“Valentine’s Day, february 14. Pinagawa kami ng Valentine’s card. By the way, ako nga pala si Hankienth Soguilon. Third year high school kami no’n. Mayroon akong crush. Maganda siya, matalino, mayaman at higit sa lahat, mabait. Gumawa ako ng card. Balak ko sanang umamin sa kanya through it pero nakita kong may ibang nag-abot sa kanya. Since first year hanggang ngayong nagta-trabaho na ako, mahal ko pa rin siya. At hindi pa rin ako umaamin,” kwento ko sa mga ka-officemate ko.
“Hankienth, ba’t 'di mo idaan sa kanta 'yan?” tanong ni Peter.
“Bahala na,” sagot ko.
Kumanta ako. Dinamdam ko 'yung bawat lyrics nu’ng kanta. Para akong lasing pero parang lang naman. Bago lang ako dito sa company na pinapasukan ko. Kaya naman ganu’n nalang ako ka-drama kung mag-kwento. Si Peter palang ang ka-lose ko dito. Siya rin kasi ang nagpasok sa 'kin sa company na 'to.
Alam niyo, may contact naman ako kay Craeline. Siya nga, ang babaeng pinakamamahal ko since highschool. Tunay niyang pangalan? Siya si Hazeline Crae Lee. Filipino half Korean. Magkasing-edad lang kami. Alam ko kung saan siya nagta-trabaho at nakatira. Gusto ko siyang makita at maka-usap.
Minsan, naisipan ko siyang tawagan.
“Hello?”
“Hello, Kienth! Kumusta ka na?”
Natuwa ako’t naalala niya pa ako. Natuwa ang puso ko nang marinig ko na binanggit niya ang pangalan ko.
“Ahh... Okay lang. Ikaw, kumusta ka na?”
“Okay lang din.”
Maya-maya, narinig kong may sumigaw. Narinig ko sa phone ni Craeline.
“Ah... Kienth, tatawag nalang ako sayo. May lakad pa kasi ako, e,” paalam ni Craeline.
Na-decline ang usapan namin. Gusto kong umasang tatawag siya. Pero sino 'yung sumigaw? Boses lalaki. Wala naman sigurong boyfriend si Craeline. At sana nga.
Isang buwan ang lumipas..
Sa dinami-dami ng nangyari sa loob ng isang buwan, ang tanging naalala ko lang, “Tatawag nalang ako sayo.” Katagang sinabi ni Craeline. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako tinatawagan. Pero kahit pakiramdam ko na pinaasa niya lang ako, hindi ako magagalit sa kanya. Sa pagpasok ko sa office, pag-upo ko sa aking working chair, nakikita ko 'yung desk ko na puno ng mga pictures ni Craeline. Isa rin siyang sikat na model. Minsan, napaisip ako, sa paanong paraan ko kaya masasabi kay Craeline na mahal ko siya? Ang hirap magdesisyon. Ni 'yung sinabi niyang tatawag siya sa akin, hindi niya pa nagagawa.
Minsan, habang nagta-trabaho ako, biglang nag-vibrate 'yung phone ko. Ayaw ko pa sanang tingnan pero no’ng umilaw siya, si Craeline pala 'yung nagtext.
“Kienth, mayroon tayong reunion. Fourth year batch natin. Ite-text ko sayo mamaya kung saan ang venue at kung kailan. Salamat! Punta ka, ha?”
Fine. 'Yun lang pala. Akala ko makikipag-kita siya sa akin. Pero okay lang, makikita ko rin naman siya. Ang saya! Maya-maya, nagtext siya ulit. 'Yung lugar at time ng event. Bukas na pala 'yun. Magle-leave nalang ako para maka-attend ako.
Kinabukasan...
Pagdating ko sa venue, binati ako ng mga ka-batchmate ko. Nagkumustahan lang kami. Nagka-asaran at nagka-purihan. Pero hindi kasi iyon ang purpose nang pagpunta ko dito, eh. Si Craeline ang gusto kong makita. Siya, siya lang.