TWO

12.6K 290 21
                                    

___ ___ ___

"BESHY SAAN ba tayo pupunta?" kanina pa siya tanong nang tanong hindi ko na lang sinasagot. Pagkaout niya sa cafe hinila ko na agad si bakla hindi naman ito nagreklamo. Oo si Fia ang kasama ko ngayon si bakla na friend din namin na nagtatrabaho sa cafe ni Beatrice.

Alas diyes na at nandito kami sa HD bar kong saan ang tumatambay ang mayayamang bachelor. Hinanap ng mata ko ang panganay na Francisco. Alam kong magkamukha sila ng kapatid at alam ko rin na kilala ni Fia ang dalawa. Gusto ko lang mapalapit sa kanila para kahit papano may makalap akong info sa aksidenteng nangyari sa mga magulang nila.

"Sssssshh.." pagpapatahimik ko sa kasama kanina pa kasing kuda. Inikotan lang ako ng mata kaya sinamaan ko ng tingin.

Nahagip ng mata ko ang binata kasama nito ang mga kaibigan na mukhang lasing na. Lahat may ibubuga walang tapon ang mukha I wonder na wala pang nakakapag asawa sa kanila. Sino ba hindi makakakilala sa kanila eh halos sila sila lang ang palageng pinefeature ng magazine. At palageng laman ng news.

Tumayo ako at naglakad palapit sa pwesto nila. Hindi ko pinansin nang tinawag ako ni Fia deretso lang ang lakad ko. Medyo pinatapang ko ang mukha ko at galit. Nagulat ang lahat ng bigla kong batukan ang binata. Napatingin ang mga ito sakin. Tiningnan ko ng masama ang lalaki nang tumayo ito sa harap ko at sapo sapo ang likod ng ulong tinamaan ko.

Nakita ko ang galit sa mukha nito. Kahit medyo madilim sa gawi namin maaaninag mo pa rin ang gwapong mukha nito. Ang manipis at mapulang labi ang mabalbas na panga nito at matangos na ilong. Mukhang halos sambahin ng mga kababaihan. Umigting ang panga nitong nakipagtitigan sakin. At ganun ko din siyang tingnan.

"Walang hiya ka! sa dami dami nang inorder mo wala ka naman palang pambayad na hinayupak ka!" tiningnan ko ito nang masama at dinuro ko pa. Hindi naman umimik at hinihimas pa ang batok ,sobrang lakas ba ng paghampas ko? Hindi ko namalayan nasa likod ko na si Fia at hinihila ako. Hindi ko siya pinansin at winaksi ang kamay ko.

Alam kong kilala niya ito,wala naman akong pakialam 'may maeksena lang' paraan para mapalapit sa kanila. At ang panganay ang uunahin kong lapitan.

"Ano bang ginagawa mo beshy?"bulong ni Fia sakin hindi ko siya pinansin. Humina na din ang music at nakatingin na ang lahat sa amin. Pero balewala sakin yan, nakatitig pa rin ang binata at nagsasalpukan ang kilay at galit din. Sino ba naman hindi magalit kong may taong bigla kang batukan.

Hindi din ako natinag na makipagtitigan sa kanya. Alam kong gwapo siya sa magazine o kaya sa tv pero di ko aakalain na mas gwapo pala siya sa personal. Pasimple akong lumunok ng laway dahil pinupuri ko siya ng palihim. Tinaasan ko ito ng kilay nang mapansing tumaas ang gilid ng labi nito. aba tinatawanan ako,pero infairness mas gumwapo siya dun ,tigil na sa kakapuri Gabby,kunwari galit ka dapat di ba? Sinamaan ko ng tingin. Kinakalabit naman ako ni Fia hindi ko nalang pinansin.

"Ano! magbabayad ka o hindi... ang kapal din naman talaga ng mukha mo..." nilingon ko saglit si Fia dahil kAnina pang pinipigiln ang braso ko."Pwede ba tumigil ka muna diyan." sabi ko at humarap ulit sa lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko dahil pagharap ko hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinunggaban ng halik. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maglapat ang labi  niya sakin.  Narinig ko pa ang sigawan sa paligid. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. Naistatwa ako sa ginawa niya. Nang mahiwalay ang labi namin nakatingin lang ako sa kanya at nakita kong nakangisi ito at nilagay pa ang mga kamay sa bulsa.

Nang matauhan ako sa ginawa niya uminit ang ulo ko at bigla ko  itong sinipa natumba siya sa sofa hindi pa ako nakontento agad akong tumalon sa mesa at tinapakan pa ito. Sino siya sa akala niya bakit niya ako hinalikan. Hindi porket na gwapo siya,kanina mo pa siya pinupuri Gabby' diniin ko ang pagkakatapak sa tiyan niya at napaigik naman.

Naging maingay at wala nang music tanging sa amin ang lahat ng mata. Alam kong namumula na ako sa galit,sino ba naman hindi,kinuha niya ang unang halik ko. Bumaba ako sa pagkapatong sa mesa at inisahang sipa pa ito na ikinagulat pa niya. Kabayaran yan sa pagkuha mo ng unang halik ko.

Napahawak ito sa dibdib na nasipa ko. At namumula na din ang buong mukha umigting ang panga at galit na tiningnan ako. Tiningnan ko din siya ng masama.

"Sino ka sa akala mo para halikan akong hinayupak ka." uminit talaga ang ulo ko sa ginawa niya. Wala pang lalaking nakakahalik sakin at siya pa lang. gago siya ha 'pero aminin mo kinilig ka no! sigaw ng mahadera kong utak. Tumayo ito pero sinipa ko ulit kaya sumalampak ulit sa sofa. Galitin mo na ang lahat wag lang si Gabrielle dahil mababalian ka talaga ng buto sakin. mabuti nalang sinanay ko dati ng ama ko sa mga karate,pinasok ko rin ang paghujudo at teakwondo. At ang pagiging mabilis na galaw ko nagagamit ko ito sa trabaho ko.Hindi na ito makatayo at hawak ang tinamaang panga."Hindi pa tayo tapos lalaki ka!" pinanlisikan ko ito ng mata bago umalis. Nakasunod naman si Fia sakin. Nagsigilid naman ang mga tao wala akong pakialam sa kanila.

Kung hindi niya ako hinalikan di sana siya nakatikim ng sipa ko. Nabangasan ko tuloy ang gwapo niyang mukha,'napaghahalataan na Gabrielle' sigaw pa ng utak ko. Oo nga parang kanina ko pa nga pinupuri ang lalaking yon.

Nang mamalabas kami bigla akong hinawakan ni bakla sa braso ko."Hoy beshy anong eksena yon? bakit mo ginawa yon,nasira tuloy ang fez ni pogi." malanding sabi nito,inikotan ko lang ng mata."Tsaka anong pinapabayad mo sa kanya?" hindi ko nalang pinansin. agad akong sumakay sa kotse ko sumunod naman siya.

Kuda nang kuda si bakla habang nasa biyahe kami. hindi ko siya pinansin. At naalala ko ang paglapat ng labi niya sakin. Kahit naman nabigla ako aminin kong nagustuhan ko yon ang lambot ng labi niya. Kong sa ibang pagkakataon ata baka kiligin ako dahil hinalikan niya ako. Ang mapulang labi at malambot dumampi sa labi ko.

Pero aminin mo din na kinikilig ka! segunda pa ng utak ko. oo na Happy?

"Ano ba titigil ka ba sa kakakuda mo diyan o pababain kita!"singhal ko naririndi na ako sa boses nito at kong ano ano pa sinasabi tapos pinupuri lang naman niya ang hinayupak na yon.

"Ito naman nagtatanong lang eh! pero infairness besh masarap bang humalik si mr. handsome?" kinikilig pa ito at tinutudyo pa ako. Tinutok ko nalang sa daan ang mata ko ayokong makita ng baklang ito na nasarapan din ako. kitams inamin mo din. " hala! namumula ka kinikilig siya ohhh!" sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Pababain talaga kita bakla pag di ka tumigil." nakita kong sinusupil nito ang ngiti at inaasar pa ako. Alas dose na nang maihatid ko sa apartment si bakla hindi ko nalang pinansin ang pasaring nito sakin.

Sa apartment muna ako umuwe ayokong umuwe sa bahay dahil siguradong sermon na naman ang abutin ko kay kumander namin. Pagkapasok ko agad ako napasandal sa likod ng pinto. At dito ko nilabasan ang kilig na kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa labi ko at napangiti pakiramdam ko nandito pa ang labi niya. Napadausdos ako ng upo at inalala ang magkalapat namin labi. shit ganun pala kasarap ang labi niya! oo alam ko wag kanang komuntra.

Pagkatapos kong maligo nahiga agad ako at iniisip ko pa rin ang eksena kanina. lalo na ang halik ,eeeeiiiiii anu ba wag mo na ngang isipin yon.' bakit hindi eh first kiss ko yon.

Konti na lang Francisco brothers mapapalit din ako sa inyo. Lalo na sayo Justine Miguel Francisco sisiguraduhin ko yan..


____ _____ ___

Ito na muna ... pagpasensyahan niyo na.. kong hindi maganda ,,,hindi naman ako magaling na manunulat.. subok lang...

Salamat sa nagbabasa.. muaaahh

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon