Twenty-Five

2.2K 40 2
                                    

Garlic’s POV

Madaling araw na, I used to be sleeping at that time pero eto ako ngayon mulat na mulat ang mata at kulang na lang hilingin ko na kausapin ako ng pader, maraming tumakakbo sa isip ko at isa nadon si Allison, hindi ko alam kung anong trip niya kung bakit siya ganon sakin, ang alam ko siya ang may kasalanan. Nagbago siya that’s it.

Hindi ko naman gusto na iwan siya, pero hindi ko din gusto na manatili sa relasyon namin na wala na yung pagtitiwala  at ayoko din mawala lahat. Mas mabuti na malaman niya kung anong nawala, kung ano ng kulang para alam niya kung anong pupunan kaso ng nalaman niya gusto niyang pakasal kami agad.

Anong kalokohan yun? Hindi dapat kasi kulang na yung pagmamahal tapos wala na yung tiwala, paano kami magsusurvive sa marriage life kung ganon ang mangyayari samin, mawawala lahat.

Bumangon ako, tumingin ako sa orasan its 12 midnight gising ng mga emotero/emotera to I guess. Kaso sa hindi nga lang ako umiiyak pero nageemote ako. Iniisip ko nanaman siya, kapag naiisip ko siya kahit ayoko magemote napapaemote ako.

Pagibig nga naman, nakakaloka ka, minsan nga ayoko ng maniwala na may happilyever after kapag nagmahal ka eh. Ano bang nangyayari sa bansa ng dahil sa iniwan nagpapatiwakal, ng dahil hindi na mahal sinisira na ang buhay, mahiwag talaga siya sa oras na tamaan ka niya dapat you can brace yourself kasi no one will help you kapag nilubog ka niya, tanging ikaw ang magaahon sa sarili mo dahil kapag nagmahal ka pustahan ilulubog at ilulubog ka niyan kahit na sobrang mahal ka niya.

Tumayo ako, umupo sa veranda, ano bang uso na kanta sa kagaya ko? Yung bang hindi mo alam dahil sayo akoy di makakain di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. Natatawa ako kapag naririnig ko yan eh kaso yan ata ang pambasang themesong kapag wasak ang puso mo.

Makapagtimpla nga ng kape, siguro nga ang nangyari samin dalawa ni Allison isang pagsubok lang ang mali lang sinuko niya ako, at sinuko ko din siya. Habang naghahalo ako ng kape naalala ko padin siya peste naman.

Bumalik ako sa veranda, may naaninag akong kotse, teka bakit may kotse sa tapat namin? Hmm dis oras na ng gabi ah? Tumayo ako gusto ko masilip yung tao sa kotse. Napatitig ako ng makilala kung sino.

Si Allison? Anong ginagawa niya dito? Baba sana ako upang sitahin siya ng may bumaba sa kotse niya na isang magandang babae, okay fine. Nakatitig pa siya don sa babae habang hinalikan siya sa leeg o kinagat malanding babae na tropa ni Galema hay nako.

Pero kahit na ganon masakit padin pala, yung makita siyang may kasama ng iba. Ng mapagawi yung tingin niya sakin, ngumiti na lang ako at tumalikod. Ano bang sasabihin ko sakaniya? Wala na, masakit na eh.

Xx

“Garlic gising”

“Garlic”

“Bawang”

Lovingyou Secretly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon