#AlovestoryFinale
AFTER 15 YEARS
ISIAH's POVNaiisip ko kung sakaling uuwi ako ng Pilipinas, ay hindi--- kung uuwi ako ng Pilipinas, kaya ko na kayang magpatawad? O mas magandang sabihin na mapapatawad ko na kaya ang mga taong nagbigay sa'kin ng masasakit na alaala.
Alam ko, na ang hirap magpatawad. Pero seguro naman ay 'di ako ganun ka sama para 'di sila patawarin. Sa dami nang naranasan ko masasabi kong 'di ka magiging bou kung mayro'ng mga hinanakit sa puso mo. 'Di ka ganap na magiging masaya, at ayaw ko na maranasan sa mga anak ko ang naranasan ni papa sa galit ko,
"Hun? Where are you?" Pagtawag ni Steven sa akin.
"I'm here huney..."
Pumasok si Steven sa kwarto namin nang marinig ang boses ko. Napahinto siya sa pinto at nakangiting pinagmasdan ako sa ginagawa ko, bagay na ipinagtaka ko.
"I have a good news.. Na approved na ang passport ng mga bata."
Napangiti ako saka niyakap siya nang mahigpit, ang asawa ko na, walang ginawa kundi ang pasayahin kami ng mga anak ko, masasabi ko na ang swerte ko sa kanya.
"Are you ready to go home?"
Nakangiti akong tumango kay Steven, after 15 years na 'di ako nakauwi, mayro'n kayang pagbabago? Kinakabahan ako na natatakot sa maaabutan ko sa lugar na babalikan ko... Hintayin mo ako Pilipinas.
************
"Oh, Ate Loi at Ate Gina handa na ba kayo?"
Tumango naman ang dalawang yaya ng kambal. Si Ate Anna na lang ang inaantay namin kasi kasama siyang magbabakasyon, kahit wala na dun ang family niya dadalawin naman daw niya ang mga kapatid ng mama niya sa Antipolo rizal.
"Mommy, we were going to your hometown, right? I hope there are a lot of places in the Philippines that we can travel to." Ani Jyz
Napangiti ako sa tinanong ng dalaga kong anak, na ngayon ay nasa labing apat na taong gulang na.
"Yeah, I'm sure you will enjoy their baby."
Niyakap ako ni Jyzriel, kahit na sa Paris sila lumaki, pinalaki ko pa din silang may pusong Pilipino. Lumapit naman si Zyxrel sa'kin para makiyakap na din.
"I hope my Tita Nanny will like your hometown mum, and I'm so excited to see what kind of life my dad has in the Philippines." Saad naman ni Zyx na ikinangiti ko.
"Well huney, I told you… Your dad's life is not ordinary, his fame, his everyone's young Master."
Napa wow ang kambal sa sinabi ko nang dumating si Steven, nakangiti ito sa amin na tila nagtatanong din sa reaksyon ng kambal.
"Wae?" Tanong ni Steven.
Nagtawanan na lang ang dalawa sa reaksyon ng daddy nila, saka inayos nila ang mga dadalhin nilang gamit, excited na ang kambal sa kanilang bagong adventure.
"Ma'am, andito na po si Nurse Anna."
Napatango nalang ako, pagkapasok ni Ate Anna ay niyakap niya agad ako. Agad naming inayos ang mga dadalhin namin at nagtawag nang tutulong, pagdating ng mag-aassest sa'min ay agad kaming umalis.
"Hun everything is fine inside?" Tanong ni Steven
"Yes huney..."
Pagkawika ko nun ay sinara na ni Steven ang pinto, saka inakbayan niya ako papunta sa elevator. Nauna na kasi sila Ate Anna at ang mga bata sa ibaba.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Storie d'amore"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...