Secret~
Kanina pa pinagmamasdan ni Alyannah ang dalawang bata, kasalukuyan sila nanananghalian ngunit kanina pang walang imik ang dalwa. Ilang araw din syang hindi nakakauwi dahil sa bagong proyekto nila ni Mr. Fuentes. Hindi na nakatiis si Alyannah at tinanong ang mga anak.
"What's the matter, babies? Bakit parang wala kayong ganang kumain? Ayaw nyo ba ng ulam? If you want magluluto si Mommy ng bago"-tanong ni Alyannah sa dalawa, umiling lamang si Mika at nagpatuloy sa pagkain.
"No, this is okay mom, you don't need to cook another one"-sagot ni Mitch sa Ina, ngunit hindi parin maalis ni Alyannah ang pag-aalala sa mga bata.
"Are you sure? Eh matamlay ang mga babies ko? Nagtatampo ba kayo kay Mommy dahil ilang araw akong hindi nakauwi?"-malungkot na saad ni Alyannah.
"No Mom!"-sabay na saad ng dalawa.
"Nagkatampuhan lang po kami ni Mika pero magbabati na din po kami"-amin ni Mitch sa Ina, nagtaka naman si Alyannah. Hindi na umimik si Mika, malungkot namang nakatingin si Mitch sa kapatid.
"Why? Anong nangyari but nagkaroon ng tampuhan ang mga babies ko!?"-alalang tanong ni Alyannah. Ito ang kauna-unahang tampuhan ng dalawa na hindi sila nagpapansinan.
"No need to worry mom, okay na kami ni Mitch"-wala sa loob na pagsisiguro ni Mika sa Ina, alam ni Mitch na hindi totoo ang sinabi ni Mika sa Ina pero nanatili na lamang syang tahimik.
"Oh that's good then, I don't want to see my babies na nagtatampuhan, malulungkot din si mommy"-saad ni Ayannah, Kimi namang ngumiti ang dalwa at nagpatuloy na sa pagkain.
......
"Twin! Are you still mad?"-tanong ni Mitch sa kapatid. Hindi nagsalita si Mika at patuloy parin sa pagbabasa ng libro (history). Napakamot sa ulo si Mitch at lumapit sa kakambal, umupo it sa kama ng kapatid.
"I'm sorry, wag ka ng magtampo sakin Mika, nalulungkot ako"-malungkot na hayag ni Mitch. Napakagat ng labi si Mika upang pigilin ang pag-iyak pero hindi nya din kaya, kaya umiyak na lamang sya.
"Ikaw naman kasi Mitch, but ba kasi ayaw mong makilala natin ang daddy natin? Hindi naman siguro masama kung malaman man... But ba ayaw mo?"-naiiyak na tanong ni Mika sa kakambal. Tili nag-aalinlangan ang batang lalaki kung sasagutin ba nya ng tapat ang kakambal. Ngunit nakatingin lamang si Mika sa kanya na lumuluha at malungkot ang mga mata, hindi sya sanay sa ganoong ekspresyon ng kambal.
Sa huli ay pinili na lamang nyang sabihin ang totoo sa kakambal
"Sorry Mika, natatakot lang kasi ako baka may magbago. Ayos lang naman tayo na tayong tatlo lang, baka kasi gulo lang ang kahihinatnat kung ipagpipilitan pa nating malaman kung sino ang ama natin. Ayoko kung magkahiwalay tayo, ayoko ko Mika, mahal na mahal kita, kaya sana intindihin mo nalang. Let's leave the past buried behind us, please twin!"- madamdaming sagot nito sa kapatid. Hindi na nagsalita pa si Mika at niyakap na lamang nya ang kambal habang umiiyak.
"Wag ka nang umiyak, nalulungkot din ako... Bati na tayo please!"-saad ni Mitch, ngumiti man kahit umiiyak ang batang babae.
"Bati na tayo kambal, sorry din dahil pinalungkot kita, promise hindi ko na hahanapin ang daddy natin, wag ka lang malungkot ha?"-napangiti si Mitch sa sinabi ng kambal, tumango lamang sya bilang sagot at niyakap ito muli.
......
"Mabuti naman at nagising kana!?"-nakangising saad ng isang matanda sa lalaking nakahiga sa laboratory bed. Nanghihinang tumingin ang lalaki sa taong nakatayo sa tabi nya.
"Ang bangis mo din, ilang druga na ang tinurok sayo buhay ka pa-"-tumigil ang matanda sa pagsasalita upang senyasan ang doctor na malapit lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'm the Lost Girlfriend of the Mafia Boss
Storie d'amoreDahil sa isang pagkakamaling aking nagawa ay nawala sya. Pilit ko syang nilimot at nagpatuloy sa pagngarap Kinalimutan ko ang lalaking sumalo sakin mula sa pagkalugmok Ang lalaking tanggap ako kahit sino man ako at kayang magpakatanga para sa akin. ...