1-The Gangster

6 1 0
                                    

Alliyah's POV

First day of school pero heto ako late nang papasok. Paano ba naman kasi late nag alarm yung alarm clock ko.

Sinisi mo pa yung alarm clock mo

Ano ba yan sumingit pa yung utak ko. Anyways, 2 minutes nalang mag iistart na yung first class ko.

******Tooooooogsh******

"Hey stupid! Bakit ba hindi mo tinitignan yung dinadaanan mo?"

Tanong ng kung sinong nilalang na bumunggo sakin. Aba! Ang kapal naman ng mukha neto! Siya na nga bumangga sakin ako parin sinisisi.

"Aba! Hoy mister! Kung sino ka man, ang lakas ng loob mo para ako ang sisihin mo!"

This guy is looking at me with you-do-not-know-who-is-the-guy-infront-of-you look.

"Are you a transferee?"

"So ano naman sayo kung transferee ako?

"Kasi hindi mo alam kung sinong kinakausap mo. Hindi mo alam kung sinong binabangga mo. Stupid"

Aba talaga nga namang, aiish ang yabang! Akala mo naman siya ang may-ari ng university na to. Nakakainis! Panira ng araw. First day of class tapos...Teka?

Napatingin ako sa relo ko. Sh*t 8:30 na. My ghaaaad 30 minutes nakong late. Siguro mag stay nalang ako sa isang place dito. Ganun din naman e.

Hay nako Alliyah, first day of school tapos cutting agad? Aba magaling.

Kainis! Ano bang pakialam mo. Nakikiepal ka sa buhay ko. Sabagay utak naman kita.

Lakad lang ako ng lakad di ko naman kasi alam yung pasikot sikot dito e. Transferee nga ako diba? Haller?

"Oh my god, Razz. You're so good. I'm almost there, baby"

Ano ba namang klaseng tao yung mga yun. Dito pa talaga naisipan. My ghaaaad. Ano ba talaga mga nangyayare sa mundo.

"Are you eavesdropping? Or you want you to..."

"Hoy, mister kung sino ka man, mayabang na nga manyak pa. Anong klase kang tao. Dito mo pa talaga naisipang gawin yan. Nakakadiri ka"

Nakakadiri talaga siya. Daming pwedeng pang gawin yung ano,yung basta yun na yun. Kasi naman Alliyah ano ba kasing ginagawa mo dito sa part na to ng school e.

Maya maya pa lumabas yung babae na nagbobotones pa ng blouse niya.

"Baby? Who is she?"

Grabe lang makatingin ah, tignan daw ba ko mula upo hanggang paa? Ibang klase talaga, ano bang mga nilalang yung nag-aaral sa Francisco University. Ang malas ko naman dito pako pumasok.

Kung hindi lang sana namatay si Papa edi sana hindi ako aalis sa dati kong school. Edi sana masaya pako. Hindi katulad dito. Manyak mga tao, mayabang, walang modo. Jusko! Pribadong paaralan na naturingan. Mabuti pa yung public schools e. Palibhasa mayayaman mga tao dito.

Mayaman din naman kami, si Papa to be exact. Kaya nga naafford kong mag-aral dito e.

"Hoy babae! Ano tititigan mo nalang ba kami ha? Sino kaba? Ngayon lang kita nakita dito ah"

"She's a tranferee, Charmaine. Kaya hindi niya alam kung sino yung kinakausap niya"

Naputol yung iniisip ko dahil sa dalawang to. Nakalimutan ko din na may kasama nga pala ako.

Tyaka hello, ano bang pakialam ko sa mga to. Sino ba kasi tong mga to. Magkakaroon pako ng pakialam kung tong lalaking to ang may-ari ng school na to. Baka lumuhod pako sa harap neto, diba?

"Wala naman akong pakialam kung sino kayo diba? Bakit ikaw o kayo ba ang may-ari ng eskwelahan nato? Ha? Ha? Ha?"

"Pano kung siya nga? Anong gagawin mo?"

"Excuse me miss ha? Hindi ikaw ang kausap ko dito. Yan, yang mayabang na yan ang kausap ko."

"Hey bitch, be careful on your words."

"Charmaine, stop it. She doesn't know who am I."

"Then, tell her who you are"

Humarap sakin tong nilalang nato.

"Ako si Razzec Francisco, ang may-ari ng Francisco University"

***

So ayan na guys, ano kaya ang mangyayare sa kanilang dalawa. Unang araw palang nagkakainitan na ah.

Will Alliyah believe Razzec? O pagtatawanan niya lang ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Gangster is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon