Ang gabi ay malalim
Buwan ang hari sa dilim
Hangin ay sumisigaw
Alon ay tila umaapawKislap ng bituin
Tila may diin
Nangungusap mga puno sa akin
Malalim ang nais sabihinKulungang walang rehas
Posas na mala porselas
Puso ay walang lakas
Sakit na walang lunas"Uuwi na ako"
Tatlong salita
Dalawang hinuha
Isang tanging hiling...pangako
BINABASA MO ANG
Aking Binibini
FanfictionMay mga bagay na mahirap paniwalaan at tanging panahon lamang ang susi sa iyong kasagutan.