Neighbors.
Sabi nila , hindi masama na ipaglaban kung ano ang dapat na sa iyo. Lalo na kung ito ay importante. Well it's right. Don't give up easily. Learn to fight. Fight until you can. 'Wag ka agad sumuko kung alam mong kaya mo pa naman, kung alam mong may paraan pa para ipaglaban ang isang bagay. Fight and be strong! Pero kapag hindi mo na kaya, hindi ibig sabihin noon ay titigil ka na. No. Don't stop, you just need to have a break, have a Kitkat. Charot.
Sabi nga nila, 'Don't stop when you're tired, stop when you're done.'
Oh diba ganon. Kaya ngayon ipaglalaban ko ang dapat na sa akin!
"Akin sabi yan eh! Binili sakin 'yan ng mommy ko kahapon!" Sigaw ko sa batang nasa harap ko ngayon. She's so annoying! She's claiming that the doll is hers when it's mine! I'm here at the park alone. Tinakasan ko lang ang yaya ko kanina. Busy kasi siya kakatext kung kanino. Ang landi! She doesn't want to play with me and then I got bored so I decided to go here alone.
"Hindi! Akin ito! Kanina ko pa 'tong hawak." Sagot naman niya. Hinigit niya papunta sakanya yung manika. Akin 'yon!
Hinigit ko uli ito papunta sakin. "I told you, akin nga ito! Iniwan ko lang 'yan sa bench kanina dahil nagswing ako!"
"Akin nga kasi ito! Yaya!" Nagsimula ng humagulhol itong kaaway ko. Nabitawan niya iyong doll kaya ako na ang may hawak. Ano ba yan! Ang ingay niya! "Isusumbong kita sa kapatid ko, mamatay ka na! Mamatay ka na!"
"Ay naku! Itung alaga ko umiiyak na! Hala lagot ako nito kay Sir Puge!" Natataranta namang dumating iyong yaya niya. Pinulot nito ang manika ng batang kaaway ko. Tch! "Huy bata! Anung genawa mu sa alaga ku??!"
She looked at me. How dare she yell at me? Ang kapal naman ng mukha ng yaya'ng ito para sigawan ako?! Sino ba siya? Yaya lang naman siya!
Sinamaan ko siya ng tingin. Huminga ako ng malalim at pumikit.
"Yaaaaaaaah!" Sinugod ko siya. Hindi naman ganoon katangkaran itong yaya ni Buglat kaya madali kong nahablot ang kulot at buhag-hag nitong buhok. Bigla akong napaisip kung buhok pa talaga ang nahablot ko o walis tambo. Mygahd!
"Aray kong bata ka! Bitaw!" Angal niya. Pero hindi ako nakinig sa kanya, sa
"Kinuha niya yung doll ko! Akin ito!" Tinaas ko yung doll na hawak ko.
"'Ya, anong nangyayari dito?" Biglang may nagsalitang lalaki kaya lahat kami ay natigilan. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa buhok nung yaya at tumayo ako ng ayos.
Woah. Kahit eight years old pa lang ako marunong na akong tumingin sa kung sinong gwapo o hindi. Naalala ko noon pumunta kami sa Batangas ay naghahanap akong gwapo everytime na namamasyal kami.
Gwapo siya. Napanganga ako sa sobrang kagwapuhan niya. Mas matangkad siya sa akin, malamang. At tingin ko ay mas matangkad din siya sa yaya nitong buglat na kaaway ko. Tingin ko ay teenager na siya. Thirteen or fourteen? He's wearing a basketball jersey na color maroon. Meron din siyang sakbit na string bag.
"Kuya!!!" Tumakbo si batang buglat papunta kay Kuya Gwapo. At yumakap ito sa bewang. Wait??? What?! Kuya?! Kaano ano niya itong si Kuya Gwapo????
"Ay naku! Sir Puge! Itong si Mena ay inaway nitong batang itu!" Tinuro niya ako.
"Hey you stupid yaya! Hindi ko siya inaway! Nikuha niya yung doll ko!" Sigaw ko do'n sa yaya. Nakakainis 'tong yaya'ng to! Hindi ko naman inaway 'yang alaga niyang buglat na chaka!
"Totoo ba 'yon Mena?" Tanong ni Kuya Gwapo
"Opo, Kuya. Nikuha niya basta basta yung doll ko habang nag-pplay ako dito sa may slide." Pinunasan niya ang luha niya. Hindi ko nga sabi siya inaway eh! Akin yung manika! Hindi ba siya makaintindi???
YOU ARE READING
Always You
Teen Fictioni She chases. He chases. Who will win the chase? Will they end up with the people they love? #AlwaysYou This isn't just about the chase.