Lumayo Ka Nga!

7.3K 157 30
                                    




"Vincent," Tawag ko sa kanya pero bago pa man ako makalapit sa upuan nya ay tumayo sya at lumabas ng room. Naiwan akong nakanganga at naiinis.

Kainis bakit ba sya ganun?! Lagi syang umiiwas sa akin pag lumalapit ako sa kanya?! Ano bang problema nya sa akin? Wala naman akong nakakahawang sakit ah!

Bumalik ako sa upuan ko nang nakabusangot ang mukha. Wala pa ang next teacher namin kaya naman malaya pa ang iba na lumabas sa room at ang iba naman ay nakikipagdaldalan lang.

"Ano? Hindi ka na naman pinansin?" Mapang-asar na tanong sa akin ni Zea, ang bestfriend ko. Tumawa pa ito ng malakas kaya mas lalo akong nainis. Gaga talaga 'tong babaeng 'to!

"Mukha ba akong pinansin? Kaya nga ako bumalik dito eh," Naaasar kong sagot sa kanya.

"Ang pilosopo mo naman Maria! Basted ka lang eh," Tumawa na naman sya ng malakas.

Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumahimik sya ngunit halatang nagpipigil lang ng tawa.

"Bakit ba kasi lagi nya akong pinapalayo?! Wala naman akong nakakahawang sakit at hindi naman ako pangit. Pero bakit ganun? Di ko makuha ang atensyon nya?" Nanlulumo kong tanong sa bestfriend ko. Yan talaga yung mga tanong na gusto kong masagot ng lalaking yun. Maganda naman ako eh, lahat ng lalaki dito ay nagkakandarapa sa'kin pero sya, parang wala lang ako sa kanya.

"Bakit kaya hindi mo itanong sa kanya nang hindi ka mabaliw dyan? O kaya naman pakopya na lang ako ng assignment mo sa math habang wala pa si ma'am," Nakangiti nyang sabi at tinataas-taas pa ang kanyang dalawang kilay. Bruhildang 'to napakatamad talaga! Atsaka bakit ba ako nagtanong pa sa kanya ng ganun? Eh wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kanya.

"Thanks sa napakaganda mong suggestion ha? Napakatamad mo talaga!"

"Hindi ako tamad, sadyang napakatalino lang ng katabi ko kaya hindi na ako gumagawa." Tumawa na naman ang loka. Sya ata baliw eh, hindi ako. Dalhin ko na kaya 'to sa mental hospital?

Napailing na lang ako sa kabaliwang sinasabi nya. Naisipan ko munang lumabas para naman mairefesh ko yung utak ko. Pero dahil sa maganda at swerte ako ay nakita kong nakatambay si Vincet sa labas ng room, nakasaksak ang kanyang earphone at nakapikit pa.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan sya. Ang gwapo talaga ng mokong. Singkit ang kanyang mata, matangos ang ilong at mapula-pula ang kanyang labi. Idagdag mo pa ang medyo magulo nyang buhok na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Damn, mas lalo akong naiinlove sa kanya. Hindi lang sa looks ako nagkagusto, basta biglaan na lang na may nagkakarerahan sa puso ko tuwing nakikita ko sya.

Nagulat na lang ako nang bigla syang dumilat at tiningnan ako. Paktay na! Nahuli nya akong nakatitig sa kanya.

"A-ah, a-ano vincent may i-itatanong---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang nagsalita sya.

"Lumayo ka nga! Badtrip naman." Tumayo sya ng maayos at aakma na syang umalis pero pinigilan ko sya. Hinawakan ko ang braso nya.

"Bakit mo ba lagi akong pinapalayo? M-may nagawa ba akong masama or something? Please, tell me naman!" Nanginginig ang boses ko nang sinabi ko ang mga katagang yan. Sa wakas ay natanong ko na din sya.

"Wala, basta lumayo ka sa'kin," Malamig na sabi nya at tinanggal na ang pagkakahawak ko sa kanya.

Tumluyan nang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Wala man lang akong nakuhang matinong sagot. Wala? Kung wala bakit ka lumalayo? Imposibleng wala kang dahilan. Napapagod na ako kakaisip at kakahabol eh. Vincent, please lang, tao din ako napapagod din.

Lumayo Ka Nga! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon