Chapter 1

1 0 0
                                    

Nagising ako dahil alarm clock. 6am na.
Dalidali akong bumangon para makapaghanda. Naligo at nagbihis.

Bago ko pa man mabuksan ang pinto ko, ay nakita ko ang kalindaryo. My birthday.

Nanghina ako. Bakit kaylangang ganito? Kung kaylan dapat masaya ako, may lungkot naman katumbas ito.

Dahil sa akin, nawala si mommy.
Dahil sa akin, nagbago si daddy.
Sabi ni lola dati nung buhay pa sya, hindi ganito si daddy. Masayahin daw sya. Palabiro. At mahal na mahal nya si mommy. Ang saya nya daw ng malamang buntis si mommy noon saakin, pero nagbago yun nung naipanganak ako. Di kinaya ng puso ni mommy ang panganganak nya sakin kaya namatay sya. Sa loob ng labing pitong taon, never ako nag celebrate ng birthday ko. Dahil yun din mismo ang araw na nawala ang pinakamamahal ni daddy.

Galit sya sakin. Ako ang sinisisi nya kung bakit nawala si mommy. Never ko naranasan na inasikaso nya ako. Na pinupuntahan sa school pag nagkakahonor ako. Pag graduation ko.
Sino ba  naman ako para mag reklamo? Maganda ang buhay ko at nakukuha ko lahat ng gusto ko. Pero hindi pagmamahal ng ama ako.

Diko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Ang sakit isipin.

Ng dahil saakin, nawala si mommy.

Kung hindi dahil sakin, sana masaya parin si daddy.

Kasalanan ko ba talagang pinanganak ako?

Paglabas ko ng kwarto ay nag tungo ako sa harap ng kwarto ni daddy. Narinig kong may umiiyak. Si daddy.

"Sorry dad. Sorry kung dahil saakin, nawala si mommy" umiiyak kong bulong sa labas ng pinto sabay alis patungo sa labas ng bahay.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako nag paalam? Nagpaalam ako pero sa papel na. Haha. Dinikit ko sa door ng room ko. You know, di nya naman ako hahanapin. Peri pinaalam ko lang.

Paglabas ko ng village ay pumara agad ako ng taxi ulang puntahan sya. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bulalaklak.

Hindi ako nag kotse dahil tinatamad ako mag drive. At masyadong mabigat ang loob ko ngayon, baka mabangga pako.



Pagkarating ko doon ay nagsindi ako agad ng kandila na nabili ko sa labas ng simenteryo at inilapag ang bulaklak na dala ko. Maaga pa kaya wala pang katao tao dito.

Naupo ako sa tabi ng puntod ni mommy.

"Mommy, alam mo ba, debut ko ngayon." My tears are starting to fall.
"Pero alam mo naman na di ako nag cecelebrate diba?" I can't help it. Tumulo na talaga. "Sorry mom. Because of me, you died. Because of me, dad is sad. Because of me, you are gone. Im so sorry" at diko na mapigilang humagulhol.

Dito ako tumatambay minsan pag gusto kong magpalabas ng sama ng loob. Everytime may honor ako,dito ako dumideretso. Nung graduation ko nung elementary, kasama ko pa si lola pumupunta dito. Pero nag iba na nung highschool ako. Namatay si lola. Pakiramdam ko, iniwan nanaman ako. I was alone. Graduation ko nun, Valedictorian ako, pero wala akong parent na humatid sa akin sa stage. Hindi pumunta si daddy. Kaya pakiramdam ko, wala akong kwentang tao.

Because of me, nawala si mommy.
Sinisisi ko na din sarili ko sa pagkawala ni lola.

Bakit ganito?

Bakit pinanganak pako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My love in heavenWhere stories live. Discover now