Guy #5 (The Guy in My Dreams)

9 3 0
                                    

Sera's POV

"Nakakapagod!!!" Sigaw ko sabay ng paghiga sa minamahal kong kama, miss na miss ko na talaga toh, at kinuha ang tabi kong unan.

Kagagaling lang namin sa kasal ng pinsan kong si kuya Will at ng asawa na niya ngayong si ate Stella, it was a long day.

Nakaramdam ako ng antok at tuluyan ng nilamon ng mundo ng panaginip.

"Hoy, psst, gumising ka" pabulong na sabi ng kung sino.

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang lalaking hindi ko kilala. Sinalubong niya ako ng kulay-kape niyang mata, at doon ko napagtanto na sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napatili ng wala sa oras.

"Ahhhhhh!!! Sino ka bakit ka andito? Manyak ka siguro noh? Sinong nagsabing pumasok ka sa kwarto ng may kwartoooo?! Ahhh!! Tulon-nshgdywuwjshh!!" Tinakpan niya ang bibig ko at nilagay ang forfinger niya sa gitna ng labi niya.

"Huwag kang maingay, wala naman akong masamang balak sayo" pabulong niyang sabi.

"Eh anong ginagawa mo dito?" Pabulong ko ring tanong.

"Ewan ko bigla lang kasi akong napunta rito, tapos nakita kitang natutulog kaya napag-isipan kong gisingin ka" pag-eexplain niya with matching confused face.

Napatingin ako sa paligid namin. The heck! Nasaan ako! Sa pagkakatanda ko nakauwi naman kami, o baka illusion lang iyon, oh my god, don't tell me patay na ako, o kaya naman......

Kinurot ko pisngi niya, nilakasan ko pa ang kurot pero parang wala talaga, hehehehe so ganun pala nag nangyayari tsk tsk tsk akala ko katapusan ko na.

Napatingin naman siya sa akin, mukhang naguguluhan parin sa lahat ng nangyayari, bobo ba to o tanga? Baka matalino lang talaga ako.

Naflaflatter ko na ata ng sobra yung sarili ko, hindi ko naman talaga sinasabi na ganun ako kadali pumick-up ng mga pangyayari pero parang ganun narin yon, at hindi ko rin sinasabing maganda ako pero parang ganun narin yon.

"Uhmmm, pwede bang bitawan mo na yung pisngi ko?"

Napahinto ako sa pagpapantasya at agad na binitawan ang mga pisngi niya.

"Wala ka bang nararamdamang sakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala"

"Edi yun na yun"

"Anong yun na yun?" Ewan ko kung natural yung mata niya pero parang may effects, nagpapacute ba siya?

"Hay, kailangan ko pa ba talagang sabihin with words? Di ba wala kang nararamdamang sakit? Think of a situation kung saan wala kang mararamdamang sakit" siguro naman gets na niya.

Napakamot sa siya ulo at napangiti, napangiti narin ako, hay salamat mukhang kuha na niya yung ibig sabihin ko.

"Hindi ko alam" napanganga ako, nag-aaral ba siya?

"We're in a freaking dream!" Sigaw ko while looking intently in his eyes.

"Ay oo nga no, ang talino mo naman" parang naliwanagan ang mukha niya at bilib na bilib sa akin.

"Siguro magiging proud sayo mga magulang mo, baka may potential kang maging detective?" Dagdag pa niya, yun lang magiging detective agad!

"Pero paano titigil tong panaginip na to?" Panibago nanaman niyang tanong. Daldal ha.

Napaisip nanaman ako ulit, paano nga ba? Tiningnan niya ako ng maigi na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Nakakapressure ha, mag-isip ng palusot.

"Ewan ko rin, minsan kasi merong tinatawag na mental block, sinusumpong siguro ako nun ngayon"

Napakamot ako sa ulo at kinakabahang napatawa.

"Ganun ba? Meron palang ganun? Paano na yan?" Sabi niya at paniwalang-paniwala sa mga sinasabi ko.

Ang inosente naman niya masyado, he seems to be so pure, pareho kaming malalim ang iniisip nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Uhmm, ano nga palang pangalan mo?" Pagbabasag niya sa katahimikan

"Sera" tipid kong sabi.

"Philip, tawagin mo nalang akong Phil" sabay shake hands.

We talked and shared stories of each other, we even exchanged jokes habang nag-uusap.

Ang gaan niyang kausap at kapag naririnig mo lang yung tawa niya mapapa-smile ka nalang.

May sasabihin pa sana ako nang biglang lumindol sa buong paligid kung saan kami nakaupo, nandilim ang kinaroroonan namin at naririnig ko ang unti-unting paglaho ng boses niya.

"Gumising kana! Malalate ka nanaman niyan, lunes ngayon may klase ka."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at napaupo, biglang sumakit ang ulo ko, napahawak ako dito at napangiwi sa kirot.

Anong nangyari? Teka may panaginip yata ako eh, ahhh hindi ko matandaan!! Mukhang mahalaga pa naman. Nubayan hmph.

"Bilisan mo na diyan kung ayaw mong masermonan nanaman ng teacher mo"

"Maliligo na poooo!!!"

Mabilis lang naman ang paghanda ko at narinig ang pagbusina ng sasakyan namin, dali-dali kong nilagok ang gatas at kumuha ng sandwich mula sa mesa, humarurot ako sa pagtakbo papunta sa sasakyan.

Nang nakarating na kami ng school ay napaupo nalang ako at naglaro ng games sa cellphone ko.

Mukhang natagalan ata yung teacher namin sa first period, ano kayang meron?

Magulo ang buong classroon at maingay ang mga kaklase ko kaya napag-isipan ko nalang na mag-earphones at makinig sa music habang naglalaro.

Naramdaman kong bigla silang tumahimik at nagsibalikan sa mga upuan nila, kaya tumigil narin ako sa pag-cecellphone at tumingin sa harap.

Narinig ko ang bulung-bulongan ng mga kaklase ko kaya napatingin ako kay maam at sa kasama niya, may transferee?

"Class, minimize your voice, we're actually having a transfer student, Mr. Jacobs please introduce yourself"

Naglakad siya papunta sa gitna at nagsimulang magsalita.

"Philip Jacobs, 15, I'm looking forward on being your classmate" sabi niya habang nakangiti ng malapad, pabibo. Tiningnan ko ang mukha niya.

Teka nga, parang ang familiar niya, kapal ko naman, huwag feeling close Sera, huwag feeling close.

"Take the vacant seat Mr. Jacobs."

He nodded his head and walked straight ahead sa vacant seat sa tabi ko.

Nakasunod ang mga mata ng lmga kaklase ko sa kanya, lalo na ang mga babae, naku naku naku, ang tatalas ng tingin ha, parang new target nanaman nila, makitingin narin nga, pati ako nakasunod din ang tingin sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin at nasilayan ko ang kulay-kape niyang mata, napakafamiliar talaga, nagkita na ba kami dati?

"Hi, Sera" bulong niyang sambit sa akin, nanindig ang mga balahibo ko at biglang sumakit ang ulo. Nagkaroon ng flash of images sa brain ko.

Natatandaan ko na, whoa! Akalain mo nga naman nagkita kami ulit.

Tadhana na ba toh, yieeee, hinarap ko siya "Oh, long time no see, muntik na kitang makalimutan" naka poker face kong sabi.

"Grabe ka naman pagkatapos ng lahat ng nangyari?" Nagmukha siyang tuta.

"Nga pala mas maganda ka sa totoong buhay"







G.U.Y.S (Oneshot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon