Ang desisyon ng Hukom :
Si ImYourMiss talaga nagsimula nito tapos sinundan ni YourSweetestDarnFall. Kung gusto niyo basahin ang panig nila, wag na. Tinatamad akong maglagay ng external link.. Hahaha.
Akala niyo kayo lang ah!
Sisimulan na ang paghuhukom.
Ilabas ang ebidensya *pok-pok*
Nagsimula ako sa Wattpad nitong February lang. So malamang hindi pa ako nag-iisang taon diba?
Nagsulat, or rather, nag-post ako ng unang story ko, ang kauna-unahang kwento na natapos kong isulat ilang taon na ang nakararan.
Medyo conservative/pormal/makatao ang RA ko sa facebook. Bantay sarado ako dun. Bawat like, bawat post, bawat online, napapansin dun kaya napag-isipan kong gumawa ng dummy account matapos akong i-add ni tonguetiedbabe sa Wattpad Pilipinas Group.
Sa group ko nakilala si ImYourMiss (Dette) dahil sa kanyang post hanggang sa nagpalitan ng number dahil sa common interest, tapos ganun din kay YourSweetestDarnFall (Jasmin) at kay AnakNgDalita (Sam).
Ang kulit at ingay ni Jasmin, self-proclaimed green-minded pa.
Si Dette, sandali yang nawala pero bumalik at eto, naghahasik ng lagim.
Hanggang dahil kay Sam, dumami ang naka-chokaran ko. Si Nicx, Rica, Tessa, Bae, April, Joan, Rizza, at marami pang iba.
Pero ang Virus Girls ang napadpad sa Bully Department... Paano nga ba naging Bully Department?
Pag nagkataon na sabay-sabay kaming nag online, BOOM!
Asar dito, asar doon. Mas maganda ako, medyo lang sila. Mga ganun.
Pag may offline na isa, sigurado gutay-gutay notif dahil sa mga online.
Hanggang sa dumating sa buhay namin si Elm, este ang Bundok Pogi-Pogi Boys...
Clash sila sapagkat pinag-aagawan si Elm (na akin naman talaga).
At nakita ko ang sintomas ng single-ladies, pinag-aagawan ang isang pogi sa peksyur.
At nagkaroon pa ng Virus Girls na naisipan ni SweetiebabeEmc (Ems). Opo virus. Virus sapagkat nagkakalat kami ng virus ng alindog at angking gagandahan. (pwera suka! Hahaha)
Dami mang hindrance sa pag-oonline ko dahil sa nature ng buhay ko na conservative kuno ang pamilya, nakagagawa ako ng paraan makipagpuyatan para lang makipag-asaran at makitang nam-bu-bully sila.
The wonders of technology, we bond as if we knew each other for so long personally. Hindi pa kami nagkikita-kita personal pero malapit na. Nararamdaman ko na. Mwahaha (tawa ng Diyosa).
Masaya akong nakilala at nakaka-chat kayo. Uuuuyyy kilig sila. Hahaha..
Alam kong mahaba pang tatahakin natin bilang wattpader at magkakaibigan. Friends and sisters. Maraming salamat sa inyo.
Mahal ko kayo kahit mas maganda ako. :*
*puk-pok*
CASE CLOSED
(P.S.: Bawal nang mag-habla pa.)
^____^
-dyuna-