"Bleeeh wala siyang daddy ahahaha!"- Sigaw sa kanya ng mga kaklase niya kaya hindi napigilan ni Hailey ang maiyak lalo na't wala pa siyang kaibigan kasi Firstday pa lang niya sa school.
"Kawawa naman walang daddy, Siguro iniwan kana ng daddy mo kasi hindi kana niya love kayo ng mommy mo!" - Sigaw sa kanya ni Mica
"Hindi totoo yan! Love ako ni daddy nasa abroad lang siya nag wowork! Love kami ni daddy sinungaling kayo bad kayo!" - Balik Sigaw ni Hailey sa mga kaklase niya habang umiiyak
"Wahahaha kawawa ka naman bleh walang daddy!" - Sigaw din sa kanya ni Andrei at kinakaawa siya kaya iyak lang siya nang iyak.
"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya! Tumigil nga kayo! Alis!" - Galit na sigaw ni Zairon sabay lapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay at tinulungan para makatayo.
"Next time pag nakita ko na binubully niyo pa siya ipapakain ko kayo sa Tiger namin!" - Galit na sigaw ni Zairon sa mga nang bully sakanya kaya sa sobrang takot nagsitakbuhan sila.
"Bakit mo ako pinag tanggol sa mga salbahing yon?" - Umiiyak na tanong ni Hailey kay Zairon.
"Dahil ayoko may nakikitang babaeng maganda na umiiyak, Ano nga pala pangalan mo?" - Astig na tanong ni Zairon sa kanya sabay pahid sa daliri nito sa luha ni Hailey na tumutulo sa pinge nito.
"Ako si Hailey Mendosa, Bakit maganda bako?" - Umiiyak niyang tanong sabay gusot sa mata niya na puno ng luha.
"Ang ganda naman ng name mo bagay talaga sayo, Oo maganda ka bakit di mo ba alam yun?" - Zairon
"H-hindi ko alam, Thank you nga pala sa pagtanggol mo sakin" - Hailey