BINALEWALA

83 3 4
                                    

Lahat ng pagmamahal ay ibinigay,
Nagtiis sa ugali mong kahit minsan ay hindi maintindihan,
Minamahal pa rin kita kahit na minsa'y nanlalamig na,
Mahal, bakit na nagkakaganito?
Bakit tila nauubos na ang pagmamahal mo?
Bakit tila rin nawawala na ang oras mo?
Lahat naman ibinibigay ko,
Lahat ng oras, pagmamahal, pati na rin mga kagustuhan mo binibigay ko,
Pero bakit ganito?

Isang araw itinanong kita,
Bakit nagkakaganyan ka?
May minamahal ka na bang iba?
Nabigla ako sa isinagot mo,
Tila ba gumuho ang mundo ko,
Mahal? Bakit hindi na ako?
Bakit sya pa, may pagkukulang ba ako?
Hindi naman ako naging malupit sa'yo pero bakit gan'to?
May nagawa ba akong mali sa'yo?
Kase sa pagkakaalam ko, hindi ako ang may pagkakamali o pagkukulang rito,
Kun'di ikaw na walang ibang ginawa kung hindi ang sayangin ang lahat ng ginawa at binigay ko...

Bakit mo ginawang sayangin ako?
Bakit mo sinayang ang pagmamahal ko?
Hindi pa ba ako sapat?
Hindi pa ba sapat ang lahat-lahat?

Sa bawat oras na kailangan mo ako nariyan ako palagi sa tabi mo,
Sa bawat oras na nasa tabi mo ako,
Hindi ko namamalayang sya pala ang iniisip mo,
Masakit lang isipin na ngayon,
Tama na pala ang sinasabi nila na "Ikaw ang kasama pero ang iniisip ay iba",
Pero h'wag kang mag alala,
Hinding-hindi na kita gagambalain pa,
Hahayaan na lang kitang mahalin sya,
Hahayaan kita dahil mahal kita,
Wag ka ring mag alala dahil makakalimutan rin kita,
Makakalimutan ko rin kung ano ang naging meron tayo,
Makakahanap rin ako na deserve ang pagiging loyal ko,
At matatanggap kung ano o sino man ako.

Marahil nagtagpo lang tayo para pasayahin lang ako saglit.
Marahil nagtagpo lang tayo para iparamdam sakin kung ano ang ibig sabihin ng ipinaramdam mo sa akin na sakit.
Marahil nagtagpo lang tayo para ipaalam sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng pagibig na syang hinahanap ko,
Hinahanap ko sa taong akala ko'y ikaw,
Hinahanap ko sa tulad mo na akala ko sa'yo ko mahahanap,
Ngunit hindi pala sa'yo kun'di sa iba,
Sa ibang taong nararapat para sa akin na kailangan ko na lang hintayin,
Na hindi na kailangan pang hanapin,
Dahil ang mismong tadhana na ang magtatagpo sa amin.
Marahil tama nga na pinagtagpo lang tayo pero 'di itinadhana,
Pinagtagpo, para mamulat sa katotohanan,
Ngunit hindi itinadhana dahil may taong nararapat sa tulad ko,
Sa tulad ko na hindi katulad mong babalewalain lang ang pagmamahal ko,
Sa tulad kong mamahalin ako,
At sa taong handang gawin ang lahat,
Lahat-lahat dahil sa takot na mawala ako sa buhay nya.

BINALEWALAWhere stories live. Discover now