Chapter 8

13 0 0
                                    

"kung tatanungin mo ko about dun sa tinakbuhan kita..eh hindi naman na mahalaga yun."

"I'm asking you" anito at antalim pa ng titig sakin.

eh hindi ko naman kase talaga alam kung bat ako tumakbo kasalanan ko bang di ko alam? Kahit ako naguguluhan din sa takbo ng isip ko noh. duh

"Well wala lang yon may humabol lang na aso samin ni manang"

"Dog inside the mall..seriously?"

oo nga noh bat di ko ba naisip yun? bawal nga pala ang aso sa mall,aish ang tanga.

"Basta yun na yun."

"so bakit mo kami pinapunta dito pre?" tanong nung Daniel na mukhang maangas. Well astig siya ah i haven't seen him yet. San kaya to nag-aaral?

"as i said i wanted you guys to help me..liligawan natin si Maris."

Wait what?

liligawan nila ko?

teka andami naman yata nila..ang hirap pumili lahat kasi may hitsura ano ba yan.

"Huh? liligawan nyo ko? as in lahat kayo?"

"iba nanaman ang tumakbo sa isipan nitong baliw." ani ni Andrei at hinawakan pa ang ulo niya.

"eh ano ba kasing ibig mong sabihin?"

"Liligawan kita tapos tutulungan nila ko"

ahh yun pala yun..liligawan niya pala ko ano kayang nainom niyang drugs at bakit niya ko liligawan,seryoso ba sya diyan?

"Seryoso ka ba Andrei?"

"Alam ko namang mukha kang palaka sige admit na natin yun"

"Hoy ang kapal nang mukha mong unggoy ka dat sayo pinapatay eh"

"Advantage kami sa lipunan noh kaya naming patayin yang mga kuto niyo"

"aba mas lalo naman ang palaka,sila kaya pumapatay sa lamok pfft"

"oh edi ikaw na palaka." Aba ang kapal talaga ng pagmumukha manliligaw daw pero mukhang inasar lang yata ako si manang nalang kaya ligawan niya?

"Che! si manang ligawan mo..actually binilhan ko si manang ng mga damit eto oh off shoulder bagay na bagay to sayo manang lalo na't may manliligaw sayo hehe"

"ikaw bata ka puro ka kalokohan kayong mga kabataan kayo ang panget ng panliligaw nyo ngayon eh naaalala ko pa noon kailangan marunong kang kumanta bago ka sagutin ng babae. Eh ngayon kahit yata sintonado ka papatusin ka parin." gusto ko yung papatusin ni manang unique yun eh

"Eh barumbado yan manligaw manang eh" sabi ko naman.

yung mga kasama naman ni Andrei tahimik lang at kain ng kain feeling ko nga mabait tong mga to hindi sila katulad ng ibang lalaki na magbabarkada na ang daldal kala mo talaga mga babae eh.

"Aba baka gusto mong bigyan pa kita ng letters araw-araw."

letters pero panget naman sulat
"kung panget naman sulat mo wag nalang baka hindi ko rin maintindihan."

"For your information maraming gumagraduate ng panget sulat noh..tignan mo nga yung mga doctor ang la-laki nang suweldo."

"sila yun hindi ikaw."

"Tama na nga yan puro kayo daldal" finally narinig ko na ang boses nitong si Jc. Kanina pa kasi kain ng kain at mukha namang tapos na yata sya.
"so ano na pre? yung sinabi namin sayo ah tandaan mo yun,tutulungan ka namin pero wag mong kakalimutan yung usapan." kinuha na nito yung bag niya tas umalis na mag-isa samantalang yung apat dito ay kumakain parin. tagal nila ah si manang nga tapos na eh di sila nahiya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When i met a JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon