"Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Di tulad sayo
Imposible"
Patingin-tingin, pasulyap-sulyap sa labas sa may corridor, pasulyap-sulyap sa bintana at sa mga tao at estudyanteng palakad-lakad sa may corridor. Nagaabang kung makikita ko sya.
"Prinsesa ka
akoy dukha
Sa tv lang naman kasi
may mangyayare"
Habang nakatitig sa labas habang nagkla-klase ay nagday-day dream ako habang kumakanta ng "Pangarap lang kita"ng Parokya ni Edgar ft Happee Sy.
Naiimagine ko yung mala-anghel sa kagwapuhan na muka ni Myron, ang kasing pula ng rosas na mga labi, ang ngiti nyang nakakaakit at ang matangos nyang ilong.
"At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko
'To aking sinta
Pangarap lang kita"...
Naalala ko nung isang araw na late sya nun, malayo pa lang nasulyapan ko na ang bag nyang jansport na blue na stripe at mayroon syang madaming notebook at libro na tangan na dala-dala nya papuntang classroom.
E nagkataon na nagkanda-hulog hulog na yung gamit nya sa dami. Gusto ko sanang pulutin kaso hindi ko nagawa, alam mo yun para atleast naman maranasan ko lang syang maka-usap, kahit thank you lang sabihin nya ay okey na ko. Hindi ko nagawa kasi nahiya ulit ako tsaka ung araw na yun nawala yung padlock ng locker namen ni ate. Kaya tinawag ako ng ate ko para tingnan pero buti na lang walang nawala sa gamit ko. At pagbalik ko wala na sya.....
"Ang hirap maging babae
Kung torpe yung lalaki
Kahit may gusto ka di mo masabi"
Naalala ko yung may event sa mini gym, presentation ng talumpating di handa at handa. Kasali kaklase ko dun pati si Myron nandun dahil sa SAB member sya. Pinapanood na lang kame ng guro namen sa filipino para daw may ideya na kame sa susunod na taon.
Nakaupo sa tapat namen si Myron kasama ang kanyang mga kaklase. Ako naman hindi ako mapalagay sa upuan ko kasi hindi ko alam kung maganda pa ba ako o oily pa na ko. Tska nafefeel ko na tumitingin tingin sya samen syempre nakakahiya pag nakita ka nyang panget. Sinubukan ko syang picturan gamit ng mp4 na may camera na uso pa noon. Kaso di naman malinaw pagkakakuha ko kasi sa sobrang pagkakataranta ko na baka mahuli nya akong kumukuha ng picture nya ay nanginginig at nagpapawis kamay ko kaya yun medyo blurred yung kuha ko. SAD story. Kahit na masama pakiramdam ko nuon ay sumigla ako at naging masaya dahil nakita ko sya buong araw plus natitigan ko sya buong araw.
"Hinde ako iyong tipong
Nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maari"
Nakita ko sya sa may hagdanan nakaupo, sabado non at kuhanan ng card sa school namen yun kaya nasa school kame. Magkaholding hands kame ni Trina syempre mgbff at aakyat sana kame ng hagdanan papunta sa classroom ng adviser namen nang makita namen sya. Nag-iisa at nagtetxt inaantay ata mga kaibigan nya na matapos dahil nakatapos na ata sya. Nakatitig sya samen habang papanik kame sa hagdan. Yung panahon na yun gusto ko sana sa kanya mag-hi!! At makipagkilala at makipag-kaibigan kya lang pinanghinaan ako ng loob dahil mahiyain nga ako.
"At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
BINABASA MO ANG
Bitter Ampalaya
Teen Fiction"Kung minsan ang pag-ibig parang tanga lang kung sino pa yung taong mahal mo syang di mo makuha, kung sino pa yung taong nagmamahal sayo syang di mo makuhang mahalin." Ika nga ni Marcelo Santos III " kapag ba nagkatuluyan kayo ng taong mahal mo, hap...