Page 7

215 14 0
                                    

"Mika, patulong nga din dito"

Sabi ni Mark sa kanya na sinundan naman ni Melo at pati na rin ni Lilac, ang seatmate ni Melo. Umaga pa lang ngunit stress na agad sila dahil ang daming kailangan na gawain ngayon.

Matapos kasi ang acquaintance party nila kahapon ay back to reality na sila ngayon sa klase. Tapos na ang isang araw ng pagsasaya nila kaya ngayon ay kailangan na nilang bumalik sa pag-aaral.

Tambak na nga ang mga papel niya sa desk ng armchair niya at hindi na niya alam kung ano ba ang uunahin.

Tapos nagpapatulong pa itong tatlo sa kanya. Hindi naman siya makareklamo dahil maayos na nagpapatulong naman sa kanya ang mga ito.

"Wait lang, tatapusin ko muna itong akin"

Sabi niya at nanahimik naman ang tatlo saka nagkanya-kanya muna ng gawa habang iniintay siya na matapos.

Naging madali lang naman ang lahat sa kanya dahil alam na niya ang gagawin at hindi naman ganoon karami ang kulang niya na mga requirements ngunit hindi pa rin niya masasabi na kakaunti lang iyon.

"Mika, pwedeng pahiram ng notebook mo sa math?"

Tanong ni Maymay sa kanya at tumango naman siya saka hinanap sa loob ng bag ang notebook niya sa math.

Nang mahanap niya iyon ay ibinigay niya iyon kay Maymay.

Itutuloy na sana niya ang mga ginagawa niya nang may naglapag ng kung ano sa armchair niya at nang tingnan niya kung ano iyon ay nakita niya ang nametag ni Brent.

Bahagya siyang napangiti habang nakatingin sa nametag ni Brent saka tumingin dito na ngayon ay naglalakad pabalik na sa kinauupuan nito.

Muli siyang tumingin sa nametag na nasa desk ng armchair niya saka napailing-iling.

Akala ko ba ay nahingi na ito ni Shazie?

Bigla tuloy siyang kinilig ng wala sa oras dahil doon. Nag-iisa lang ang nametag ni Brent na iyon sa buong mundo at hindi niya inaakalang napunta iyon sa kanya.

Itinago na muna niya ang nametag sa loob ng bag niya saka bumalik na sa ginagawa ng may malawak na ngiti sa labi.

"Mika, pwede mo na akong tulungan?"

Tanong ni Mark at natatawang tumango naman siya. Tutal naman ay tapos na rin naman siya sa mga ginagawa niya.

"Sige"

Tinulungan na niya si Mark at pati na rin sina Melo at Lilac. Nang dumating ang recess time nila ay nagstay na muna siya sa loob ng room habang lumabas naman sina Zyrina at Clara para magrecess.

Nakamasid lang siya sa iba niyang mga kaklase nang tabihan siya ni Brent. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso niya lalo na nang makita niya ang matamis nitong mga ngiti.

"Bakit?"

Tanong niya dito nang nanatili lang ito na nakatitig sa kanya habang nakangiti.

"Baka naman gusto mong magpasalamat"

Sabi nito at mahina naman siyang natawa.

"Thank you nga pala pero akala ko ba ay nahingi na 'yon ni Shazie?"

"Bakit? Ayaw mo ba? Pwede ko namang bawiin sa'yo"

Sabi nito at agad naman siyang umiling dahil baka mamaya ay totoohanin nga nito ang sinabi.

"Hindi naman sa ganoon pero nagulat lang kasi ako kanina"

"Nagulat o kinilig ka?"

Nakangisi nitong tanong sa kanya at tinampal naman niya ang braso nito.

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon