8- stop it

7 0 0
                                    

Nagmartsa ako papuntang court.

Napapalingon sila ng makita ako pero wala na akong pakealam. Nagbubulungan ang iba,syempre about sa nangyari nanaman kahapon! Hayaan na, masasanay rin ako.

Nakabusangot na pumasok ako sa gym. Nag-iinit parin ako sa galit. Napatingin ang ibang players saakin, ang iba'y sumisipol. Natanaw ko kaagad si Justin na nakapamewang at nakangisi saakin. Ang sama ng ugali!

"Nandito pala ang baby ni capt. Haha!"

"Dante!!" Sigaw ko at hinagis sa mukha niya ang coke in a can. Nanlaki ang mata ng lahat pati siya.

"Fckng sht!!" iilag palang sana siya pero natama na sa noo niya iyon kaya mabilis na napaupo siya. Nakanganga ang mga players habang nakatingin kay Justin at saakin. Alam niyo ba ang kinagagalit ko?

Ang pagpopost niya ng status sa Facebook!

'I really don't know what I did. But I just can't help falling in love with you even more. I love you baby- Pau Maneja'

Bullsht siya!!!! Sinong hindi magagalit doon? Halos maka 2k comments, at ang laman ay halos pang-babash. Kainis!

Napahawak kaagad ni Justin sa noo habang mariing nakapikit. Nagmumura siya ng mahina. Nilapitan siya ng mga players kaya napataas ang kilay ko. Ayan, feeling niya siya ang hari ah. Pwes ayaw Kong iparanas iyon sa kanya!

I rolled my eyes at tumalikod na. Pero may humila sa pulso ko paharap sa kanya. Si Justin habang nakahawak sa noo.

"Ano bang ginawa mo ha?" tila ba nagdikit na ang mga kilay niya sa galit. Nakaramdam ako ng takot at guilt pero hindi ko iyon pinahalata. Ngumisi ako ng sarkastiko at hinarap siya.

"Ikaw? What do you think you're doing? Selfish ka! Hindi mo manlang maisip kung anong mangyayari dahil lang sa pang-aasar saakin? Ano, baby? I love you? My ass!"

"Huh? I'm selfish? Haha!" He laugh withought humor pero sumeryoso agad iyon at humakbang Pa lalo papalapit saakin. I gulped. I admit it, medyo natatakot ako sa kanya.

"Yes! its your fault. Sapat naman na siguro ang ginagawa mo saakin para itigil na ito diba? Ayoko ng maging alalay mo at bilang fake girlfriend mo na hindi ko naman talaga gustong maging ganoon!"

His jaw clenched at naningkit ang mata niya.

"Sino ba ang nagumpisa ng lahat ng ito? Hm, hindi ba ikaw? Tell me, inisip mo ba ang nararamdaman ko noong ni-cover mo ako? It's your fault in the first place Pauline! Don't you dare throw it back to me."

Bumuga ako ng malakas na hangin at tinignan siya sa mata. Yes, it's my fault. Pero hindi ko naman iyon sinasadya. I can see madness on his eyes.

"I said I didn't know! May isang text ng text saakin, he's stalking me. Hindi niya ako tinitigilan, and I made up my mind telling him I already have a boyfriend. Pero hindi siya nakontento, kaya pinalitan ko ang cover photo na kuha ko sa kung saan. I really didn't know that it was you." Pahina ng pahina ang boses ko habang yumuyuko. I gulped again kasi tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

Nabingi ako sa katahimikan at talbog ng bola lang ang naririnig ko. Oh sht! Nasa court Pa pala kami at may nanonood saaming players. I'm dead, so dead! Dali dali akong tumakbo palabas ng court at tumuloy sa classroom. Hingal na hingal ako ng maabutan ko si Jean na nagseselfie.

It's so embarrassing!

"Sinong humabol sayo Pau?"

"A-ah, wala. Akala ko kasi late nako." Pagdadahilan ko at dahan dahang binaba ang bag. Tinigil naman niya ang pagkukuha ng litrato at humalukipkip nang tumayo siya sa harapan ko.

Feelings Are FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon