ONE SHOT

30 4 0
                                    

TPOV

Sa hallway*

"HOY KRISTIAN!!!" sigaw ni Joey sa kaibigan niyang si Kristian. "May gagawin ka mamayang uwian?" tanong niya sa kaibigan

Siya si Joey, isang babaeng maliit, maingay pero mapagbigay, at hindi mashadong matalino. Magkaibigan na sila ni Kristian simula noong mga bata pa sila.

"Wala naman, baket mo natanong?" tanong ni Kristian kay Joey. "Punta sana tayo ng library mamaya?" ang sabi ni Joey sakanya. "Sigi, mag sesearch na den ako para sa debate naten"

Siya naman si Kristian, isang lalaking matalino, matangkad, tsinito, at kalog. Dahil sa mga katangian niyang ito sya ay naging kilala sa eskwelahan nila. Madalas silang mag sama sa library ng kaniyang kaibigan na si Joey tuwing uwian para gumawa ng mga takdang aralin. At minsan nag lalakwatsa din sila sa parke.

Sa library*

"Nasan na kaya yung hinayupak na yon?" tanong ni Joey sa kanyang sarili. At biglang may nahagip ang kanyang mata, nasilayan niya ang kanyang kaibigan na si Kristian. "Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi dapat ito nangyayare. Kaibigan ko lang sya. Joey, kaibigan mo lang siya" ang sabi ko sa aking sarili.

Habang nag sasalita si Kristian, walang naiintindihan si Joey dahil ka katulalaan nito sa pag titig kay Kristian. "Ahhmm? Joey? Huy ok ka lang?" tanong ni kristian. Naalimpungatan si Joey at sinabing "ah? Ano nga ulit yon?". "Ang sabi ko mag simula na tayong mag search para sa debate" sabi ni Kristian. "Ah sige tara na" sabi ni Joey. At nag simula na nga silang mag hanap ng librong magagamit para sa kanilang debate.

Pagkatapos nila sa library, sila ay pumunta sa canteen. "Tara daan muna tayo sa canteen libre kita" sabi ni Kristian kay Joey ng naka ngiti. "Bat ba ang pogi nya?" sabi ni Joey sa kanyang saschool "Sige tara" sabi ni Joey kay Kristian.

Pagkatapos nila kumain sa canteen ay umuwi na sila. Sabay silang nag lalakad sa daan, tahimik silang dalawa nang biglang nag salita si Joey "ahh. Kristian, may sasabihin sana ako." ang sabi ni Joey kay Kristian. "Ah ano ba yon? " tanong ni Kristian. "Kase... Lilipat na ako ng school. Sa maxwell. " sabi ni Joey. "Bakit ayaw mo na ba dito sa Brent?" ang tanong naman ni Kristian. "Hindi sa ganon pero kasi... Lilipat na ulit kami ng bahay" pagkasabi ni Joey ng mga salitang ito, sya ay tumungo at nagmadaling tumakbo pauwi.

Pagka uwi niya sa bahay, siya ay malungkot. Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang umakyat sa kwarto at nag isip. "Bago ako lumipat dapat masabi ko na sakanya ang nararamdaman ko" sabi ni Joey sa kanyang sarili. "Anong gagawin ko? Baka masira ang pagkakaibigan naming dalawa" nag tatalo ang isip niya kung ano nga ba talaga ang dapat gawin, hanggang sa napaiyak nalang siya sa hirap. "Ang hirap talaga mainlove sa tropa. *sabay tulo ng luha* yung tipong hindi hindi mo maamin kasi baka masira pagkakaibigan nyong dalawa. Ano ba dapat kong gawin?" dahil sa kakaiyak buong gabi, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya.

Kinabukasan pagkapasok ni Joey sa paaralan ay nag simula na siyang magpaalam sa mga kaibigan at mga guro niya dito. Maliban sa isa, kay Kristian. Hindi parin niya alam kung dapat na ba siyang umamin dito o hahayaan nya nalang na maglaho ang kanyang nararamdaman pagkalipat niya ng eskwelaha.

Ang bell sa hallway ay tumunog na, hudyat na uwian na nila. Tatayo na sana si Joey nang biglang may lumapit sakanya. At iyon ay si Kristian "so wala ka talagang balak na mag paalam sakin?" tanong ni Kristian. "Hindi naman sa ganon. Mag chachat nlng sana ako, ayaw ko kasi umiyak." patawang sinabi ni Joey at umuwi na sila ng sabay.

Habang nag lalakad silang dalawa, may binigay na regalo si Kristian kay Joey. "Ah... Joey" sabi ni Kristian habang inaabot ang regalong stuffed toy na pink rabbit. "Favorite mo to diba? Si cooky?" dagdag pa ni Kristian. "Halaaaa!!! ang cute" masayang sinabi ni Joey. "Sige na babye na mag kakabisado pa ako eh... Malapit na den yung debate. Sa chat nlng tyo mag usap" nakangiting sinabi ni Kristian kay Joey at naghiwalay na sila ng daan.

Do you still rememberWhere stories live. Discover now