaaaaaaaaaaah! Sheeet! magpakilala kana R1 please :(( OMG! gusto na kitang makilala.

The next day, magkakaroon pala kami ng short pratice problem sa trigo. pero dahil sa katangahan ko naiwan ko pala ang scientific calculator ko, nag solve pa kasi ako ng assignment sa geom.

"Patay! naiwan ko ang scientific calculator ko"bumulong ako para hindi marinig ni Red.

Ilang beses rin akong naghalungkat sa bag ko para hanapin, pero wala talaga.

Biglang may kamay na may hawak hawak na Scientific Calculator ang nakaharang sa pagmumukha ko, te-teka! KAMAY? at parang ang lapit lapit lang ng may ari ng kamay nato, si-si Re-red b-ba y-yan?

"Re-Red..." lumingon ako sa kanya.

* abot scientific calcu. * kinuha ko naman ang inaabot niyang scientific calculator niya, te-teka may naka display sa screen nito, binasa ko muna ito.

" 1.70^3.YOU.BEA-RAnk1 " (I Love You Bea, R1 stands for RANK 1)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sensya na sa mga hindi kapanipaniwalang letters na nailagay ko diyan, gaya nalang nung R at U wala naman yan sa Scientific Calculator ko, pero sabihin nalang natin, ibang version ng SCIENTIFIC CALCULATOR ang meron sina Bea at Red, HAHAHAHAHA XDD

Vote! Comment! and Fan! please :">

-SheWrite1Shot

The SCIENTIFIC CALCULATORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon