[XAVIER's POV]
Dumaan muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro dahil ngayon ko lang ulit makikita si Leigh? Oo, nga baka yun ang dahilan.
"Hi po manang." bati ko kay manang na nanonood ng TV sa sala namin.
"O, iho nandyan ka na pala. Nagmeryenda ka na ba?" saka niya pinatay ang TV at tumayo.
"Ok lang po manang. Magbibihis lang po ako. Pupunta po ako kina Mom." tumango lang siya saka ulit umupo at binuksan uli ang TV. Asan kaya si Leigh. "Manang si Leigh po?"
"Nasa kwarto iho. Nagpapahinga siguro yun." tumango lang ako at saka nalakad paakyat ng kwarto.
*
*Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para di maisturbo si Leigh baka nga kasi natutulog siya. At tama nga ang hinala ko. Mahimbing siyang natutulog na nakadapa pa.
Napangiti ako habang tinitignan siya. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.
Hinawi ko ang buhok na nasa mukha niya. Bakit ba kahit natutulog siya para pa rin siyang anghel? Hinalikan ko ang pisngi niya.
*
*[LEIGH's POV]
Naramdamn kong may humalik sa pisngi ko. Hindi ako gumalaw baka kasi si Xander yan.
"I'm so sorry babe. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo sa panahon na kailangan mo ako. Sorry kung hindi ako nagpapakita sa'yo. Sorry kung napabayaan kita. Dapat ako yung unang taong nakita mo noong nagising ka pero wala ako. Ang tanga-tanga ko talaga." narinig kong umiiyak na siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Gustong-gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko.
"I'm really sorry babe. Naging duwag ako. Noong naaksidente ka. Nagkulong lang ako ng bahay. Hindi ako umuuwi dito kasi ayokong naalala ang magagandang memories mo. Hindi kita binibisita sa ospital kasi nanghihina ako pag nakikita kitang nakapikit at natutulog. Please forgive me babe. I love you." saka niya ulit hinalikan ang labi ko at kamay ko. Naramdaman ko na binitawan na niya ang kamay ko. Baka magbibihis siya.
*
After 10 minutes, naramdaman ko ulit ang paghawak niya sa kamay ko.
"Babe, aalis mo na ako ah. Magpahinga ka lang diyan. Mahal na mahal kita babe. Namimiss na kita." tapos hinalikan niya ang noo ko. Saka ko narinig na sinarado niya ang pinto.
Kaya minulat ko ang mga mata ko saka ako nagsimulang umiyak. Bakit pakiramdam ko, aalis siya? Yung sobrang layo yung pupuntahan niya. Ayoko noon. Ayoko.
*
*[ASHLEY's POV]
Kakarating ko lang ng bahay ng makita ko si Xander na palabas ng pinto.
"May time ka palang pumunta dito? Tapos nong nasa ospital si Leigh, di ka nga namin mahagilap." iba yung aura niya ngayon. Parang di siya yung Xander na mas matanda sa'min. Na lagi kaming ginagabayan sa lahat.
Tumingin lang siya sa mga mata ko. "Sorry Ash. Pasensya na kung naging cold ang treatment ko sa inyo at kay Leigh. I have reasons." saka niya ako nilagpasan. Hindi ako makakibo. Ano namang reasons yun? Tinignan ko lang ang kotse niya na papalayo. *sigh*
*
*Pagkapasok ko ng bahay agad akong umakyat sa kwarto ni Leigh.
*tok tok tok*
"Leigh! Buksan mo 'tong pinto!" di pa rin siya sumasagot. Baka kung ano nang nangyari sa kanya. Sinubukan kong buksan ang pinto pero ayaw.
"Leigh! Ano ba bubuksan o bubuksan?!" kinatok ko ng malakas para marinig niya.
"Wag ka ngang OA Ash. Bukas yang pinto. Try mo nga." narinig kong sabi niya. Kaya kumalma ako at binuksan ang pinto.
eecckkkkk...
Letse! Bukas pala 'to? Bakit kanina ayaw?
Napatingin ako sa kanya na naka-indian sit sa kama niya at nakataas ang kilay.
"See? Bukas ang pinto. Bakit ka ba sumisigaw at di mo pa mabuksan ang pinto? Wag masyadong paranoid Ash ah. Baka magkasakit ka sa puso." saka siya tumayo at nag-inat.
-_______-
Sorry naman kung masyado akong paranoid.
"Wala lang trip ko lang sumigaw. Pero yung sa pinto, ewan ko ba kung bakit di ko mabuksan. Nakikisabay din siguro siya sa drama ko."
Tumingin siya sa'kin na ngayon ay nakaupo sa dulo ng kama niya. "Ano namang drama mo?"
"Nakita ko kasi si Xander kanina palabas ng bahay." gulat na gulat yung mukha niya pagkasabi ko ng 'Xander'.
Di pa rin siya umiimik. Baka nagkausap sila? Baka naman naghiwalay na sila? O baka iiwan na siya ni Xander? Nginangat-ngat ko na yung kuko ko.
"Aray naman Leigh!" sabay hawak sa ulo. "Bakit mo ko binatukan?" Nakapoker face lang siya. Bakit ba? Baka may nasapol ako sa mga iniisip ko.
"Kung ano man yang iniisip mo. Walang nangyari na masama. Psh"
"Eh bakit parang ang lungkot lungkot mo pagkasabi ko na nakita ko si Xander?"
"Gutom lang ako Ash. Wag kang OA nga. Sinong hindi malulungkot kung gutom ka? Tch, bahala ka nga diyan." saka siya tumayo palabas ng kwarto.
Hinabol ko nalang siya. Sorry naman eh! >___<
*
*[XAVIER's POV]
Nagtext si Mom na sa lobby kami ng isa sa mga hotels namin magkita may kasama daw siya na ipapakilala niya sa'kin. Sino naman kaya yun?
Pagkapasok ko ng hotel agad sumalubong si Mom sa'kin. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya ng mahigpit.
"O, akala ko po may kasama kayo? Asan siya Mom?" ngumiti lang siya sa'kin at hinila ako sa isang coffee shop sa loob ng hotel. Baka dun naghihintay ang kasama ni Mom.
Hinahanap ni Mom yung table siguro na inuupuan ng kasama niya. Nang makita niya, hinila na naman niya ako. Mom, pwede ko naman akong kalabitin eh. Di na kailangan hilahin mo pa ako. Sabi ko sa isip ko.
"Iho, meet your future wife."
Ano daw? Future wife? Baka si Leigh.
Tumingala yung babae na nakaupo.
S-siya?? F-future wife ko?? Nagtataka akong tumingin kay Mom pero na imbis na magsalita siya. Tinulak niya ako para makaupo sa upuan.
Nakatitig pa rin ako sa kanya. Ang daming pinagbago ng mukha niya. Mas naging dalaga siya tignan.
My first love is my future wife??
*
*
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
AléatoireYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)