Jayson and I met back in September 2006, during my vacation in Sta.Mesa. I'm having a rough time then, magulo ang buhay ko, tumakas ako from province at naging cashier sa isang bar. Although, cashier lang ang trabaho ko noon, hindi parin maiiwasang isipin ng ibang tao na "pok-pok" ako. At that time, I don't really mind what other people think kasi I know na hindi yun totoo.
Kapitbahay ng lola ko ang pamilya ni Jayson B. at madalas ko siya makita sa riles na laging iba iba ang kasamang babae. So, I thought, hinding hindi ako papatol sa lalaking playboy. But I was wrong, after a month, naging kami. Mabait siya at kengkoy, na talaga namang nagustuhan ko. Kaso talagang sa umpisa lang ang saya.
After 5 months, nagloloko na sya... May mga katext at kailoveyou-han na classmate, may kaflirt na barkada at may karelasyong single mom. Minsan nahuli ko pa nga sa kwarto nya... kasama niya si single mom at kakatapos lang ata maglambingan... I confronted him, as an initial reaction, kaso ang sabi sakin "Siya ang bagong girlfriend ko." And I asked him, "Pano nangyari yun? Pano? Bakit? Pano Ako?" (high pitch na parang nageeskandalo while crying - parang sa movie lang :D) Kaso ang sagot nya sakin, "Walang pwedeng gumalaw sa GF ko kundi mapapatay ko, kahit na ikaw pa (kumuha ng bato at akmang ipupukpok sakin pero mukhang natauhan at hindi tinuloy) Wala akong magawa kundi ang umalis, umiyak at isipin na yung taong mahal ko nasa kabila lang - my kasama at kalambingang babae.
Masakit... sobrang sakit.... halos araw araw ako na naglalasing, mawala lang yung sakit. Nung mga panahong yun naghahanap na ako ng ibang trabaho kasi ayoko na matawag na "babaeng mababa ang lipad" (kasi nga my BF kuno ako eh :))
After almost 2 weeks, inapproach niya ako and as usual, mahal ko eh kaya pinatawad ko. Tanga nga lang! I thought, hindi nageexist yung mga tangang tao, pero napatunayan ko sa sarili ko na nageexist talaga sya at isa na ako dun. :)
Ang nakakatawa, kinaibigan pa ako ni single mom! At siyempre dahil sadyang tanga ako, ok lang sakin. Masokista (whatever you call it) nga lang ang peg ko noon kasi I even went to her house when she invited me, at kinuwento pa niya yung mga lambingang ginawa nila sa bahay nung babae - lambingan sa CR, sa Sofa, sa Kitchen, to name a few. ANSAKIT!!!!! Pero past is past nga raw sabi ng karamihan, kaya kinalimutan ko lahat yun.
April 2007, lumipat na ako ng tirahan at umupa sa Teresa, malapit sa PUP. Isang araw, bumisita si single mom ng hapon (na akala ko wala na sa picture) at kinagabihan pumunta rin si Jayson B. na shenglot! Ang siste, tinago ko pa si single mom sa kwarto ng kaboardmate ko (hindi ko alam kung bakit to the highest level ang katangahan ko). Si single mom nagmakaawa na sana makita niya si Boral (Jayson) kahit sa huling sandali lang, dun na ako umalma at sinabi ko na "Hindi pwede, bakit pa????" Saka ko siya tinaboy and that's the end of our story with single mom.
Marami pang nangyari within 2007, pero mostly masaya. I get to bond with him and with his friends pero I don't think legal kami sa nanay niya (well, ni hindi nga ata alam ng nanay) but it doesn't matter, as long as masaya kami (I think) ok na yun sakin.