Kabanata 1
*kring* *kring*
"h-hello?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayong araw na ito basta ang alam ko lang hindi ko magugustuhan ang araw nato.
"Hi! I'm Yoonshin from Y-Teen University i just want to inform you that you had passed the entrance exam and that you're now part of our school! Congratulations and we're hoping to see you on monday!" Then he hunged up
Phew yun lan- shit shit nakapasa ako!
gusto ko sana sabihin na "lah di nga?" pero binabaan nya nako.Pinakiramdaman ko ang aking sarili sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa saya or sadyang kinakabahan lang talaga ako.
*tok * tok* "Anak tumawag na ba sayo yung Y-Teen University?"
"Yes ma, Kakatawag lang nila sakin."
"Anong sabi?" tanong ni mama
"Nakapasa daw ako Ma" sagot ko
"Weh di nga?" nang aasar na sagot ni mama, natawa nalang ako bilang sagot parehas talaga kami mag isip ni mama.
"Congrats anak! sabi ko naman sayo anak makakapasa ka eh teka bakit parang di ka ata masaya?" Nagtataka namang tanong nya sakin
"Wala Ma. Iniisip ko lang kung anong mangyayari pag pasok ko ron." Sagot ko
"Syempre maraming mangyayari lalo na college kana ngayon, marami kang bagong ma eexperience at makilala basta ang payo ko lang sayo mag aral ka ng mabuti. sige na baba nako sumunod ka nadin at nakahanda na yung almusal."
"Sige Ma, Sunod na rin ako"
Tama si mama, maraming mangyayari ngayong college na ako, mga bagong mukha at lugar sana naman maging maayos ang pasok ko this monday.
hays makapag hilamos na nga.
Pagkatapos maghilamos at mag ayos bumaba nako para mag almusal.
Naabutan ko si mama na nagtatahi ng mga damit.
"Good Morning Ma!"
"Good Morning Nak, oh mag almusal kana riyan at lalakarin ko pa itong mga pinatahi sakin sa mga suki ko."
Tumingin ako sa orasan, maaga pa pala. Teka...maaga ba ako natulog kagabi? Hindi ata pero ang tibay ko ah di na nga ako natulog ng maaga pero ang aga ko magising, bawi nanaman ako mamaya ng tulog neto.
Pagkatapos mag almusal nagpaalam nako para umalis dahil kailangan kong bumili ng uniporme at iba pang mga gamit sa school dahil malapit na ang pasukan at syempre bibili na rin ako ng pocket books dahil maliban sa nabasa ko na ang mga libro dito sa bahay need ko narin ng bagong gamit sa kwarto ko, nagmumukha na kasing kweba eh hahahah joke.
Paglabas ko ng gate ng bahay naminn
nag tricycle nalang ako para mabilis tutal malapit lang naman yung Y-Teen University sa amin ilang liko liko lang.Pagka bayad ko kay manong bumaba nako sa Y-Teen University pinagmasdan ko yung buong eskwelahan may mga banner sa loob at labas para sa new students, medyo marmi ring tao sa loob kahit wala pang pasukan.
"grabe napakalaki at lawak naman talaga netong university nato at ang ganda rin ng uniform no wonder maraming gustong mag aral dito at isa nga ako sa mga pinalad makapag aral rito" manghang sabi ko habang naglalakad papasok, pagkapasok ko ng university dumiretso nako sa tindahan ng mga uniforms at bumili ng uniform ko.
BINABASA MO ANG
Y-TEEN UNIVERSITY
Teen Fiction"h-hello?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayong araw na ito, basta ang alam ko lang hindi ko magugustuhan ang araw nato. "Hi! I'm Yoonshin from Y-Teen Unversity I'm calling to inform you that you have passed the entrance exam and that y...