KABANATA 4
“UNANG TAON NG PANGANGASIWA NI MR. CHARLES J. ANDERSON SA EDUKASYON NG INDANG TAONG 1903-1904”
Si Mr. Charles J. Anderson ang humalili kay J.M Krauss sa pangngasiwa sa edukasyon ng Indang. Siya ay isa sa mga potensiyal na guro ng Kawanian (Thomasites). Isa siya sa mga orihinal na guro na sakay ng USAT Thomas na dumating sa Pilipinas noong Agosto taong 1901. Siya ay unang nadestino sa Lucena sa lalawaigna ng Tayabas (Quezon) kung saan niya ginampanan ang tungkulin bilang isang assistant principal ng paaralan ng Tayabas High School hanggang siya ay mapalitan ni Henry H. Balch noong Enero 1903 sa kadahilanang siya ay napalipat sa bayan ng Indang bago matapos ang taong 1902.
Ang dahilan ng pagkalipat niya sa bayan ng Indang ay upang mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng higit na malaking bilang ng mga nasasaklawang guro, mag-aaral, at mas malwak na eryang pang-superbisyon upang epektibong maisakatuparan an malawak at pangmatagalang balakin. Sa kabilang banda, Indang naman ang napiling lugar para pangasiwaan ni C.J Anderson sapgkat ito ay angkop sa taglay niyang kahusayan at katalinuhan ng mga guro sa itatalaga sa kanila na manunungkulan.
Si C. J Anderson ay dumating sa Indang ilang araw bago sumapit ang taong 1903 kung saan siya ay naitalaga bilang supervising teacher ng bayan ng Indang. Sa kanyang posisyong ito, nakatulong niya ang gurong Amerikano na si Moses Flint na noon ay nasa bayan pa ng Alfonso at sa ganitong paraan ay nagkaroon ng si C.J Anderson ng pagkakataon na harapin ang mga gawaing pampaaralan sa Indang particular na ang pagpapasimula ng pagtatayo ng ikalawang paaralang panlalawigan sa Katimugang Cavite.
Noong 1903 ang Indang ang napili sa lalawigan ng Cavite na maging bahagi ng Philippine Educatinal Exhibit sa St. Louis Exposition na itinakdang ganapin sa taong 1904 kung saan napili ng Indang ang proyekto ng isang mag-aaral na nagmula sa ikatlong baiting na school bag na hinabi mula sa palapa ng palma o niyog na magiging bahagi ng nasabing exhibit sa pandaigdigang pangtatanghal.
Kasabay ng pagdating ni C.J Anderson sa Indang, dala niya na ang kopya ng isang sirkular na nagmula sa General Superindentendent ng Kawanian na magsisilbing panuntunan sa pagpili ng lupang pagtatayuan ng paaralang sekondarya sa Indang. Nakatulong niya ang local school board sa pagpili at pagbili ng lupa na magiging lokasyon ng panlalawigang paaralan na mula sa pondo ng pamahalaan at sa donasyon ng mga tao.
Ang panukalang lokasyon ng nasabing paaralan nasa baryo ng Bancod.
Unang buwan ng 1904, ang Kawanian ng Edukasyon ay naglabas ng bagong sirkular tungkol sa tamang paraan ng pagpili ng mga lokasyon na pagtatayuan ng mga bagong paaralang sentral. Nang dahil ditto, ang napiling lugar ng mga mamayan ng Indang sa pangunguna ni C.J Anderson ay isang maluwang na lupa na may layong 500 metro mula sa timugang bahagi ng poblacion.
Bukod sa pagtuturo naging aktibo din si C.J Anderson sa mga gawaing bayan tulad ng pagsisilbi niya bilang isang volunteer observer ng Weather Bureau para sa Indang. Inulat niya rito ang kalagayang pangkabuhayan ng bayan na nakasalalay sa pagtatanim ng abaka, mais at cocoa. Inilarawan niya rin ang nakakahapis na kalagayan ng pananim na bunga ng tagtuyot at perwisyong dala ng baling gayundin na rin ang pagkalat ng sakit ng mga hayop na sa panahon ng kanyang pag-uulat ay hindi nagamit.
Nagsilbi rin siya bilang kagawad ng Local Board of Health kasama sina Esteban Abutin, cirujano ministrante; Vicente Jeciel, parmasyutiko at Marcelo Basa. Piangtibay nila an gang ordinansang munisiapal na nagtataas ng sanitary inspection sa lahat ng mag pribadong bahay, pagkukuwarentenas, sapilitang pagbabakuna, regulasyon sa pagitinda ng pagkain at inspeksyon sa mga hayop na kinakatay na ipagbibili. Ang kahigpitan ng nilalaman at pagpapatupad ng ordinansa ang nagligtas sa maraming mamamayan ng Indang sa panibagong epidemya ng kolera nang 1906.
