Pepero Kiss

203 7 3
                                    

***

KRYSTAL'S POV

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw ng mga bwisit kong kaklase. Wtf? Pano bako napunta sa sitwasyon na 'to?

*FLASHBACK

"Krystal!!!!!!!!!!!"

"Ay butiki! Ano ba Amber! Makasigaw ka naman. Di ako bingi no!" Bulyaw ko kay Amber. Anlakas kasi ng boses!

"Hindi ka bingi? Edi sana narinig mo si Ma'am na kanina pa tawag ng tawag sayo! Puro ka kase kalokohan diyan sa likod eh!" Sigaw niya ulit sakin. Arggh! Tong babaeng to talaga.

Agad akong pumunta sa unahan para kausapin si Ma'am. Nakita ko naman na nag-uusok na ang ilong at tenga niya. Patay.

"A-ah, Ma'am? Ano po 'yon?" Tanong ko kay Ma'am.

"Ano ka ba Krystal? Kanina pako tawag ng tawag sayo di mo manlang naririnig. Bingi ka ba talaga o sinasadya mo?" Aww. Galit nga siya. Eh kasalanan ng mga kaklase ko eh! Ang iingay! Pano ko maririnig yung tawag ni Ma'am?

"Ma'am di po. Ang iingay po kasi ng mga kaklase ko eh. Ang dadaldal po!" Pagdadahilan ko kay Ma'am

"Aba't nagdadahilan ka pa ah. Sinasabi mo ba na mali ako? Sige, Get out of the Room!" Sabi ni Ma'am. What?

"Ma'am? Hindi naman po---"

"NOW!!"

Wala nakong nagawa. Naglalakad nako palabas ng Room ng nakita ko ang iba kong kaklase na lalaki na nagtatawanan.

KEVIN'S POV

"Hahahaha! Ang galing mo Pre! Hahahaha!" Sabi ni Alex habang tawa ng tawa.

"Laftrip Brad! Hahahahaha!" Sabi naman ni Timothy habang naniningkit na ang mata sa kakatawa.

Hahahaha! Kung bakit kame tumatawa? Kase, napagtripan ko nanaman si Krystal. Inutusan ko ang mga katropa ko at ibang lalaki na pumunta sa likod at mag-ingay kung nasan si Krystal. Ang alam ko ay may pinagawa si Ma'am sa kanya at tatawagin ito ngayon para kunin. At sakto! Hahaha. Laughtrip talaga. Ilang taon ko na sa kanya to ginagawa. Free Time kase namin ngayon. Dahil malapit na rin ang Christmas Party at Christmas Vacation. Hahahaha! Well, nakakatawa kase pag inaasar mo siya. Ang kanyang mga priceless face at iba pa.

"Pero pre, alam mo, naaawa din ako kay Krystal. Siguro sa loob loob nun ay nahihirapan na yun sa mga ginagawa natin. Tignan mo, dahil lang sa ginawa natin ay napalabas siya at malamang baka papuntahin yun sa PD."

Ignoring him, I stood up and tinawag si Ma'am.

"MA'AM! ANG PANGET NIYO PO!!"

KRYSTAL'S POV

Andito ako ngayon sa labas ng Room. Hinihintay si Ma'am. Siguro isasama ako nun sa PD Office. Hayss.

Habang naghihintay ay bumukas ang pinto ng Room namin at iniluwa noon si Kevin. Tss -_-

"Oh! Hey, bakit ka nandito?" Tanong niya sakin.

"Hay nako Kevin. Siguro ikaw nanaman ang may pakana nito 'no? Pwede ba? Tumigil ka na. Pwede naman yung harap harapan mo nalang akong asarin at sabihan ng mga gusto mong sabihin saken eh. Pwede naman yun! Kase kung natutuwa ka, ako hindi." Umalis nako sa lugar na iyon at dumiretso sa PD. Sakto naman na nagbell at hudyat na para kami ay mag Break Time.

*Sa loob ng PD Office

Umupo ako kung saan malayo kay Kevin. Tss! Kairita ang mukha amwala!

Si Kevin Wu. Isang ungas at malaking dagok sa buhay. Hindi nagsasawa sa pang-aasar sakin. Kasama ang kanyang mga Minions. Tss -_- sana nga ay lubayan na niya ako.

Pinagsabihan lang kami ni Ma'am at wala namang binigay na parusa. Dapat lang! Yun lang naman ang nagawa ko eh. Eto kayang isang 'to? Ano nanaman ang ginawang kalokohan?

Pagkatapos kame sermonan ay lumabas agad ako ng PD Office at nakita ko si Amber. Mukhang hinintay pa ata ako neto.

Agad ko siyang hinila para maka-alis na sa lugar na iyon at baka makita ko pa ang ungas.

"Teka lang, W-wait!" Sabi ni Amber at bumitaw saken.

"Bakit na nagmamadali ka ha?" Tanong niya sakin ng may pagtataka.

"Ah kase.... Nagugutom nako eh! Tara na nga!" Hinila ko ulit siya para makapunta na sa Canteen.

"Ang weird. Nakita ko si Kevin na nakatitig sa'yo kanina habang palabas ka asdfghfkljleyiu"

May sinasabi siya pero di ko marinig kase tumatakbo kame ngayon. Ano ba yun?

***

Lumipas ang mga araw at Christmas Party na. Yehey! Tapos sunod ay bakasyon! Yeeees!

Kasalukuyang nasa Room kame ngayon at nagpapalaro si Ma'am ng Games. Heto ako naglalaro lang sa Cellphone ko. Nakakatamad kase maglaro doon eh. Nakakapagod!

Narinig kong may sinasabi si Ma'am at itinuon ang pansin ko doon.

"Hey class, Wag KJ ah! Christmas Party ngayon kaya dapat mag saya tayo! Yung mga naka-upo diyan, stand up! Kung hindi ako hihila sa inyo!"

Hay nako. Di naman nila ako makikita dito no. Nasa likod ako eh. Hahahaha!

"Ma'am! Ayun po oh! Si Krystal! KJ!" Sigaw nung isa kong kaklase. Patay ka sakin mamaya kung sino ka man.

Biglang nagtinginan sakin ang mga kaklase ko. Tss. Eto na nga eh! Agad akong tumayo at pumunta sa may gitna. Kung saan man nagaganap ang laro.

"Okay students, here's the game. It is called "Pepero Game" one piece ng Pepero ang ibibigay ko sa dalawang magpartner. Kailangan nilang kainin ang bawat dulo nito hanggang sa makapag tira sila ng 2 inches. No cheating! Kailangan magtira ng 2 inches ha. Ang mananalo, makakatanggap ng Prize! So, sino ang maglalaro? Oh wait! Those KJs! Let me see them!"

Tinulak naman ako ni Amber. Tss. Nasalikod ko pala siya. So, heto ako ngayon. Nasa gitna at maglalaro. Sana naman matino ang makapartner ko.

"Yun po Ma'am oh! Si Kevin andun lang!"

Kakasabi ko lang ng matino eh -_- Hay. Makaalis na nga. Kung siya lang ang makakapartner ko.

"Ops! Ops! San ka pupunta Ms. Krystal Lim? Dito ka lang at maglalaro kayo ni Mr. Wu"

Ano ba? Puro kamalasan nalang ba ako? Nakita ko na papalapit na si Kevin sa kinalalagyan ko. Sana naman ay wala tong gawing kalokohan. Kundi masasapak ko talaga to.

Magkatapat na kami ngayon ni Ungas. Tss. Sa baba pa siya nakatingin. Tumatawa nanaman ba 'to? Binigay na sakin ni Ma'am yung isang piraso nung Biscuit.

"Hoy Kevin. Umangat ka na nga ng tingin diyan kung gusto mong matapos to ng maaga." Pagkasabi ko non, umangat nga siya ng tingin at tinignan ako ng diretso.

*dug *dug *dug

Okay? Anong nangyayari sa puso ko? Bakit ambilis ng tibok? Tss. Nilagay ko agad ung Biscuit na mahaba sa bibig ko. Lumapit narin siya para simulang kainin ang dulo neto.

*END OF FLASHBACK

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw ng mga kaklase ko. Wtf?

Binilisan kong ubusin ang dulo nung Biscuit. Pero dahan dahan lang naman at baka hindi kami makapag-iwan ng 2 inches. Kung kanina ay di kumakain si Kevin, ngayon ay salamat sa Diyos at kumain na rin.

*dug *dug *dug

What the heck? Ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa! Mga 4 inches nalang. Pero, kaya ko to. 2 inches nalang at mananalo na kami. Hindi ko ba nasabi? May mga kalaban din kame.

Malapit na sana maging 2 inches ung mahabang biscuit namin ng pumikit si Kevin. Bakit pumikit to? Ayaw ba niyang makita ang mukha ko ng malapit------

"YIEEEEEH!"

"Yun oh!"

"Sabi na eh!"

What the hell just happened?! Did he kissed me?!

Nakalayo na kame sa isa't isa. Pero nakita ko na nakangisi siya. Walangya naman oh! First Kiss ko yun for Pete's sake!

***

A/N:Sorry po kung Pangit at kung may Wrong Grammar! XD Please Vote/Comment! :) Gomawo Chingus!

Pepero Kiss :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon