Chapter 4-Present

39 1 0
                                    

Chapter 4-Present

''Diba? Pag valentines day. Binibigyan ng lalaki yung babaeng gusto niya ng red rose? Alam kong gusto mong gayahin yung nasa Japan but I prefer yung Pang pilipino kasi gusto kong ako yung mag-effort para sayo''

****

[Sumi's Pov]

Nanginginig talaga ako habang nagluluto. Kinakabahan ako e.

''Katulad ng inaasahan ko sayo,Sumi. Beginner ka pa lang sa paggawa ng chocolate'' natatawa niyang sabi.

Ginagawa ko naman lahat lahat ah. Binubuhos ko na nga yung damdamin ko dun sa cake.

''Pasensya ka na Basty'' at napayuko ako.

Pag nagpatuloy pa 'to baka ayawan 'to ni Basty at di niya na 'to tanggapin.

Nagulat ako ng pumunta siya sa likod ko at nagsalita sa tenga ko.

''Relax ka lang,Sumi. Wag kang magmadali. Magiging okay din ang lahat.'' kinuha niya yung mixer sa kamay ko at siya yung nagmix dun sa bowl.

God, masyado siyang malapit. Tama ba namang gawin yung pagmimix ng bowl sa likod ko. Ayan tuloy mukha niya kong yakap yakap.

Kasalanan 'to ng nerd na 'to. Bakit ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

''Itilt mo ng konti yung bowl,Sumi. Atsaka Feel the surrounding air and move your hand. Ganyan lang yan, Sumi.'' payo niya. Kaso aish di ko magawa. Masyado siyang malapit kaya di ako makapagconcentrate.

''Ano kaya mo na ba,Sumi?'' alanganin niyang sabi.

''Oo'' at umalis na siya sa likod ko. Buti naman parang di ako makahinga sa ginagawa niya e. Malapit na akong malusaw.

''Sa tingin ko Sumi. Okay na yan para ibake ng konti'' tumango naman ako at linagay sa baking tray yung gagawin kong chocolate.

Okay lalagay na lang 'to sa oven.

Pagkatapos ng ilang minutes tumunog na yung oven hudyat na luto na.

''Ako ng bahala sa pagdedecorate,Basty'' at kinuha ko yung cream.

Yosh! Papakita ko kay Basty kung gaano ako kagaling magdecorate.

Sisimulan ko ng pigain yung cream ng biglang tumalsik sa mukha ko yung ibang cream. Aish palpak. Excited kasi ako masyado e.

''Sumi..'' nagulat ako ng dilaan niya yung cream sa pisngi ko. What the eff.

*blush*

''Huwaa'' sigaw ko

''Pasensya ka na Sumi madumi yung kamay ko e. Kaya no choice ako''

Aish ang pula pula na ulit tuloy ng mukha ko. Walang hiyang nerd na 'to. Ang lakas magpakilig.

Natapos na yung chocolate decoration. At maganda naman yung kinalabasan nun. Buti naman. Thank you God

''Parang kulang yata sa design'' pinat niya yung hair ko.

Napatingin naman ako sa kanya.

''Mukha na siyang masarap,Sumi. Atsaka okay na yang ginawa mo.'' at ngumiti siya ng ubod ng tamis.

Ang Gwapo niya talaga. Aish.

So ito na nga. Lalakasan ko na ang loob ko.

''A-ang totoo kasi nito,Basty nagsinungaling ako sayo. Valentines Day bukas kaya. Hmm..gusto ko na...'' gosh! Nahihiya akong sabihin na para talaga sa kanya 'to.

''Okay lang yan,Sumi. Sa tingin ko matutuwa yung pagbibigyan mo talaga nyan. Kasi ikaw ang gumawa'' at ngumiti siya.

Hindi nagkakamali ka. Napayuko ako. Wag kang umiyak Sumi. Nakakahiya kay Basty.

''M-may Problema ba?'' takang tanong niya.

''Itong chocolate na 'to. Para talaga sayo 'to,Basty! at itong ginawa ko. Ay ang nararamdan ko para sayo'' wala na naiyak na ko.

Di siya nagsalita tulala lang siya. Kaya yun Tumakbo ako na bitbit yung chocolate.

Dahil sa kakatakbo ko di ko namalayang napunta na pala ko sa garden niya.

Ang sama sama niya. Dapat di na lang ako umasa na mamahalin niya ko.

Wala talaga kaming pag-asa na dalawa. Walang pag-asa na maging magboyfriend girlfriend kami. Di kami bagay. Queen bee ako at Nerd siya.

Kinain ko yung sarili kong ginawang chocolate. Edi kung ayaw niya akin na lang. Naku naman pinaghirapan ko 'to.

Marami ang halos magpakamatay para matikman lang yung luto ko. E,siya ano? Binabasura lang niya.

Pesteng Nerd na yan. Ang bad bad niya. Wala siyang puso. Paasa siya.

Akala ko pa naman parehas kami ng nararamdaman. Ako lang pala ang may nararamdaman. Ako lang pala ang umiibig.

*sniffs*

Eto na siguro yung pinakaworst Valentines Day sa---

Natigil ako sa pagiimagine ko ng maramdaman kong niyakap ako ni Basty patalikod.

Ang kapal naman ng mukha niya. Pagkatapos niya kong saktan. Yakap yakap na lang siya ngayon.

''Sumi... Kanina pa kita hinahanap. Buti na lang naamoy ko yung amoy mong sweet chocolate. Kaya nahanap kita.'' at sinubsob niya yung ulo niya sa leeg ko. Ano nanamang trip ng nerd na 'to? Nakakainis siya kasi ang lakas niyang magpakilig kahit nasasaktan na niya ko.

''Lalamigin ka dito kung ganyan lang suot mo. Kaya tara na pasok na tayo sa bahay ko.'' nag-aalala niyang sabi. Ngayon nag aalala siya. Kainis takte.

''Wala ka talagang pakialam sakin no?'' imagine akala ko gusto niya ko. Yun pala hindi! Fvcking shit naman e.

''B-bakit naman,Sumi?'' takang tanong niya.

''Y-yung chocolate. Ginawa ko yun para sayo. K-kasi gusto kong paalam yung nararamdaman ko sayo. Pero ikaw parang wala ka lang pakialam. Umasa pa naman ako. Paasa ka! At naiinis ako ng dahil sayo.'' Ang sakit sakit. Di ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko.

''Sumi. Tatanggapin mo ba 'to?'' at inabot niya sakin yung isang rosas. Huh? Bakit niya ko binibigyan ng ganito?

Nalilito na ko. Ano ba talaga ang gusto ni Basty? Weird talaga siya kahit kailan.

''Diba? Pag valentines day. Binibigyan ng lalaki yung babaeng gusto niya ng red rose? Alam kong gusto mong gayahin yung nasa Japan but I prefer yung Pang pilipino kasi gusto kong ako yung mag-effort para sayo'' and then he smiled. Nashock ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

''Pasensya ka na,Sumi ah. Di ko kasi alam na parang Pang Japan pala yung balak mo. Edi sana di ako nagsalita ng ganun. Pero let me be the one to say this...'' huminga muna siya ng malalim and uttered this words ''I love you so much, Sumi''

Pagkatapos niyang sabihin yun napanganga ako. Yeah literal na napanganga ako. Nanaginip ba ko? Kung panaginip 'to sana hindi na ako magising.

''I lo--'' I was stop when he silenced me with a kiss.

Paspell ng L-O-V-E.

Kasi I'm truly madly deeply inlove with this nerdy guy name Sebastian Alvarez.

This Valentines Day is not bad at all. Actually napakaswerte ko talaga.

Gosh.. I'm so lucky to have a guy like him.

Tototoo na to diba? For real na? 

I'm not dreaming right?

He loves me too right?

Waaaa.. Di ako makapaniwala.

Ang Boyfie Kong Nerd [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon