Bigla ko na lang naisip nung nakita kong OL siya. XD
Ang sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ako mahuhulog sa taong marami ang nagkakagusto. Eh kasi naman parang ang labo. Ba't mo pa siya gugustuhin kung marami ng nagkakagusto sa kanya diba? Bukod sa araw-araw mo siyang titingnan at marerealize mo na hindi lang pala ikaw ang gumagawa ng ganun, halos lahat pala ng babae. Parang ang sagwa. Hahaha.
Ang sagwa nga pero alam mong hindi mo maiwas-iwasan. Kaya nga kahit yung hindi pagngiti niya na wala namang kamali-malisya, lalagyan mo na lang. Hahaha.
Ah basta! Kahit ang babaw ng ganun, iba pa rin ang dating sa'kin. XD
Hindi naman ako makalapit-lapit sa kanya at buti na lang andiyan yung facebook para mastalk ko siya. Errr, parang hindi naman siya stalking, palagi ko lang naman tsinecheck kung OL ba siya at kung seswertehin ka nga naman i-chachat ka niya "UY, MAY ASAYMENT KA?"
-----------------------------------------------------------
Patapos na ang semester pero hindi ang tambak-tambak na asayment na pahabol ng mga teachers. Yung mga teacher talaga ang hilig magpahirap sa estudyante o sadyang yung estudyante lang talaga ang tamad? Basta ang alam ko, hindi ako tatamad-tamad na tao kaya nga nagpupuyat pa rin ako para matapos-tapos tong paper na'to.
Buti na lang andiyan ang FB, nakikita ko yung iba pang students na OL, nakakagana tuloy malaman na may kasama akong nagpupuyat kahit sa chat lang. Haha.
Ooops. Teka.
Neco Bandiola
Marc Reyes
Dave Elio
Abigael Sepio
John Granada
More Friends(49)
ONLINE SIYA!
Shet. Bumilis na lang bigla yung abnormal kong puso. Ugh. Parang kinakati ang kamay kong i-chat siya. Wahahaha.
Ang sarap pala ng feeling kahit makita mo lang na OL siya kahit di kayo nag-uusap.
Uhhhh. Teka. Teka. Ang paper ko pa.
Ni-minimize ko naman ang window ng internet at ini-open yung Word kaso wala pa ring ideya na pumapasok sa utak ko. Ang bagal lang magpick-up ng ideas.
Yung puso ko kasi pasaway, nagwawala. Tuloy, puro lang puso goodbye na utak. Psssssh.
Dahil wala naman akong maitype, balik ulit sa pag-iinternet.
Online pa rin siya. Haaaay.
Ni-click ko naman pangalan niya at lumabas ang chatbox.
"Uhhh. Hello? Magandang gabi. May asayment ka ba?"
Syempre hindi ko naisend, nagkasya na lang ako ng pagtatype nun sa chatbox. Kasi sa pamamagitan ng ganun, gumagaan na rin yung pakiramdam ko, parang nag-uusap na rin kami kahit hindi naman. XD
Tsaka nakakahiya kung isesend ko. Bakit naman nakakahiya?
Kasi...
"Ba't ko siya tatanungin tungkol sa asayment kung wala namang klase na kami ay magkaklase diba? Eh di halatang nagpapansin ako nun."
Dahil nasiyahan naman ako kahit papanu ng chat ko "kuno", nagdecide na akong gumawa ng paper.
Okay. Pahabol munang sulyap sa pagiging online niya. Solve na ko.
Mga isang sentence pa lang ang natype ko ng napatigil ako.
Wala talaga siyang kabalak-balak pansinin ako, diba?
Ngayon ko lang narealize, palagi na lang ganito.
Ako na parating naghihintay sa wala at siya na wala namang pakialam sa'kin. Ni hindi nga siguro yun tatablan kung makita niyang online ako. Para san pa diba? Hahahaha.
Uy, ang tanga ko lang. Hahaha. Palaging umaasang isang araw ichachat din niya. Hay naku, sa school nga sandaling sulyap at ngiti lang pinupukol sa'kin pagkatapos akong mahuling nakatingin sa kanya, asa pa kong ichachat niya ako.
Nakakahiyang aminin pero..
Ang sakit nun ah.
Uhh. Teka, paper ko pala.
Type. Type. Type.
"Anong oras ka matutulog?" May nagtanong.
"Matutulog na."
Awww. Nagsisleeptalk lang pala ang roommate ko. Pero di na bale, matutulog na rin naman ako.
Tapos ko na rin naman yung paper ko. Kaya sinave ko lang siya at ini-exit ko na yung word. Pagod na rin naman yung mata ko para mag-internet pa.
Nang i-maximize ko yung window ng internet.
Marc messaged you Marc messaged you Marc messaged you Marc messaged you Marc messaged you
Totohanan ba'to?
Nung ini-open ko yung chatbox.
"Amre"
May sumunod pa.
"Uy, may asayment ka?"
???
---------------------------------------------------------------------
[A/N: Sa hindi nakagets, kung meron man. XD Pakibasa ng mabuti yung kwento. Maging matinik sa italicized sentence. Hahahaha. Proud to say, mas nauna ko pang tapusin tong kwento na'to sa isang upuan kesa sa paper na ipapasa ko. Hahahaha.]
YOU ARE READING
"Uy, May Asayment Ka?"
Teen FictionAno yung feeling kung bigla na lang siyang magchat ng, "Uy, may asayment ka?"