~PROLOGUE~
Nag-aabot, nagaabot para sa akin. Lagi ito ang laman ng aking panaginip. Nakatingin ako ngayon sa kawalan at ang lalim ng isip. Ang dilim, at lamig.
Ang aking kwintas na susi. Lagi ko itong dala-dala pero ni minsan ay nalaman ko kung kanino ito galing.
At isang magandang kanta, isang nakahuhumaling na himig. Paulit-ulit itong tumutunog sa aking isipan. Napakalapit sa aking puso. Alam ko ba ito? Bakit hindi maialis alis sa isip ko?
Apoy. Ang apoy na nagwawala, apoy na nagsisira...Umaapoy.. umaapoy ang paligid!
Napahawak ako ng mahigpit sa aking kwintas at dali daling bumukas ang aking mga mata. Umupo ako sa aking kama. Nagpapawis ako ng malagkit. Bakit ba palaging ganito? Hanggang kalian ba akong mumultuhin ng panaginip na ito?
Malalaman ko kaya ang dahilan?
Sana
balang araw.
BINABASA MO ANG
The Music Box
Fantasy"Wala kang alam sa akin..." "Ayaw mo namang ipaalam." "Bakit ba hindi mo na lang akong iwan mag isa?" "Kasi hindi ka nag iisa..." isang kaibigan. isang pamilya. at music box. mahahanap niyo kaya ako?