Parang langit ang buhay nina Robyn at Joaquin nang mga nagdaan na mga araw. Sa tuwing araw ng Linggo ay magkasama silang dalawa sa bahay ni Robyn, hindi sila lumalabas, kapwa nila nilalasap ang mga tagong sandali na iyun.
Sa University naman ay casual pa rin ang turingan nilang dalawa, pero, kahit pa itago nila ang kanilang relasyon, ay mababatid ito dahil sa mga kilos at tinginan nila sa isa’t isa.
Balewala lang naman ito sa mga estudyante at kaklase ni Joaquin, parang tuwang-tuwa pa nga ito sa kanilang nakikita. Pero hindi lahat ay sang-ayon, lalo na ang pamunuan ng University.
“Sir Lagdameo, pinapatawag nyo raw po ako?” ng tanong ni Robyn sa Dean ng College of Accountancy.
“Miss del Valle, please have a seat” ang magiliw na sabi sa kanya nito.
Agad namang naupo si Robyn sa isa sa mga upuang malapit sa lamesa ng Dean.
“Kamusta ang mommy mo?” ang tanong nito sa kanya. Isang malapit na kaibigan ng kanyang mommy ang college dean.
Kinabahan na si Robyn, hindi siya papupuntahin sa opisina nito para lang kamustahin ang kanyang mommy. Kinutuban na si Robyn, ito na ba ang kinatatakutan niya?
“I think she’s doing great, ahm, sir Lagdameo, why am I being summoned?” ang tanong na ni Robyn, ayaw na niyang magpaliguy ligoy pa ang matandang kaharap.
Napabuntong-hininga muna ito, and he clasped his hands together on top of his office table.
“Robyn, may mga kumakalat na usap – usapan sa campus na may relasyon daw kayo ng isa sa mga estudyante mo, si Joaquin de Guzman?”
“Kanino nyo naman po nasagap ang tsismis na iyan?” ang tanong ni Robyn.
“Hindi na importante kung kanino ko nalaman, ang tanong ko ang sagutin mo, is it true?” ang mariing tanong kay Robyn.
Tumikom ang bibig ni Robyn, she clasped her hands tightly on top of her tighs.
“Robyn, as a friend, walang makakaalam na iba, totoo ba?” ang muling tanong sa kanya.
Robyn swallowed hard, and she nodded slowly for an answer.
Napabuntong-hininga ang dean sa kanyang sagot, at napasandal ito sa kanyang swivel chair.
“Kailan pa ito?” ang tanong muli sa kanya.
“Months already” ang mahinang sagot ni Robyn.
“Robyn, you know the implications ng nga ginawa mo”-
“I know, pero ilang linggo na lang naman sir at gagraduate na si Joaquin, hindi na siya magiging estudyante” ang paliwanag ni Robyn.
“You’re right ilang linggo na lang at gagraduate na siya, gusto mo bang makompromiso ang pagtatapos niya?” ang tanong sa kanya ng dean.
“No, I wouldn’t want that”-
“So, you know the right thing to do” ang mariing sabi sa kanya ng dean,”it’s either he won’t graduate or you’ll resign being a professor in this university” ang banta sa kanya nito.
“That’s not fair” ang matamlay na sagot ni Robyn.
“Not everything in life is fair, you have to choose, for now ako pa lang ang nakakaalam nito at hindi pa ang president ng University Robyn, but other professors knew, ano na lang ang iisipin nila kay Joaquin, na nagkaroon ng magandang grades dahil may relasyon kayo?” ang muling sabi nito sa kanya.
Matamlay na lumabas ng dean’s office si Robyn, paano niya sasabihin ito kay Joaquin? Alam niyang di agad nito tatanggapin ang magiging desisyon niya, pero alam naman niyang maintindihan siya ni Joaquin, ilang linggo na lang naman ang titiisin nila ni Joaquin at pwede na silang magsama.
Kailangan niya itong makausap, hindi sila nagkita ngayon dahil hindi nito schedule sa kanya, bukas pa ulit sila magkikitang dalawa.
Naisip niyang sa ganitong araw ay hanggang tanghali lang ang klase nito, at ibig sabihin ay maaga itong papasok sa bar.
Malamang nasa trabaho na ito, ang sabi niya sa sarili. She checked her phone nakasilent ito kanina, kaya di niya narinig ang ring. Tumatawag pala sa kanya si Joaquin. Nakailang tawag rin ito at text.
Pero ang huling text nito ang nagpakaba sa kanya.
“I’m sorry Robyn please maintindihan mo sana, emergency lang ito” ang text sa kanya ni Joaquin.
“What happened Joaquin?” ang kinakabahang bulong niya sa sarili.
Mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan at nagtungo sa bahay ni Joaquin, pero pagdating niya doon ay wala ito at nakasara lang ang bahay.
Pinuntahan na niya ang bar kung saan ito nagtatrabaho, tiningnan niya ang kanyang suot na relo seven na ng gabi, siguradong nandun na iyun ngayon, ang sabi niya sa sarili.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng bar, pero wala si Joaquin sa likod ng bar counter. Wala pa ba si Joaquin? Ang tanong niya sa sarili. Nilapitan niya ang kasamahan nito, na naalala ni Robyn na tumulong sa kanya noong lagyan ni Luis ng drug ang drink niya.
“Hi” ang bati niya rito pagkalapit niya sa barcounter.
“Ma’am kayo po pala” ang masayang bati nito sa kanya.
“Ahm si Joaquin?” ang tanong niya rito.
Nabasa ni Robyn ang pagtataka sa mukha ng lalaki, “ma’am di po ba sinabi sa inyo ni Joaquin na hindi siya papasok ngayon?” ang tanong nito sa kanya.
“Ah hindi eh, sinabi niya ba ang dahilan kung bakit di siya makakapasok?” ang tanong niya rito. Kinabahan siyang lalo at naglihim sa kanya si Joaquin.
“Ang alam ko tumawag sa kanya ang nanay niya at nasa hospital yata ang tatay niya, eh, may mapagkukunan yata siya ng malaking pera sideline daw, kaya di muna siya papasok” ang sagot sa kanya nito.
Emergency? Nasa hospital ang tatay niya? Pero bakit inilihim niya sa akin? Saan kaya siya pupunta ngayon? Ang sunod-sunod na tanong ni Robyn sa sarili.
Lumabas siya ng bar at naupo sandali sa loob ng kanyang kotse. She has to calm herself, para makapag-isip siya ng maayos. Her nerves are getting into her.
Saan pupunta si Joaquin para magside line? Saan siya pwedeng kumita ng malaki? Saan?
"Think Robyn! Think!" ang malakas na sabi niya sa kanyang sarili while she's tapping the steering wheel.
Then a thought struck her mind, and she tried to denied it.
“No” ang sambit niya at bigla siyang nanlambot, “please no”, saka niya mabilis na pinaandar ang kanyang kotse na may mga luhang nangilid sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Accidental Callboy [ Completed] © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Joaquin, I'm demanding you to not go any further" ang sabi ni Robyn habang naglalakad paatras at nakaturo ang kanyang index finger kay Joaquin. She's afraid of what she's feeling towards him. Para bang sasabog ang kan...