ARRGGG!!!! BADTRIP AKO!!!! SHIT!!!
Teka, ako pala si Megan. May crush na crush ako, si Francis.Yan lang wala ako sa mood eh. -.-
Pasensya, umagang- umaga badtrip ako. Inagahan pa ako ni badvibes eh! Tsk!
Pagkaopen ko kasi ng phone, puro hyper na group messages ng mga classmates ko at bestfriend na si Bhea ang nag-welcome sa'kin.
Ano ba ang dahilan ng kanilang super hyper na group messages na nag flood sa phone ko?
Simple lang naman. Ngayong araw kasi magtatapat ang crush ko na si Francis sa babaeng matagal niya ng mahal at hindi ako yon for sure. Di ko na inalam kung sino ang maswerteng babaeng yon. Obvious naman na si Allyson yon na palagi niyang kasama kapag break o walang klase. Si Francis kaklase ko, si Allyson hindi.
Badtrip di ba? Bakit ang hahyper nila eh nasasaktan ako. Iniinsulto ba nila ako? Ako lang ba ang bitter dito? Sila na. Sila na masaya. -.-
Kahit iniexpect ko na ito ang magiging pinaka worst day ko, langya masakit at nakakaiyak pa rin.
Ang nakakabadtrip pa ay invited ako sa madramang pagtatapat na magaganap. Ininvite niya kasi kaming lahat na mga kaklase niya. Lahat naman nagsabing pupunta kaya halata naman masyado na bitter ako kung di ako pupunta. Excited pa nga sila eh. Tsk! -.-
Sinabi na sa amin ni Francis ang plano niya.Isa ito sa mga rason kung bakit sigurado akong si Allyson ang pagtatapatan niya at hindi ako. Sino ba naman ang magtatapat na nga lang, ipapaalam pa niya sa pagtatapatan niya ang plano. Masyadong di kapani-paniwala yon.
Ang plano ni Francis ay magtatapat siya sa school quadrangle with matching flowers, balloons, heart-heart churva at marami pang pakulo. Meron ding magvivideo at magpipicture. Sweet at romantic diba? Tsk! -.-
Kahit walang gana napilitan pa rin akong mag-ayos upang makapunta na sa school on-time dahil ayaw kong e'flood na naman ang phone ko.
ARRGGG!!! SHIT!!! MAS NABADTRIP AKO NGAYON!!! PUCHA TALAGA!!! SINABI NILA 8:00 A.M. SHARP ANDITO NA DAPAT LAHAT. BAKIT WALANG KATAO-TAO NGAYON ANG SCHOOL PATI NA ANG QUADRANGLE??? KANINA PA AKO DITO! 8:30 NA ANG ORAS NGAYON! KAHIT ISANG DECORATION DIN WALA!!! PINAGTITRIPAN BA NILA AKO O ISA ITONG MASAMANG PANAGINIP. WALA DIN AKONG MA' CONTACT SA LAHAT NG CLASSMATES KO, MALIBAN KAY FRANCIS. DI KO SIYA TINAWAGAN. DI KAYA KAMI CLOSE! TSK!!! ~.~
Bwisit talaga! Uuwi nalang ako. Lagot silang lahat sakin sa lunes. Maghihigante talaga ako!
Teka, si Francis tumatawag. Isa din 'tong bwisit. ~.~
"Go to the rooftop". Tae talaga. Yun lang ang sinabi. Binaba agad. Di man lang ako nakapag-react. Ano yun bastusan? Bakit ba naging crush at minahal ko yun? May tinatago palang baho ang lalaking yun. Akala mo kung sinong gwapo, well gwapo nga yun at mabait, matalino, sporty---takte kung ano-anu na pinag-iisip ko. Makapunta na nga lang sa rooftop pata mapiktusan yun.Ayan puro ako yun, badtrip kasi. -.-
Nandito pala silang lahat sa rooftop at nagtatawanan pa. Tinutukso nila si Francis. Ang saya nila. Tapos na sigurong magtapat si Francis kay Allyson. Tae, naiiyak na ako ngayon. Feeling ko pinagkakatuwaan nila akong lahat. Ginawa nila akong tanga.
Tumigil silang lahat ng nakita nila ako. Wala ni isa ang nagsalita o nag'react man lang. Nakatanaw lang sila sa'kin. Guilty siguro.
"Oh! Bakit tumigil kayo? Sorry, naistorbo ko pa yata ang kasiyahan niyo eh. Nakaka'enjoy ba akong lukohin at pagtripan? Ang tanga ko talaga no? Naloko niyo ako. Ikaw Francis, ginamit mo pa silang lahat para lukohin at saktan ako. Gago ka talaga!". Umiiyak kong sabi sa kanila.
"Basted na ba ako? Hindi mo ba ako mahal?" Nakayuko niyang sabi sa'kin.
"Ano yang pinagsasabi mo? Di ka pa ba kayo tapos sa pantitrip niyo? At anong di mahal? Matagal na kitang mahal tae ka! Ano? Masaya ka na dahil nasaktan--"
"Yes! Mahal na mahal din kita Megan. Matagal na rin." Biglang sabi ni Francis at niyakap ako.Pinunasan niya din luha ko.
"Tayo na ba? Pwede na ba kitang halikan?" Tanong niya pa sa'kin.
"Takte, di kita maintindihan. Mahal mo ako? Halik? Paki'explain nga sa'kin ang nangyayari." Sabi ko sa kanya.
"Mamaya na. Kiss muna." At bigla niya akong kiniss sa lips. Smack lang. Kinilig ako kahit ang gulo niya. :)
"Ayyiee!! Ang sweet-sweet niyo. Nakakainggit!" Istorbo ng mga classmates namin. Ngayon lang nag'react ang mga bwisit.
"Gago ka! Bakit mo ko hinalikan? Sabi ko explain di ba?" -Ako
"Siguro halikan kita ulit para maintindihan mo? Yung matagal na kiss. Aray!" -Francis
Binatukan ko siya. Luko-luko eh. Kung anu-ano sinasabi. Adik talaga.
"Oo na, ang sweet naman ng batok mo.Kailangan mo atang bumalik mula sa quadrangle at basahin ang makikitang mong mga nakadikit sa dingding mula doon papunta dito sa rooftop. Bakit kasi nagmadali kang makita ako kanina. Hindi mo tuloy nabasa yun lahat. Tsk! Dami ko pa namang effort dun. Tara na nga. Pero, isang kiss nga muna." Agad niya kong hinalikan. Its our real first kiss. It feels so great! :)
THE END <3
Thank you for reading! Vote and comment if you like this story :)
~ abbyrhae
BINABASA MO ANG
Confession ni Crush (One-shot)
Short StoryThis is a one shot story written by abbyrhae. :)