Dati'y tayo'y dalwa, tayong dalwa'y nag-isa, hindi dalwa, habang buhay ay iisa
May kambal na ipinanganak sa liblib na lugar ang pangalan nila ay Luna at Rose. Malambing, Mabait, at masiyahin ang kambal walang araw ang lumipas na hindi sila magkasama. Ngunit sa pag-lipas ng panahon, nag iba ang kambal.
Nang tumuntong sila ng walong gulang, kinailangan nilang mag-tungo sa maynila para doon manirahan at sa kadahilanang wala silang ikabubuhay sa kanilang lugar.
Lumipas ang panahon, pumanaw na rin ang magulang ng kambal dahil sa katandaan. Ngunit bago pa mamatay ang magulang nila, ay may napundar na itong tahanan na kinalaunang ipinamana sa kambal.
Tiyahin naman nila ang nag-aruga sakanila simula ng mamatay ang magulang ng kambal. Palibhasa't tumanda na itong dalaga
Dumating ang ikalabing anim na kaarawan ng kambal, at tila ba hindi na sila nagkakasundo hindi tulad ng dati.
Naging sikat si Luna sa kanilang bagong paaralan dahil na rin sa taglay nitong palakaibigan sa tao
Samantalang si Rose naman ay nangungulila sa kanyang kambal.
Si Sabrina, Kelsey, at Czarina sila ang mga naging bagong kaibigan ni Luna. Si Sabrina na may pagkamataray sa mga taong hindi niya gusto at si Kelsey na kinahihiligan naman ang mga kumukinang na bagay, tila ba para itong laging may ka-kumpetensya araw araw pagdating sa larangan ng pagandahan at si Czarina naman na walang araw ang pinapalampas sa pagbabasa ng libro, araw araw ay aligaga si Czarina sa pag aaral. Kasama na din nito ang malapit niyang kaibigan na si Jodi at ang hilig din nito ay ang mag-aral.
Naiiba man ang ugali nila Czarina sa mag-kakaibigan, gayonpaman sila'y nagkakasundo-sundo pa din.
Nag-daan ang mga araw at mas nangulila si Rose sakanyang kapatid na si Luna. Habang si Luna naman ay mas pinagtutuunan ng pansin ang kanyang mga kaibigan.
Nakalipas ang mga buwan, sa hindi malamang dahilan ay namatay si Jodi, sinasabi nilang namatay ito dahil sa bangungot. Malaki ang naging epekto nito kay Czarina, si Jodi ang pinakamalapit niyang kaibigan sa lahat.
Isang araw, pumasok sa isipan ni Rose na ayain si Luna na pumunta sa bundok ng probinsya nila sa pagbabakasakaling maibalik muli ang dating sigla ng kanilang pagsasamahan. ngunit si Luna ay niyaya nya ang kanyang mga kaibigan, ito ay lingid sa kaalamanan ni Rose.
Sa araw ng kanilang pag-alis, nakita ni Rose ang mga kaibigan ni Luna sa labas ng kanilang tahanan at para bang handang handa na.
"Okay lang naman siguro kung isasama ko sila, Rose?" sabi ni Luna kay Rose na may kasamang matamis na ngiti sakanyang mga labi.
Mapait naman ang ngiting ibinigay ni Rose. Tila ba bakas sa mga ngiti ni Rose ang pagka dismaya nito na hindi nya masosolo ang kanyang kapatid.
At sinimulan na nilang magtungo papuntang bundok Mandrosa. Lingid sa kanilang kaalamanan na ang salitang Mandrosa ay salitang espanyol na nangangahulugang "MALAS".
Pagkadating nila sa Bundok Mandrosa, sa entra palang ng bundok ay makikita na agad ang mga nakaharang na karatula na nag-sasabing "MAG-INGAT" "NO HAY ENTRADA"
"Talagang kakaiba din itong kambal mo 'no? Pipili nalang ng bundok yung ipinagbabawal pa" patawa-tawang sabi ni Sabrina kay Luna, si Luna naman ay napaismid na lamang
"Anyways guys, pwede ba? Tumuloy nalang tayo. So haba na ng nilakbay natin to get here no!" sabat naman ni Kelsey sabay sipa nito sa mga karatulang nakaharang sakanilang dadaanan.
At nagpatuloy na sila sa kanilang pag-taas sa Bundok Mandrosa. Nangunguna sa pag-taas ay si Luna at Rose. Dahil na din sa sanay sila sa pag-taas ng bundok.
BINABASA MO ANG
Gemelos Idénticos
Mystery / ThrillerTwo become one. We will always be one. (shortstory)