Diana's POV
Kasalukuyang nasa ospital si Arty ngayon, dinala na sya ni lola Dolores dito dahil lumalala na ang pag-ubo nya.
Bata palang si Arty ng mag-abroad ang mga magulang nya, kaya si lola Dolores na ang nagpalaki sakanya. Madalang lang kasi makauwi ang mga magulang nito.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Art?" Tanong ko sakanya habang inaabot ang ponkan na binalatan ko.
Nakahospital gown sya ngayon at may suot pang headband na humahawi sa bangs nya..
"Okay na ako, Dee.. Madaming pahinga daw talaga ang gamot sa flu kaya palagi nila akong pinapatulog." Paliwanag nito habang kinakain ng mabilis ang ponkan nya.
Natawa ako bigla, "Hinay-hinay, Art. Baka mabulunan ka nyan.." mabuti naman at malakas parin syang kumain kahit na nagkasakit sya.
Hinawakan nito ang lalamunan nya, nasamid ata sya, "Yan na nga ba ang sinasabi ko!"
Agad akong kumuha ng tubig at ini-abot ito sakanya. Mabilis naman nya itong kinuha at daliang uminom.
"Uh.. thanks, Dee.." Sabi nya ng maging okay na sya, "...ikaw, kamusta? Kamusta sa school?"
"Hmm.. ano.. yun parin naman. Hindi ba nabanggit kona sayo yung debate? Buti nalang magkagroup tayo." Pagkatapos uminom ay inilapag na ni Arty ang tubig sa side table ng kama nya.
"Oo nga pala noh.. ilang araw nalang mag-uumpisa na ang debate. Sana ay makapasok na ako nun. Ayokong ma-missed ang debate ninyong dalawa ni Nephra." Excited na pahayag nito.
"Hindi ako excited.." pinutol ko agad ang topic na sana'y patungo kay Nephra.. hindi ko parin makalimutan kung paano nya balewalain lang yung panyo.
She doesn't care at all.
"Nga pala ginawa ko na ang research na dapat ay gagawin mo.." inabot ko kay Arty ang isang folder na puno ng papel, "..kase alam kong hindi mo na iyan magagawa dahil may sakit ka, pag-aralan mo nalang ang mga iyan para sa debate ay ready kana." Lumaki ang mga mata nito at isang malapad na ngiti ang lumabas sa bibig niya.
"Dee!!! Ahhh!! Maaasahan ka talaga kahit kelan! Buti nalang at nagkaron ako ng bespren na gaya mo!!" Abot hanggang langit ang tuwa nito.
"Ha-ha.. you're welcome." Kahit na tipid yung sagot ko, sobrang natutuwa naman ang puso ko dahil masaya si Arty.
"Pros and cons... Live-in relationships vs Marriage.." pagkatapos mabasa ni Arty ang title ng folder, agad syang nag-angat ng tingin saakin. "Buti maganda yung napunta saatin.."
"Oo nga, yan ang ibinigay ni Mrs Lyndon. Buti nalang dahil mas madaling depensahan yan kesa sa live-in relationships!" Pinulot ko ang nahulog na balat ng ponkan at tinapon yon sa may trashcan, "So, pag-aralan mo nalang yan. May lakad pa kasi ako.."
"Saan ka pupunta?" Nag-iba ang mukha nya.. nacurious sya bigla.
"Yung isa sa mga kagrupo natin hindi daw makaalis ng bahay nila. Lahat kasi ng mga research natin one by one, kailangan kong pag-aralan." Isinabit ko na ang bag ko saakin at handa ng magpaalam.
"Pupunta ka sa bahay nya? Ikaw lang mag-isa?!" Napatingin saamin ang isang nurse na may chini-checkup na pasyente.
Napalakas kasi ang boses ni Arty.
"Shhh.. oo! binigay naman nya yung address nya.. ilang sakay lang ng jeep, makakapunta na ako dun."
"Ganun ba.. saan daw sya nakatira? Sino sa mga kagrupo natin? Anong pangalan?" Usisa pa nito.
"Si Michael Tan." Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Ano?! Sigurado kabang okay lang na ikaw ang pumunta sakanya?.. Wala akong tiwala sa chinoy nayun!" Seriously??
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Любовные романы**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...