Chantelle's POVHaggard pero cute akong nakapila dito sa book signing event ng favorite author ko, ang jammiene.
/okay self support tayo dito/
May anim pa na tao ang nakapila sa unahan ko na mga nagpapapirma rin sa kanila.
few minutes later...
Its my turn!
Iniabot ko na ang libro kong at pinapirmahan sa kanila iyon.
“What's your name?” tanong ni Ate Regiene.
“Chantelle po.” Nakangiting sagot ko. Pinirmahan nila ito at isinulat ang pangalan ko sa baba at saka binalik sa akin ang libro. Sana all maganda sulat.
Binalik ko na ang libro sa bag ko at naisipang bumili ng kape.
Dumaan muna ako sa The Lost Bread dahil rin sa may event dito kasi birthday ni Jimin. Lumabas na ako ng The Lost Bread
#ubos_pera
Naglakad na ako palabas at may nakita akong babaeng nagmamadali.
Tumigil ako sa labas ng SMX dahil maulan pa.
Bigla akong may nakabangga sa akin kaya natapon yung kape ko.
“OMG! Sorry po!” Biglang nagpanic ang babae. Kinuha ko ang bimpo ko at pinunasan ang damit ko.
Hayp wala na akong extra shirt, sad reacts only.
“Sorry po ate, nagmamadali po kasi ako kasi baka 'di ko na maabutan yung event. Sorry po talaga.” Paumanhin nito.
“Sige na, pumasok ka na doon. Don't bother me.” Ani ko at ngumiti.
Ngumiti kahit na napipilitan~
Sayang yung binili ko.Hays.
“Sorry po talaga.” sabi niya at umalis.
*beeps*
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext sa akin.
Maureen:
Cha, wala na tayong stocks dito. Nasa mall ka naman hindi ba? Pakisuyo nalang. Bayaran kita dito paguwi mo bakla. : )
Buti may pera ako dito. Nag-ipon talaga ako para makapunta sa MIBF. Hays.
Pumunta ako ng mall at naggrocery na.
few hours later...
Lumabas na ako ng mall dahil natapos na ako mamili. Umupo muna ako sa bench at nagtext kay Maureen.
Me:
Hoy bakla, sunduin mo ko dito. Alaws na ko pera pamasahe pauwi.
*beeps*
Maureen:
Yes mam, chur. Eto na ho boss otw na.
Napatawa nalang ako sa nabasa.
Habang nagaantay kay Maureen ay may umupo na babae dito sa bench na kinauupuan ko.Nilapag nito ang bag niya at nagsimulang maiyak.
“Hey, okay ka lang ba?” Tanong ko.
“Hi-hindi po k-kasi ako nakapagpapirma sa Jammiene.” Aniya at umiyak muli.
“Wait,” sabi ko at may kinuha sa bag ko.
Kinuha ko ang card na pinapirmahan ko sa Jammiene dahil balak ko ito ipaframe. Pero ngayong may pirma ang libro ko ibibigay ko na ito sa kanya.
“Here.” Inabot ko ito sa kanya. Pagkaabot ko ay natigil sya sa pagiyak at sumaya muli siya.
“Thanks po!” sabi niya at tinanggap ito, ngunit may pagaalinlangan sa mata nya.
“E, pano ka ate?” Tanong niya.
“Meron pa ako sa libro ko.” Ngiti kong sabi. Nakangiti nitong pinagmamasdan ang card na ibinigay ko.
Nakita ko si Maureen na papalapit na sa akin kaya inayos ko na ang gamit ko.
“Baklaa!!” Tawag niya. Pumunta na ako palapit sa kanya.
“Bye po! Ingat po! Thank you po ulit!” sigaw ng babae ng malaki ang ngiti.
Nagwave din ako at umalis na kami ni Mau.
itutuloy~~
gais alam nyo ba na ang cute ko
- jam
YOU ARE READING
The Tale of a Cold-Hearted Lady
Teen FictionLumaki si Chantelle na orphanage lang ang nagsilbing tahanan at mga madre ang naging magulang nya. Magaling na swimmer si Chantelle kaya nabigyan ng scholarship makapagaral sa Everest Academy, isang tanyag na paaralan sa Manila. Hindi rin nya inaka...