Si Bestfriend Naging Girlfriend??

1.1K 24 6
                                    

Si Bestfriend naging Girlfriend??

“Magkasama na naman ang mag bestfriend” mapanuksong bungad ni Joanne at jubert kina Kenczar at Sophie na noo’y magkasabay na pumasok sa room. Simula High School  at hanggang ngayon na 4th year high school na sila, sila paring apat ang magkakasamang at sobrang malalapit na sila sa isa’t isa na parang kapatid na rin ang kanilang turingan. Iba’t ibang klase ng pag-uugali maryoon silang apat na nagawa nilang tanggapin at pakisamahan ang bawat isa.

     “Ah galing kami kina Kenczar nagpasama kasi siya dahil naiwan daw niya ang notebook sa Physics” paliwanag ni Sophie sa dalawa pa nitong kaibigan. Maraming nagsasabi na sa maaari raw sa bandang huli ay magkatulayan itong dalawang magbestfriend. Pero isa lang ang laging sinasagot ng dalawa. HINDI.

     “OK. Pero Sis, wala ka ba talagang gusto kay Kenczar?” biglang tanong ni Joanne kay Sophie na nooy kaaalis lang ni Jubert. Matagal na rin kasi nilang napapansin ang dalawa na laging magkasama at para bang may sariling mundo na bawal pumasok ang iba pang karakter.

     Bigla namang namula si Sophie at bakas ang sa mukha niya ang pagkabiigla. “Ah...e” Utal utal niyang sagot. “HINDI nga sabi” sa wakas ay nasagot niya ang tanong ngunit sa oras na yun, hindi siya makatingin sa mata ni Joanne. Alam niya kasi sa sarili niya na may lihim siyang pagtingin kay Kenczar pero ayaw niya itong sabihin para lang hindi mabuwag ang kanilang ipinundar na pagkakaibigan.

     Hanggang uwian mailap parin si Sophie sa mata ng tatlo nitong kaibigan sa kadahilanan na rin ng kanyang hiya sa kanila. “Oy Sophie!” Sigaw ni Kenczar kay Sophie na kung saan mabilis siyang naglalakad pauwi. Ngunit hindi niya pinansin ito bagkus mas binilisan pa niya ang paglalakad kaya napilitan ang tatlo na habulin siya. “Ano bang problema mo?” hingal na tanong ni Jubert sa kanya nang maabutan siya ng mga ito. “Wala!” medyo malakas na niyang sagot na nooy pinagpapawisan na at unti unti nang tumutulo sa kanyang mukha. “Anong wala? Bakit mo kami iniiwasan?” Sagot naman ni Joanne na sa kabila nito ay tahimik lang si Kenczar sa isang tabi at mukhang walang balak na sumali sa usapan at maya maya pa’y umuwi na rin ito. “Basta” Pagkasagot niya ay umuwi na rin siya na para bang may nararamdamang masakit. Sakit na tanging puso lang ang nakakaramdam.

     Kinagabihan hindi makatulog si Sophie. Maraming bumubulabog sa kanyang isipan. “Alam na kaya ni Kenczar na may gusto ako sa kanya?” tanong nito sa kanyang isipan. At naputol ang kanyang pagmumuni muni ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.  Laking gulat niya ng nakitang may isang text siya mula kay Kenczar.

     “HI” text sa kanya. Kahit sa isang “hi” lang nito ay pigil na pigil ni Sophie ang pag irit dala ng sobrang kiling na nararamdaman at agad naman siyang lumabas ng bahay para magpaload sa kalapit na bahay pero sa hindi inaasahang pagkakataon, sarado na pala ang nasabing tindahan. Ngunit dahil sa kanyang kasabikan, buong pwersa niyang kinatok ang pintuan ng tinadahan na agad naman siyang pinagbuksan. Pagkabukas palang ng pinto sinabi na niya ang kanyang pakay at agad saka umuwi. Pagkahiga niya ulit sa kanyang higaan at agad naman siyang nagrely sa text nito.

“Hello. Gabi na ah di ka pa na22log?” ngingiti ngiti niyang reply. “Ah may iniisip kasi ako. “ sagot ni Kenczar. “Ano naman?”  tanong nito. “Panu kung tama sila? Na bagay daw tayo. Tsss” Nabigla naman si Sophie sa reply ni Kenczar sa kanya. Hindi siya makaibo sa kanyang kinahihigaan. At bigla na lang siyang sumigaw “WAAAAAAAHHHHHHH!!!!” ngunit naputol ang kanyang pagsigaw matapos siyang sampalin ng kanyang kapatid na noo’y katabi niyang natutulog. “Sorry” yun na lang ang sinabi niya at nagreply na ulit siya.

     “Bakit hindi natin itry?:)” kilig niyang reply. At walang pang isang minuto nagreply agad si Kenczar. “Handa ka ba?” tanong naman nito. “Mahal na rin naman kita noon pa eh” pagaamin ni niya dito.“Panu ba yan? Si Bestfriend Girlfriend ko na ba ngayon?” Halos magwala siya sa kanyang kinahihigaan matapos mabasa ang reply ni Kenczar. “YEESSS!!!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si Bestfriend Naging Girlfriend??Where stories live. Discover now