Gatas: Love at First Sight

8 0 0
                                    

My PoV

At ito na naman, umiiyak na naman ako sa harap ng lalaking minahal ko ng apat na taon. Pero dahil sa makitid niyang utak,  it just ended without a Closure. 

"Bakit?  Maiintindihan ko sana na galit ka sakin dahil don!  Pero ang mag panggap na wala kang maaalala?!  It tear me apart! "  wala nang habas sa pag tulo ang luha ko.  Kahit anong punas ko ay tumutulo ito.  Tiningnan ko siya sa mukha bago iangat ang kamay ko sa mga mukha niya.  5 months!  5 fucking months na hindi ko siya nahawakan ng ganito.  Hinaplos ko ang mukha niya habang nakatingin siya saakin ng malmig.  Ni wala kang mababasa na emosyon sa mga mata niya. 

Hinahayaan lang ako nito sa ginagawa ko.  Sa sobrang paninikip ng dibdib ko ay nanlambot na ang tuhod ko,  naramdaman ko ang mga bisig niya na yumakap saakin.

"Bakit kailangan mo pa magpanggap?  Merwin..  Ramdam ko — *sobs* may naaalala ka naman e ." hinaplos lang nito ang likod ko para kumalma ako.  Naaalala ko pa kung paano kami nagsimula.  Pinaglaruan yata kami ng tadhana.

Bagong ulan ng mga araw na iyon.  Dahan dahan pa ako sa paglalakad sa takot na baka mabasa at mahulog sa putek ang Painting ko. Wala pa mandin iyong plastic Cover.  Pero pati yata ang 'pagiingat' ay ayaw saakin.

Umangat ang tingin ko sa taong —shet ang pogi. Seryoso ang mukha nito pero nandon pa rin ang taglay na kagwapuhan. Makapal na kilay,  matangos na ilong at kissable na labi.  Bahagya pa iyong nakaawang para mag mukha pa siyang gwapo.  Ang problema nga lang ay medyo payat ito. Parang anak siya ni Mario Maurer dahil sa itsura nito.  Pinilig ko ang ulo ko.  Binangga niya ako kaya bumagsak sa putek ang project ko.

No! Ang painting ko!  Hanggang ngayon na lang yon e.  Ang terror pa naman ng teacher ko sa Mapeh!  Shit!

Nandon pa rin ang lalaki pero nakatingin lang siya doon sa Painting na basa na. 

"Paano na to? " huhuhu. Tsk!  Sinamaan ko ng tingin si Mario Maurer na nakatingin pa rin sa Painting.

"Bayaran mo yan! " malakas na sigaw ko para mapatingin siya saakin.  Lalo ko tuloy nakita ang gwapong mukha nito.  Kumunot ang noo nito at dumukot sa bulsa niya . Naglabas ito ng isang daan at inaaro saakin.  Nang hindi ko yon tanggapin dahil sa gulat ay kinuha niya ang kamay ko saka nilagay doon ang pera. 

Napag pastikuhang tumingin ako sa kanya.

"Aanhin ko to? " pagalit na tanong.  Hindi ko inaasahan na sasagutin niya ako.

"Bobo ka ba?  Bumili ka ng material tas gumawa ka ulit." masungit na saad nito saakin.  Nainsulto naman ako sa sinabe niya kaya binato ko sa kanya ang pera niya.

"Hindi ko kailangan yan! " paalis na sana ako ng may makalimutan ako.

"Hambog! " malakas kong sabi na ikinaawang ng mga bibig niya. Kahit anong tukso pa ang mag utos saakin na tingnan ang mga labi nya ang hindi ko ginawa.  Umalis ako doon at pumunta na sa room.  Kagaya ng inaasahan ay buong oras na ako ang napagalitan. Nan liliit ako sa pinag sasabi ng teacher ko pero pinag sawalang bahala ko na lang.   Lilipas din ito.  Kahit napahiya sa mga pinag sasabi ng guro ko kanina ay nakisama ako sa mga Classmate ko. 

Nung mag lunch ay nag tungo ako sa mushroom shed sa baba.  Ang tambayan ko kapag free ako.  Dala dala ang tumbler ko na may lamang maligamgam na gatas at sa kabilang kamay ko ay ang Cheese Sandwich na nakalagay sa isang microwavable na Tupper ware. 

Nang makaupo ako sa bench na naroon ay kinuha ko sa bag ko ang isang Pocket book.  Habang nag babasa ay kumakain din ako.  Akmang kukuhanin ko ang gatas nang may nauna saakin. Napatingala ako parang tingnan kong sino iyon. Laglag ang pangang tinititigan ko si Mario Maurer —no,  yung anak ni Mario Maurer.

Gatas: Love at First Sight (One-shot) Where stories live. Discover now