Yesha's POV
Hindi ako ganoong kamanhid at ka inosente para hindi agad malaman o mahalata. Oo alam ko na may kakambal siya pero nito ko lang nalaman. Nung mga araw na pumunta kami sa kanila para magpractice. Kahit nung unang beses na nakita ko siya sa school duda na ako na siya yung lalaking nabangga ko. Pero pinagpatuloy ko na din ang pag-arte, para san pa at naging part ako ng Teatro Filipino kung hindi ko naman gagamitin ang skills ko diba. Tsaka kahina-hinala naman kasi talaga sila
"Paano? Kelan mo nalaman?", mukhang nagulat siya na alam ko ang mga pangyayari tungkol sa kapatid niya at sa kanya.
"Nito ko lang naman nalaman pero medyo nakakutob na ako umpisa palang"
Ganito kasi yun. Nung unang araw na nakita ko siya, I mean si R-Dane iba na yung feeling ko. Medyo namangha nga ako kasi magkamukha talaga sila nung lalaking nabangga ko sa kalsada bago pumasok at sa tingin ko si R-Kin yun. Pag-uwi ko sa bahay galing sa school I check my facebook account at may friend request, nagulat ako kasi si R-Dane yun pero dahil nga curious ako sa mga nagaganap dito inaaccept ko. Then chinat ako.....nabiglà ako kasi parang bumait siya at parang hindi cold. Dumaan ang mga araw na lagi kong kinukulit si R-Dane sa school, sino ba kasi talaga siya? Kasi kapag nagkachat kami tinatanong niya kung ano ba daw ang nangyari sa akin ngayon araw?? Samantalang classmates kami at wala naman akong ibang ginagawa kundi ang kulitan siya kapag vacant time. Pero sa mga pinaggagawa ko hindi ko napansin na unti-unti na pala akong nahuhulog sa mysterious guy na ito. Masarap naman pala syang kasama kapag naging close muna, medyo may pagkamoody nga lang talaga. Halos nakalimutan ko na nga kung sino yung sa facebook chuchu....One time nga naisip ko na baka may iba lang gimagamit ng facebook account niya. Pero nung mga oras na pumunta ako sa bahay nila, mas lalo akong malinawagan. Pagkapasok ko kasi halos lahat ng walls may curtains, yug mga frames nakataob...Kaya yung oras na pumasok kami sa kwarto niya at nataon na busy siya bumaba ako at nagmasid-masid. Pagkalabas ko sa kwarto niya may nakita akong lalaki sa isa sa mga kwarto nila sa may taas.
Bago siya lumabas eh nakapagtago na ako sa likod ng cabinet!
"Damn you R-Dane! Talagang sa loob pa kayo ng kwarto mo gagawa ah", hindi ko alam kung namamaligno ba ako o ano? Totoo ba ito? May kakambal si R-Dane. I think ito na ang sagot sa mga tanong ko.
Ilang sandali pa eh umalis na siya, it's my time para bumaba na rin. Pagbaba ko nakasunod na siya sa akin. Masyado silang magkamukha pero alam ko na hindi ito si R-Dane, alam ko na ang features ni R-Dane kaya madali na para sa akin na malaman kung si R-Dane ba siya o hindi at tama ako hindi nga siya si R-Dane. Medyo naiilang ako sa kanya, yung mga mata niya na nakatingin sa akin katulad ng mga mata na lagi kong mahuhuli na nakatingin sa akin sa malayo. Ngayon isa nalang ang tanong sa isip ko...at sana masagot na siya ngayon.
"Alam ko naman na madali mo yung mapapansin eh. Isa pa nasa plano ko narin na ipakita sayo may kakambal ako. Akala ko nga hindi mo mapapansin ang mga iyon pero it turns out na matagal ka na palang nagdududa, masaya ako kasi nalaman mo na", nagulat ako kasi bigla siyang nagsalita
"Anong ibig mong sabihin na nasa plano mo yun?", medyo nagtampo nga ako sa kanya kasi akala ko kahit ngayon hindi pa siya aamin pero ano tong sinasabi niya ngayon? Naguguluhan ako.
"Si R-Kin, masyado na siyang nag-iba...ewan ko kung nag-iba nga ba siya o matagal na siyang ganyan. Selfish siya, gusto niya lahat ng gusto niya makukuha niya. Pati ikaw gusto niya, gusto kaniyang makuha", napatingin ako sa kanya. Nakikita ko na galit, puno ng galit ang mata niya.
"Siya ba ang dahilan ng paglipat mo sa school namin? Anong purpose nun? Bakit?", ito ba ang tanong na gustong-gusto kong masagot
"That time na nagkabanggan kayo, ginaya niya ang style ko ng pananamit. He dressed up the way I do. Kaya siguro you had a hard time para marecognize na kambal kami. At yun na nga na love at first sight sayo ang kakambal ko, gusto niyang pumasok sa school niyo pero hindi niya magawa...."
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...