PANG AABUSO SA DROGA

331 0 0
                                    

                   Sabi nila "Its More Fun In the  Philippines",fun pa ba? Kung merong mga patayan dahil sa crimen na ang dahilan ay  ang ilegal na gamot o ang droga. Droga na sumisira sa ating buhay, sa ating pag-iisip at sa relasyon sa atin ng ating pamilya.

                  Ang droga na hindi lang isang maliit na suliranin na kinakaharap natin ngayon,  kinakaharap ng ating bansa.Ito ay isang napakalaking problema na makakasira at sisira sa ating kanyakanyang buhay pati narin sa ating bansa, nakakasira rin ito sa relasyon natin sa ating pamilya dahil pilit nilang inaayos ang landas mo pero ayaw mo kaya nagdudulot ng away o mas malala pa don. Ayon naman sa datos na habang tumatagal ang panahon ay lalong lumalala ang kaso ng droga nito sa ating bansa at dumarami na rin ang mga batang nasasangkot sa mga crimen sa kalye na ang dahilan ay dahil sa droga dahil nawawala na sila sa kanilang pag-iisip. At kung maglalakad tayo sa daan ay may halong kaba dahil baka may manakit sayo dahil laganap ang droga. Para sa ibang tao naman ay tama ang pagamit at pag benta ng droga dahil nakakatulong ito sa kanila dahil kumikita sila pero napakalaking kasalan ang pag bebenta at paggamit ng droga dito sa ating bansa.

                  Kaya kung maaga pa wag ng pumasok sa mga masasamang gawaing ito at baka pagsisihan mo sa huli at kailangan natin tong itigil at puksain ang kasong ito dito sa ating bansa dahil nakakabubuti ito  sa ating sarili at sa dadarating pang henerasyon.

MGA ISYU NG LIPUNAN( SANAYSAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon