Chapter 49: The Assassin's Proposal

2.1K 53 5
                                    

👑👑👑
I thought it was just last two chapters, but my mind ends into three. Sorry for that.😉😉 Okay! Last chapter FOR REAL! Before the epilogue.

YUYAN

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ang paulit-ulit na tunog. Mga boses ng mga lalaki at babaeng nag-uusap. Pagmulat ko ng mata ay malabo ang aking nakikita. Kaya ilang beses ko munang ipinikit ang aking mata bago muling imulat.

Bumungad sa akin ang puting kisame at nakakasilaw na liwanag mula sa flouresent lamp. Kasabay nang paglitaw ng mukha sa harapan ko.

"Gising na siya!"

"Gising na siya!"

Boses nang babae ang dumagundong sa buong kuwarto. Sunod-sunod ang mukhang pumalibot sa akin, suot ang mga ngiti nila.

"Thank God! She's awake!" wika ng isa sa kanila.

"How are you feeling, Amber?" tanong ng babaeng nasa mid-age. "Isang buwan kang walang malay."


"Oo nga! Masiyado mong ine-enjoy ang paghilata sa kama na 'yan!" segunda ni Justine.

"Ano ba kayo! Pagod malamang! Kayo ba naman ang latiguhin ng paulit-ulit?" singit naman ni Martha.

"Amber? Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ni Sheenah.

Palihim akong ngumisi sa biglang naisip. Huminga ako nang malalim bago tuluyang magsalita.

"S-Sino kayo?"

Pagkagulat at pagtataka ang rumehistro sa kanilang mga mukha at nagsi-alisan sa harapan ko.

"Teka! Bakit? Bakit hindi niya tayo maalala?"

"Oo nga! May amnesia ba si Amber?"

"Halla! May amnesia nga!"

"Damn it! Hindi niya tayo maaring kalimutan!"

"We need to do something!"

"Magsitigil nga kayo. Kung tumawag na kayo ng doctor, tapos ang usapan! Bilis!"

Naghuhumarintado nilang wika at ang iba sa kanila ay umiiyak na. Kaya pinilit kong bumangon at naupo sa kama. Pagkatapos ay pinagmasdan silang lahat. Hindi sila magkanda-ugaga at mukhang malalim ang iniisip.

Napailing na lang ako habang iniinda ang sugat ko sa likuran.

"Ang iingay niyo." reklamo ko at humikab na lang.

Natigilan naman silang lahat at napatingin sa direksyon ko. Mabilis pa sa hangin ang paglapit ni Nixon sa akin at naupo sa kama.

"Amber! Kilala mo ba kami?" tanong nito at hinawakan ako sa kamay.

Mabilis naman itong tinabig ni Gunner. "Tsk! Ako lang ang dapat humawak sa kaniya." pagdadamot nito sa kamay ko at hinawakan ito.

Nginusuhan lang siya ni Nixon at bagsak ang balikat na umalis sa pagkakaupo.

"Kilala mo ba kami?" tanong ni Sheenah at nilapitan ako.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon