Chapter 16: Aquaintance Party (Part 2)

1.4K 38 0
                                    

Lexi's Point of View

Hindi talaga ako sanay ng atensyon. Ewan ko ba. Anytime na mapupunta sa akin, o sa amin, basta andun ako ay nagkakaroon talaga ako ng goosebumps. Kasi all my life, nabuhay ako ng wala masyadong nakaatensyon sa akin. Okay na ako sa atensyon ng mga kaibigan ko. Ayos na ako sa atensyon nila. Hindi tulad ng ganito na nung pumasok kami ni Justine sa Entrance nitong gym ay halos nasa amin ang tingin. Ugh! I'm not really used to this. Hindi ako sanay ng ganito.

"Relax." rinig kong bulong ni Justine. Patungo kami ngayon sa mesang inikupa nila Danica. Medyo malapit yun sa stage.

"O-okay." utal na sagot ko. Oh, shet! Their attentions is giving me a goosebumps! Bwesit!

He chuckled. "Nanginginig ka."

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang kamay kong nakakapit kay sa kanya! Ohmygod! Nanginginig nga ako. At dahil nanginginig ako ay inalis ko na ang pagkapit ko sa kanya at itinago sa likod ang kamay ko.

Nang makarating na kami sa mesa ay pumunta kaagad ako kina Danica. Wala dito yung XBANG at bakit ko ba iniexpect na makikitable sa amin ang XBANG?! Shit talaga.

"Bagay kayoooo!!!" tili ni Kristelle. Nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa pisnge niya na animo'y kinikilig.

Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo." atsaka ako umupo sa isa sa mga upuan.

Patuloy sa pag-uusap ang mga kasama ko samantalang ipinalibot ko naman ang tingin ko. All the girls is wearing their long dazzling, shining gowns samantalang sa lalaki naman ay kaniya-kaniyang style ng suits nila na talaga namang bumagay sa kanila. Nakita ko rin sa kaharap naming table si Ayanna with her friends and with Jeric. Siguro siya yung partner ni Jeric. At sa hindi inaasahan ay nagtama ang paningin namin ni Vince na prenteng nakaupo rin sa may table nina Jeric. Nandoon din pala si Kurt.

Iniiwas ko nalang sa kanila ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakaupo sa stage. She's on her white dazzling gown. Nakalugay ang buhok niya kaya naman litaw ang kagandahan niya. Pero hindi nakatakas a paningin ko na parang... magkahawig kami. Hahaha! Syempre hindi naman sa pagiging assumera pero para talagang magkahawig, eh.

Tinawag ko si Danica at tinanong kung sino ang nasa stage.

"Ah. Si Sabina Mercado yan. Guest natin ngayong gabi." aniya. Tumango na lang ako pero nagtaka ako ng nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Ms. Sabina.

I raised my one brow. "What?"

She shrugged. "Wala naman. I just found out na may pagkahawig kayong dalawa." Ohw. So napansin niya din pala yun.

"Hoy, Salvador. Tawag ka ni Mrs. Querino." si Kurt. Muntik pa ngang masuntok ni Danica dahil sa biglang pagsulpot, eh.

Inirapan niya ito. "Huwag mo 'kong mahoy-hoy diyan Bautista kung ayaw mong makutongan kita!" sigaw ni Danica sa kanya. Natatawang hinila na lang ni Kurt si Danica papunta sa may stage.

Bigla namang namatay ang ilaw at tanging isang light bulb sa may stage na lang ang natira. Nakita ko naman sa Peripheral Vision ko ang paglapit sa akin ni Justine. There it goes again. Yung Electricity thingy. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pati puso ko eh naghuhurumentado. May sakit kaya ako?

"Parang magsisimula na." rinig kong wika niya ng nasa tabi ko na siya.

"Oo nga." maiklimg sagot ko.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now