Let's Count 1 2 3

6.5K 132 54
                                    



Paalala: ang aking kwento ay isang katang isip lamang. Kung ikaw ay napaka matatakutin sa mga kwentong kababalaghan maaaring wag mo ng ituloy basahin ang aking kwento sa pagkat hindi ko masasabi kung ano ang magiging ipekto sayo pagkatapos mong basahin ito. At kung ikaw ay malakas ang loob. Hali ka't simulant ang aking horror story . . .

"MA! Pakibilisan naman malelate nako sa klase, mapapagalitan na naman ako nito" pasigaw kung sabi sa aking ina. Agad namang nagmamadaling bumaba si mama dala ang aking rosaryo.

"Oh nak! Nakalimutan mo to. Diba sabi ko naman sayo wag na wag mo tong huhubarin alam mo namang bagong lipat tayo dito sa lugar na to" isinuot naman sa 'kin ni mama yung rosaryo na hawak niya. Nakatungo na may halong simangot sa 'king mukha habang sinusuot ni mama ang rosaryo sa leeg ko.

Pinatay ni mama ang ilaw sa loob ng bahay kasunod nito ang pagsara ng pinto at agad na kaming sumakay sa sasakyan ni mama.

Ako nga pala si Brenda Gonzales. 24 years old masasabi kong "NPA" as in No Permanent Address kami ni mama. Kada taon lumilimat kami, siguro pang limang bahay na namin to na nilipatan. Ewan ko ba dito kay mama kung anong trip sa buhay. Bago kami lumipat dito nasabi ko sa sarili ko na sana ito na yung last na bahay na lilipatan namin. Pero nung Nakita ko yung itsura ng bahay na pa OMG ako. Isipin mo puro puno ang nakapagilid samin. Yung wala kaming kapit bahay. Kung masusunog nga yung bahay namin for sure luto kami ni mama sa sobrang wala kaming kapit bahay. Sobrang nakakatakot yung itsura ng bahay. Medyo sira sira yung bubong. Yung haligi ng bahay namin Sira sira yung pintura tapos yung mga bintana pulos kalawang. So creepy talaga.

Habang nagmamaneho si mama.

"Ma baka naman pwde tayo lumipat" banggit ko kay mama habang nakahawak sa braso niya.

"Ano kaba nak" lingon niya sa 'kin "Ang mura ng bahay na yun. Laking tipid yun para sa 'tin. Alam mo naman na nagtitipid tayo diba?" banggit ni mama sa 'kin. Agad akong bumalik sa pagkakaupo ko habang nakasimangot. Napapa-tingin sa 'kin si mama pero dedma lang siya.

Sa ilang saglit lamang nakarating na kami sa school kung saan ako mag-aaral.

"Ano ba naman to!" pasigaw kong banggit "ang creepy na nga ng bahay ang creepy pa ng school!!" banggit ko habang naka taas ang isa kong kilay

"Pag-tsagaan mo na" banggit ni mama na may kasamang paghawak sa balikat ko.

"Ano ba nga ba magagawa ko!" irap na pagka banggit ko kay mama.

Lumabas nako ng sasakyan. Pero bago ako tuluyang pumasok sa loob ng school tinignan ko muna ito simula sa taas ng building hanggang sa baba.

"Napaka creep talaga dito" banggit ko habang naka hawak ako sa braso ko. Ng biglang may bumangga sa likuran ko.

"ARAY!!!" pasigaw kong banggit. Isang grupo ng mga lalaki at babae ang bumanga sa 'kin

"Sorry naman entrance kasi to ng School hindi mall" pang aasar na sinabi ng lalaki at nagtawanan silang lahat.

"Hindi nyo ba Nakita na nakatayo ako dito?! Kumpleto naman siguro kayo ng mata diba?" pa taray kong banggit sakanila. Lumapit yung isa sa mga ka grupo nilang lalaki.

"Alam mo miss ang ganda mo pag nagagalit" pabulong na sambit ng lalaki, Napa hawak ako sa bewang ko.

"Ang BASTOS!" pa sigaw kong sabi at nagmamadaling pumasok sa loob ng school.

Napakalaki ng school. Mukhang hindi ata to school mall ata to sa sobrang laki at lawak.

Habang naglalakad ako ginagala ko ang mata ko sa loob ng school. Bawat dingding may santong naka sabit. Pati sa hallway mayroon ding mga santo mapa cr, hagdanan, classroom, canteen ultimo mga pinto may mga santo. At lahat ng prof nila may mga rosaryong suot. Agad ko naman kinapa yung rosaryong sinuot ni mama sa 'kin sa leeg. Kinuha ko ang aking list sa bag para tignan kung saan ang room ako papasok. ng biglang may nakabangga na naman sa 'kin.

Let's Count 1 2 3 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon