Chapter 35 Sakit

273 9 0
                                    

Hi guys thank you sa pag support lovelots.

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad habang ako ay naka yuko.

Napansin kong hindi ako nababasa ng ulan.

Tumingala ako para makita kung umuulan pa ba o hindi.

Pag katingala ko ay may nag papayong sa akin. Nakita ko si kuya na nag papayong sa kin kaya hindi ko napigilan na yakapin sya at doon umiyak.

Kuya: Shhh tahan na nandito lang si kuya.

Rose ann: Kuya wala na sya. Pinag palit nya ako sa iba.

Kuya: Shhh tahan na hindi naman sya kawalan ehh.

Rose ann: Alam ko kuya kaya lang mahal ko sya.

Kuya: tara na sa bahay mag kakasakit ka ehh.

Rose ann: kuya hindi ko kaya pag wala sya.

Kuya: Alam ko. Mamaya kana mag kwento pag nasa bahay na malakas ang ulan.

Rose ann: sige kuya.

Nag lakad kami hanggang maka rating kami sa bahay. Sa bahay dinatnan namin ni kuya si mama na nag luluto ng pang hapunan.

Mama: oh nandito na pala kayo.

Kuya: Ma mag bibihis lang muna kami ahh.

Mama: sige.

Umakyat na kami sa taas at pumasok sa kanya kanyang kwarto.

Naligo muna ako at nag bihis nang matapos na akong mag bihis ay bumaba na ako.

Mama: Tara na kumain kana dito.

Ngumiti lang ako. Pano pag nalaman ni mama? Pano kung mawala yung tiwala nya kay jerome? Pano kung magalit sya? Hayst daming katanungan sa aking isip pero isinantabi ko muna yun.

Nang matapos na kaming kumain ay nag prisinta ako na mag hugas. Umakyat na si mama sa kwarto sya dahil pagod na daw sya.

Nag hugas nalang ako dahil gusto ko na ring matulog dahil ang bigat ng damdamin ko. Masyado nang maraming nang yari ngayung araw kaya gusto kong mag pahinga.

Nang matapos ako ay nagulat ako dahil naka abang pala si kuya sa may center table namin. Ngumiti lnag si kuya na para bang sinasabi nito na mag paka tatag ako at nandito lang sila. Halos kalahati ng buhay ko ay naka dipende sa taong yun ayoko na banggitin ang pangalan nya dahil na sasaktan lang ako.

Kuya: kwento mo na.

Lumapit ako sa kanya at hinila sya sa may sala.

Rose ann: kuya wala na kami.

Pag sabi ko nun ay tumingin ako sa reaksyon nya naka ngiti sya pero pag tinignan mo ang mata nya ay doon mo makikita ang galit na natatago.

Rose ann: Kuya hiniwalayan nya ako.

Habang sinasabi ko yun ay hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Napaka sakit sa akin dahil nawala ang taong mahal ko. Sa akin napaka sakit pero sa kanya parang walang nangyari. Siguro hindi nya talaga ako minahal. Ano yun lahat puro pag papanggap lang.

Kuya: Hayaan mo na sya mag move on ka kahit alam ko na mahirap kayanin mo para sa sarili mo at sa amin na pamilya mo. Hindi lang sya ang lalaki dito marami pang iba.

Rose ann: Oo kuya kakayanin ko para sa inyo ni mama at para na rin sa sarili ko. Pero kuya hindi ko kayang mag move on hindi ganon kadali yun. Masyado syang malapit sa akin kaya parang kulang ang buhay ko pag nawala sya.

Kuya: Alam ko pero kailangan mong kayanin. Ipakita mo sa kanya na hindi ka naapektohan.

Rose ann: sige kuya.

Kuya: akyat na ako ha.

Tumango lang ako. Humiga ako sa sofa at doon umiyak ng umiyak. Hindi  ko alam kung nag kulang ba ako o sadyang manhid lang ako at hindi ko nakita na wala na pala syang nararamdaman sa akin. Napaka gago lang kasi lumapit sya sa akin at kinuha ang tiwala ko ngayon na nag tiwala na ako sa kanya ay lumayo naman sya para masira ang tiwala na binigay ko sa kanya.

Sya ang first boyfriend ko at ang akala ko ay sya na din ang last pero hindi nag kakamali pala ako. Sya ang bumuo ng puso ko sya din ang sisira. Marami. Maraming katanungan sa akin isip. Nakipag hiwalay sya ng walang dahilan tapos hindi naman nya sasabihin ang problema kaya wala na akong nagawa dahil yun ang gusto nya.

Maraming bagay na dumadaan sa buhay natin tulad nalang nito. Kahit hindi natin kaya na mag move on o sabihin na nating hindi talaga madaling mag move on lalo na kung napamahal kana sa taong iyon. Kailangan talagang mag move on dahil kung tinapos na nya o kung tinapos mo na ang relasyon nyo ay wala na tapos na pero kung bumalik sya at minahal ko ulit hindi naman na masama na bigyan mo sya ng pangalawang pag kakataon.

Hindi ko nga alam kung bakit ang kabataan ngayun ay mag break up tapos comeback tapos break up. Paulit ulit lang sabi pa nila kung mahal mo babalikan mo.

Hindi sa lahat ng pag kakataon ay ang bumabalik ay minamahal ka minsan sinisira pa nito ang buhay mo.

Marami ng sumira ng buhay ko pero pinipilit ko par8ng maging matatag.

Akala ko mahal nya ako.

Akala ko sya na hanggang sa huli.

Akala ko nag papaka totoo sya.

Akala ko mapapagkatiwalaan sya.

Akala ko hindi nya sisirain ang buhay ko.

Akala ko lang pala ang lahat.

Tang inang buhay toh. Nakakainis gusto ko nang mag pakamatay.

Hindi ko na kaya nahihirapan na ako.

Sinisira lang nila ang buhay ko. Dapat hindi na sya dumating ehh para tahimik ang buhay ko. Pero nakaka gago lang dahil dumating pa sya iniba nya ang buhay ko ang dati kong buhay na kulay puti at itim lang nung dumating sya naging makulay ito at puno ng buhay pero ginawa nya ulit itong kulay puti at itim dahil wala na sya nakakainis. Hindi ko talaga matanggap na wala na sya sa piling ko.

Itutulog ko nalang ito. Sana bukas pag gising ko wala na ang sakit. Sana nga ganon nalang kadali ang mag move on.

Kaya kayo wag muna kayo mag jowa sisirain lang nun ang buhay nyo mag aral muna kayong mabuti. Oo ikaw na nag babasa.

Bukas pag gising ko iba na ako hindi na ako yung mahina, iyakin at nerd na kilala nyo.

10/19/19 hindi ko malilimutan ang tanginang araw na ito dahil sa araw na ito ay wala ng jerome sa buhay ko...............



  ............ Hi guys thankyou for supporting.

Plsss vote and comment bye..........

The nerd girl and The playboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon