Di ko alam kung bakit ko ba ito nararamdaman
Unang araw palang ng klase iba na ang aking naramdaman
Sa mga ngiti mo na akala ko wala lang yun
Pero habang tumatagal nag-iiba ang ihip ng panahonBawat araw,pagpasok ko sa paaralan
Ang mukha mo ang nais masilayan
Bakit?Ano ba tong aking nararamdaman
Ikaw yata ang aking hinahangaanIsang araw,nagtapat ang kaibigan ko
Na may lihim daw siyang pagtingin sayo
At dahil dun ikinagulat ko
Na pareho pala kaming may lihim na pagtingin sayoAlam mo kasi may gusto yung kaibigan ko sayo
Alangan naman maging kontrabida ako sa love story niyo
Ay!may mahal kana pala
Hindi yung kaibigan ko at higit sa lahat hindi ako kundu ibaIkaw yung lalaki na nasa iyo na ang lahat
kaya hinahangaan ka ng lahat
Makikigulo pa ba ako dun sa kanila?
Wag na!Alam ko naman na hindi ako ang gusto mo sinasayang ko lang yung oras ko sa walang kwentaAng sakit!parehi kami ng kaibigan ko ng gusto
Baka dahil dito ito ang maging dahilan ng pagkasira ng aming pagkakaibigan
Kaya mas minabuti ko nailihim nalang ang tunay kung nararamdaman
Mga nararamdaman ko para sayo,na kahit kailanman hindi magiging tayoMay mga pagkakataon na inaasar ko yung kaibigan ko sayo
Pero deep inside nasasaktan ako
Kasi pinapangarap ko na ako sana yung inaasar sayo
Ito ako nanahimik nalang pars sa ikasasaya ng kaibigan koSa bawat paglapit mo sakin
Pinipilit kung hindi ka kausa
Pinipilit kung hindi ka pansinin
Alam mo kung bakit?baka mas lalo akong mahulog sayoPinipigilan ko yung sarili ko
Pinipilit kung alisin a g nararamdaman ko sayo
Para hindi makapanakit ng damdamin ng ibang tao
Kasi gusto ka din ng kaibigan ko
BINABASA MO ANG
100 tula para sayo ginoo
Puisi𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒏𝒐 𝒔𝒖𝒄𝒉 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒔 𝒂 𝒘𝒂𝒔𝒕𝒆𝒅 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕, 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝑰 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒑𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒑𝒂𝒑𝒆𝒓.