Prologue
"Sa dami dami ng babae sa mundong ito. Bakit ikaw pa?" sabi ng di ko kilalang lalaki.
Wala akong maisagot dahil narin sa kaba. Hindi ko kilala ang lalaking ito pero bakit kinikilig ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin? What is happening to me?
"Bakit ikaw pa ang napili nito?" sabi niya habang nakaturo sa may puso banda niya.
Hindi ako umimik hanggang sa dahan dahan siyang lumapit sa akin.
"A-anong g-ginagawa m-mo?" halatang takot na sabi ko.
Imbis na sagutin ako ay lumapit lang siya nang lumapit sa akin, hanggang sa...
**-**
"Baby, gising na, babyahe pa tayo" saad ni mama habang niyuyugyog pa ang likod ko.
"Hmmmmm" tanging sagot ko bago bumangon sa kama.
Maliligo na sana ako nang naalala ko na naman ang mukha ng lalaki sa panaginip ko. Gwapo siya, mataas ang ilong, pero hindi ko naman siya kilala. Tumayo nalang ako at pumunta sa banyo para maligo. Nakakainis lang dahil sa tuwing pipikit ako ay yung mukha niya parin ang nakikita ko.
"Aghhh" naisigaw ko nalang dahil sa hindi ko na alam kung paano pa siya mawawala sa isipan ko gayong minu-minuto ko siyang nakikita sa pagpikit ko.
"Myriad, baby, tapos ka na bang maligo? Bilisan mo na diyan." sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo mommy, patapos na po" tanging saad ko nalang kay mommy.
Matapos kong sabihin yon ay lumabas na ako sa banyo at pumili na ng masusuot.
Napili kong isuot ang dress na kulay puti kasi feel ko na bagay sa akin ang dress nato.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko kung gaano namangha si daddy sa naging suot ko.
"Ang ganda naman ng princess namin." pagpuri ni dad.
"Mana sayo dad" pabiro kong sagot sa kanya.
"Excited kana ba? Mag aaral kana sa IST, paaralan ng grandpa mo yun" saad ni dad habang busy sa pagbabasa ng newspaper.
IST stands for International School for Technology. Diyan ako mag aaral kase yan ang gustong paaralan nila para sa akin. Gusto ko kasing maging Computer Engineer balang araw. Yan lang ang paaralang pwede kong pag aralan para sa course na yon.
"Oo naman po. Kase new environment, new friends. Masaya yon .. Hehehehe" sabi ko habang papunta na sa salas namin.
"Magpapakabait ka sa mga grandparents mo ahhh. Huwag mo sila bibigyan ng sakit ng ulo." sabi ni mama habang mangiyak ngiyak na.
Makikitira na kase ako sa mga grandparents ko para hindi na mahirap para sa akin na bumyahe araw-araw.
Malapit lapit lang naman ang bahay nila sa paaralan ko at most especially sila ang may ari ng school na yon and I'm sure na hindi ako mahihirapan don.
"Oo naman po, ako pa? Good girl kaya ang anak niyo nohh." sabi ko.
"Oh siya tara na. Hinihintay na tayo nina mommy don." saad ni daddy.
Tango lang ang naisagot ko saka tumayo. Sumakay na ako sa kotse namin papunta sa bahay nina grandma and grandpa.
Sana nga hindi ako mahirapan don.
*****
Thank you for reading. Hope you like it. Actually this is my first story. So hoping you'll understand if there is any grammatical errors occur in this story. 😊😊😊
YOU ARE READING
Ikaw
Teen FictionMay mga babae talaga ngayon na naghahangad nang one true love kaso iba si Myriad. Si Myriad kase ay nainlove sa lalaking nasa panaginip niya. Ang inaasahan niya ay parang fictional character kumbaga ang lalaking yon pero.....