[18]: Cute!

281 7 2
                                    

[ETHAN's POV]

Kakarating lang namin ng bahay. As usual, hindi pa rin namin nakikita si Xander mula kaninang umaga. Ewan ko ba sa taong yun.

Pumunta ako sa kwarto namin ni Kay. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko siyang nakahiga sa kama. Mukhang natutulog ata.

Kaya dahan-dahan akong naglakad papunta ng walk-in closet namin para magpalit ng damit. Tinignan ko ulit siya. Doon ko lang napansin na may nakakalat na notes sa kabilang side ng kama. Siguro nag-rereview siya para sa exams namin next week.

*

*

Pagkabihis ko ng damit, bumalik ulit ako sa may kama. Wala, tulog mantika pa rin yung isa. Tinignan ko lang yung mga notes na nakalapag sa sahig.

-______-"

Hindi pala notes 'to eh. Puno ng doodle? Nakikinig kaya sa klase 'tong isang 'to? Napailing nalang ako sa nakita ko.

Naramdaman ko na gumalaw si Kay kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Oy, Ethan. Nandiyan ka pala." sabi niya habang kinukusot pa ang mga mata niya. Matripan nga 'to.

Tinaas ko yung doodle na pangalan ko, yung sakto lang na makita niya..

O_O- expression ni Kay

"YAAA! Ibigay mo sa'kin yan!!" dali-dali akong tumayo dahil alam kong kukunin niya 'to. At dahil mas mataas ako sa kanya, hindi niya abot. Haha!

"Eehhh! Bakit na sa'yo yan!" pinipilit pa rin niyang abutin. Tinataas ko pa para di niya talaga maabot.

*bbblllaaaggg!*

"Aray, ang sakit non ah." sabi niya habang hawak-hawak ang noo niya. Nagkauntugan kasi kami pero...

"YYYYAAA! UMALIS KA SA IBABAW KO!!! >///< dun ko lang napagtanto na nasa ibabaw niya ako. Na out of balance kasi siya habang inaagaw ang notes niya sa'kin. Napatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda pala ng mga mata niya, yung tangos ng ilong sakto lang, yung lips niya, kissable.

*clears throat* "Aalis o aalis?" tanong niya sa'kin di pa rin ako sumasagot.

[AUTUMN'S POV]

Ano bang balak ni Ethan ha?! >////< kasi naman eh nasa ibabaw pa rin siya sa'kin. Ang bigat bigat kaya niya.

"Hoy, Ethan! Ano ba! May balak ka bag patayin ako! Ang bigat bigat mo kaya!" sumisigaw na po ako kahit ang lapit-lapit ng mukha namin.

"..........."

Abat! Di talaga siya sasagot? Hindi ko alam kong saan siya nakatingin. Sa butas ng ilong ko o sa lips ko? Ay, ewan! >_<

"Namumuro na ako Ethan ha! Isa!" hindi pa rin siya sumasagot. Napipipi na ba siya?

"Dalawa!.."

"Tatlo.." sabi niya sabay halik sa lips ko.

O_____O

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. OMYSHAKESPEARE!! What is happening right now?! He's moving his lips slowly.

Ako? Parang poste lang. Di ako makagalaw. Di ako makapagreact. Yung right hemisphere ng brain ko nagsasabing itulak siya, ang left hemisphere namin nagsasabing wag na, hayaan mo na gusto mo naman yan eh.

Left hemisphere wins!!

Dahan-dahan na rin pumupikit ang mata ko. Yung parang bawat galaw ng labi niya sa labi ko ay nagsasabing pumikit ako.

Sa bawat halik niya, dahan-dahan niya akong niyayakap. OHGOD! tell me this is not true!

Tumigil na si Ethan. Ngumiti siya sa'kin. Bwesit na ngiti na yan eh!! >_< bakit ba ang ganda ng ngiti niya? Hinaplos lang niya yung buhok ko.

Parang sasabog na ako talaga! Itigil na natin to Ethan! >///<

"Ang cute mo pag namumula Kay. Parang matamis na apple." at ngumiti ulit. Waaaa! World what's happening to him na ba? Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sa'kin.

Inabot ko na rin ang kamay ko para makatayo ako.

"Gusto mo tulungan kita sa pagrereview mo?" nakatingin pa rin ako sa mga kamay namin. Hawak-hawak pa niya eh. :3

"Ayaw mong sumagot ha.."

Tsup!

O_O

"Anak ng..."

Tsup!

"Tumigil ka nga..."

Tsup!

"Isang maling sagot pa sa tanong ko. Hahalikan kita d'yan." sasagot pa sana ako pero may kondisyon eh.

Konsensya: gustong-gusto mo namang mahalikan eh.

Tse! Hindi kaya. Ngumiti lag ako sa kanya. Saka niya ako hinila patungong study table.

*

*

Halos magdadalawang oras na kaming nagrereview dito. Hindi ba uso sa kanya yung salita na 'break'? Napabuntong hininga nalang ako. Walang ni isang salita na galing sa bibig niya ang pumapasok sa utak ko.

"Kay, makinig ka nga." sabi niya habang nilalaro ko ang kamay niya. May singsing kasi siyang suot.

"Nakikinig kaya ako. Go on.."

Tumayo siya at hinila ang upuan niya sa may likuran ko kaya sinundan ko siya ng tingin. Umupo siya at kinulong ang katawan ko sa mga braso niya. Tapos yung hawak niyang notebook kanina nasa harapan ko na at nilagay niya ang ulo niya sa may balikat ko.

Freeze! Ito na naman po siya!! >///

"Makikinig o hindi?"

"M-makikinig s-sabi eh.." aish! Nabubulol ako! Paano ba naman kasi yung posisyon namin, nakaback hug siya!

OMYTWISTERFRIES!! what an earth is happening to him?!

----------

A/N: Happy moments pa for now. Later on baka kakailanganin niyo na ng isang roll ng tissue. ;)

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon