Who Lose On A Game Called Love?

376 9 0
                                    

"Spin and then Dip!" sigaw ng dance choreographer namin para sa Graduation ball namin.

Lub Dub Dub Dub....

Ayan na yang letcheng Dip na yan napapalapit nanaman ang mukha ni Clyde saken. Sobrang lapet sheeet halikan ko to eh, kase di ko lang crush si Clyde MAHAL KO na din siya, hindi ko alam kung kelan pa at paano pero bigla nalang dumating eh. 

"Okay good! Break guise" 

"Haaay kapagod naman, bigat mo kase Jamie eh"

"Ulol mo, sexy ko kaya"

"sabi mo eh, kumain kana?"

"Kakabreak lang tamong papunta palang tayong canteen yan nanaman tanong mo, concern kaba o dialogue mo lang talaga yan?"

"Ah, hehehe sorry naman. Sige bye ayun si Jiya oh"

At iniwan na nga niya ako, dahil kay JIYA. Si Jiya na ex niya at sobrang mahal parin niya mula noon hanggang ngayon. At alam kong hindi susuko si Clyde kakasuyo kay Jiya hanggat hindi niya nababawi si Jiya. Pero kung walang kapaguran sumuyo si Clyde wala ring kapaguran si Jiya na itaboy si Clyde, ako na nga nasasaktan sa ginagawa ni Jiya kay Clyde eh, ikaw ba naman tawagin ng pangit na names at ipagtabuyan palagi sa harap ng maraming tao di ka ba mahihiya nun? Well si Clyde hindi, dahil kaya niyang tiisin lahat as in lahat mabalikan lang siya ni Jiya.

Pagkatapos ng practice namin magkaklase muna kami, culinary ang next subject at dahil may magluluto na isang group wala nanaman gagawin ang iba at kasama nako dun. Buti nalang at walang ginagawa dahil may test kami sa math at makakapagreview kami. Habang busy ako sa pagrereview biglang dumating na si Clyde.

"Ui paturo naman oh?" May dala-dala siyang notebook sa math. Umupo siya sa may gilid ko sa isle, walang chair kaya parang nakaskwat siya, gets niyo? Basta nasa baba siya ako naka-upo.

"Ano ba di mo alam? Turo mo kasi eh"

"Basta yung itetest natin" Busy ako sa pagbrowse ng notebook, di ko alam san yung gusto niyang malaman.

"Ano ba kasing----"  

Lub dub dub dub...

Humarap kasi ako sakanya pagkatapos yung mukha niya malapit nanaman sa mukha ko. Hilig niya bang dumikit sa mukha ng iba? 

"Yan oh." sabay turo niya sa lesson.

"Ah exponential function. Basta gagawin mo lang diyan dapat ipagpapareho mo muna yung base tapos kapag pareho na icacancel mo then yung mga exponents nalang papakilaman mo"

"Oh example"

"kunwari yung given 2raised to x-16 equals 32. Gagawin mo nun yung 32 na 2 para pareho ng base so 2raised to 5 nun, kase 2 raised to 5 is 32. so yun equal na na yung base bale ganito na 2 raised to x-16 equals 2 raised to 5, tapos cancel base bale x-16 = 5. odi transpose nun bale x=5+16 add mu nun odi x=21 yun na yung sagot. Gets?" Pagharap ko sakanya yung mga kilay niya magkasalubong hindi galit pero confused wahahah ang cute. 

Who Lose On A Game Called Love?  (one shot)Where stories live. Discover now