Jennie's POV
nagising ako sa sinag ng araw, at nang imulat ko ang mga mata ko nagpalinga linga ako, wala si Lisa. nasaan naman kaya yun?Lumabas ako ng kwarto para hanapin sya pero wala. Tinawagan ko sya para malaman kung nasaan sya
phone call
Ako: Lisa?
Sya: oh hey, gising ka na pala
Ako: nasaan ka?
sya: ah lumabas lang ako saglit bakit?
Ako: ah wala lang
Sya: ano gusto mong kainin?
biglang nag-flashback sa isip ko yung ginawa kong paghalik sa kanya kagabi>_<
Sya: Jen andyan ka pa ba?
Ako:a-ah ikaw na bahala. ingat ka
pinatay ko na.
ano ba yan jennie, ang aga-aga kung anu ano naiisip mo.
habang hinihintay ko sya naglinis muna ako ng bahay nya, wala syang kasama. nakakapagtaka naman nasaan ba mga magulang nya?
napatingin ako sa picture ng baby. ang cute naman, sya ba ito? sabi ko habang hawak ko yung picture na naka frame
biglang bumukas ang pinto, at napaharap ako
"oh jennie naglilinis ka?" si lisa pala
"ah o-oo, naiinip kasi ako"sabi ko para di mahalatang nabigla ako sa sinabi nya
bigla syang napatingin sa kamay ko, at narealize ko na hawak ko pa yung picture nya
isip jennie ng palusot
"ah, pinunasan ko lang ito" palusot ko, saka ko na ibinaba
ngumiti lang sya
itinuloy ko na ang paglilinis habang nagluluto sya sa kusina.
after 30mins.
"Jen, kain na tayo" sabi nya kaya agad ko sya pinuntahan sa kusina
naiayos na nya ang kainan kaya naupo nalang ako.
kukuha ako ng sinangag ng di sinasadyang nagkasabay kami, kaya nagkahawak kami ng kamay😳
"ikaw na mauna" sabi ko at bumitaw ako
"ikaw na" yumuko sya at nahalata ko na namula sya😳😳😳
pagkatapos ko lagyan yung plato ko yung sa kanya naman
"just let me know kung tama na" sabi ko sa kanya
nakatingin sya sa nilalagay ko
"ok na yan, thank you" sabi nya
habang kumakain kami
"ah j-jennie" nauutal nyang sabi
"hmm?" yun lang naisagot ko dahil may laman yung bibig ko🤭
"tu-tungkol sa nangyari kagabi, a-ano kase" nahihiya nyang sabi
nasamid ako bigla ng maalala yung halik, kumuha sya agad ng tubig at ininom ko. di na nya ulit tinuloy yung sinasabi nya.
habang naghuhugas ako ng pinagkainan nakatingin sya
"bakit? ngayon ka lang ba nakakita ng naghuhugas ng pinagkainan?" tanong ko sa kanya habang nakangiti
"it's new to me, na may ibang naghuhugas ng pinagkainan ko" sagot nya
"huh? ba't naman?" pang-uusisa ko
napabuntong hininga sya
"well, since nawala mga magulang ko, wala ng ibang gumawa nyan para sakin". nakita ko yung lungkot sa mukha nya
"ah, pasensya na pero, nasaan ba sila?" tanong ko
"namatay na sila, car accident. 10yrs na silang wala" sagot nya, halatang nagpipigil sya ng luha
nagpunas ako ng kamay dahil tapos na ako at niyakap sya.
dun bumagsak yung luha nya, rinig na rinig ko ang mga hikbi nya. hinimas himas ko ang likod nya
"ok lang yan, im sure binabantayan ka nila kaya ngayon maayos kalagayan mo" pilit ko sya pinapatahan sa mga salita ko
nung tumigil na sya
"may gagawin ka ba ngayon?" biglang tanong nya
"actually, yeah meron" sagot ko. nakita ko na parang nalungkot sya
"magdedeliver kasi kami ng cupcakes at macaroons ni jisoo" dagdag ko pa
"ah i see, sige ihahatid na lang kita mamaya sa inyo" sagot nya lang
naligo lang sya at umalis na kami. sa sobrang bilis nya magdrive napayakap ako sa kanya, ramdam na ramdam ko tibok ng puso nya.
pagbaba ko. aalis na sana sya
"ah lisa"sabi ko
"yes?" nakangiti nyang sabi
"yung k-kagabi, pasensya ka na ah" kita ko sa mga mata nya yung pagkabigla sa sinabi ko
"ah, hehe, ano kasi jen. ok lang yun." sabi nya at nginitian ako
"oh sige ingat, lisa" hinintay ko muna sya makalayo, nakangiti pa rin ako hanggang sa makaalis sya
"yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!jendeuuuuuuuuuuuuuuuukieeeeeeeeeeeeee" nagulat ako sa sigaw ni jisoo
"kanina ka pa" tanong ko sa kanya
"oo, dun ka ba natulog?"tanong nya, at nahalata ko yung panunukso sa mata nya
"sobrang taas ng lagnat nya e, i just can't leave her there" paliwanag ko
"let me just remind you, Jennie Kim" madiin na sabi nya
"ano?"sagot ko
"yan si Lalisa Manoban ay galing sa break up, MATINDING BREAK UP. hindi pa nakakamove on" sabi nya
"baka isang araw iiyak-iyak ka sakin dahil sa kanya" dagdag pa nya
"at kim jisoo alam mo rin na kakahiwalay ko rin kay Kai"sagot ko para manahimik
"sya ay iniwan, ikaw niloko. magkaiba yun jennie kim. pinapaalalahanan lang kita" hindi ba sya mananahimik?
"oo na, maliligo na muna ako ng makapaghatid na tayo" sabi ko saka na ako naligo
nakatitig ako sa salamin habang nag aayos ako ng sarili.
"hindi ka dapat mahulog sa kanya" sabi ko sa sarili ko
habang nasa byahe kami ni jisoo, nagtext sakin si lisa
Sya: hey, im safe na nakarating sa pupuntahan ko
"so text mate na kayo?" nagulat ako kay jisoo dahil nakikibasa pala sya
"unnie!!!" sabi ko at tatawa tawa sya
nang makarating kami sa pupuntahan namin.
"kuya pakitulungan si jennie" sabi ni jisoo sa driver nya
oh diba yayamanin si jisoo.
nauna na si jisoo
"kuya pakidala na po ito sa loob" sabi ko at tumango lang si kuya
dahil sa dami ng dala ko muntik na malaglag yung dala ko buti nalang may tumulong sakin. nagkahawak yung kamay namin, at napatingin ako sa mga mata nya. Para akong malulusaw sa tingin nya. Hindi maiwasan humanga sa kanya
BINABASA MO ANG
Accidentally
FanfictionFirst FF ko to, na ipaPublish. So pagpasensyahan nyo na. Enjoy and Godbless🤘🏻🤘🏻☺️ Stream https://youtu.be/ioNng23DkIM https://youtu.be/IHNzOHi8sJs https://youtu.be/bwmSjveL3Lc https://youtu.be/2S24-y0Ij3Y https://youtu.be/Amq-qlqbjYA https://you...