Look at me (11/2/14)

49 1 0
                                    

by: kreyshen2601

Dalaga na ako..

Yan ang palagi kong sabi sayo, pero bakit ganun? kung ituring mo ako parang nakababata mo pading kapatid.

Nasasaktan ako..

Sa ilang beses kong pagtatapat sayo palagi nalang ang sagot mo.

''Bata ka pa..''

Hindi mo ba alam parang dinudurog ang puso ko sa tuwing sinasabi mo yun?

Matagal kong hinintay na maging ganap akong dalaga, baka kasi magbago na ang tingin mo sa akin.

Na baka isang araw, mapansin mo na maganda ako.

Ewan ko ba kung bakit ayaw mong maniwala sa twing sasabihin ko sayong mahal kita.

Dahil ba sa iniisip mong bata pa ako? na wala pa ako sa tamang edad?

Para lang ipaalam ko sayo, hindi na ako yung dating isip bata, yung bata na walang ibang alam kung hindi maglaro at kulitin ka.

Hindi mo ba nakikita? dalaga na ako.

Paano kung sabihin ko sayong mahal parin kita? papayag ka na ba? iisipin mo parin bang bata parin ako at wala pa sa tamang panahon para magmahal?

Pero isang araw nga diba? inamin ko ulit sayo na mahal parin kita at hindi nagbago yun, pero ang sagot mo.

''You still young, and always a baby for me''

Tumakbo ako at nagkulong sa kwarto nun, umiyak ako hanggang sa pakiramdam ko nawala na yung sakit

Pero hindi pa pala.

Nandito ka parin sa puso ko, makulit kasi 'to eh.. ikaw palagi ang sinisigaw kahit alam naman niyang baby sister lang ako sayo.

Iniwasan kita.. baka kasi isang araw ang puso ko nalang ang mapagod kakahintay sa atensyon at pagmamahal mo.

Pero nagkamali ako..

Makulit talaga ang puso ko, ikaw parin ang tinitibok pasaway din ang utak ko dahil ikaw parin ang tumatakbo dito.

Hanggang kailan ba ako maghihintay na hayaan mo naman akong mahalin ka?

Pagod na kasi ako.

Hanggang ngayon kasi ikaw parin ang isinisigaw ng puso ko.

Na hanggang ngayon umaasa parin ako na balang araw mag-iba ang turing mo sa akin.

At Umaasa ako na balang araw paggising ko... puso ko na ang magsabi at mapagod

Na mahalin ka..

End

     --All rights reserved 2014--

by: kreyshen2601

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Look at me [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon