IDTBP19- I'm Falling

88 4 0
                                    

Chapter 19

After 1 hour, naayos na rin ang Buhok at Make-up ko. Halos nga di ko na makilala sarili ko pag nakatingin ako sa salamin eh. Ibang-iba sa pagmumuhka ko nung wala akong make-up.

"A-Ako ba talaga ito?!" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

"Maslalong maiinlove sainyo si Sir Ciann, panigurado po kami dun." Sabi ng mga Stylists habang kinikilig.

"Er.....T-Thank you." Seryoso ba sila?! Si Ciann, maiinlove saakin?! No way yun nuh!

"Speaking of Sir Ciann. Andito na siya." Gosh... Bakit ako kinakabahan?! Ano naman kung makita ni Ciann ang kagandahan ko?! MAGANDA NAMAN NA AKO KAHIT WALANG MAKE-UP NOH!

Andito ako ngayon nakatago sa isang kurtina. Parang sa mga teleserye pag may panget na babae na idinala sa Salon tapos naging maganda, diba ganito yung mga nagiging entrance nila. Pero wait...ibig sabihin sinasabihan ko sarili ko ng PANGET?! Argh! Ano ba itong pinagiisip ko?!

"Asan na si Mika?" Narinig ko si Ciann on the other side of the curtain na tinatanong kung nasaan ako.

"Eto na po ang inyong MIKA." Sabi ng mga saleslady sabay nilang hinugot yung kurtina na nakatabing saakin. Kaya nalabas naman ang BRAND NEW LOOK ko.

Nandun lang ako nakatayo. Habang si Ciann nakatitig lang saakin. No Reaction at all. So ganun?! Kinabahan pa ako, NO REACTION din pala.

"So, Sir Ciann, Nabighani ba kayo kay Miss Mika?" Tanong ng mga saleslady.

"Yes, thank you." Sabi niya sabay binayaran na yung Salon. Sabay nun ay tumingin siya saakin, kaya tinapunan ko nalang siya ng masamang tingin at lumabas na ng Salon.

Nang makalabas na ako ng Salon. Umupo ako sa bench sa tapat ng salon.

"Di lang man niya ako binigyan ng Compliment." Sabi ko habang nakaupo. Nang...

"Akala ko mangiiwan ka na eh tara at iuuwi na kita." Sabi niya sabay hinila kamay ko. Kaya naman bumitaw agad ako sa hawak niya.

"Kaya ko na magisa." Sabi ko sabay bumalik sa upo.

"Anong magisa? Di pwede. Delikado sa labas." Sabi niya sabay humawak ulit sa kamay ko. Kaya nilakasan ko yung pagtabig sakanya pero maslalo niya lang hinigpitan. "Kanina ka pa weird. Di ko alam, pero di kita kayang iwanan mag-isa. Lalo na..." Bigla niyang binitin yung sinabi niya kaya naman ipinatuloy ko siya.

"Lalo na...?" Sabi ko sakanya. Nakita ko naman siyang nahihiya at namumula at sabay nun...

"Lalo na, ang Ganda mo ngayon."

Ba-thump

Ba-thump

Ba-thump

Tibok ng tibok si Heart. Bakit ba ang saya ko na sinabihan niya akong maganda? Laging tumitibok puso ko kay Ciann.

"Bakit?" Sabi ko... Habang di makatingin sakanya.

"Huh?" Sabi naman ni Ciann.

"Wala, tara na." Sabi ko pabalik sabay ngumiti sakanya.

Hawak-hawak parin ni Ciann ang kamay ko habang naglalakad kami pauwi. Bakit ganito makatibok puso ko kay Ciann?

Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ganito nararamdaman ko kay Ciann. Pero di ko nahahalata....

Nahuhulog na pala ako kay Ciann.

I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon