Chapter 1

10 1 0
                                    

Fm's POV

Tulala parin KAMI hanggang ngayun. Umalis na lang si ma'am pero hindi parin kami nakaka recover sa nangyare kanina.

Akalain mo ba naman sa gwapo ng lalakeng yun bakla pala... Bakeeeettt??? 😭 Akala ko chance ko ng magka boyfriend ng gwapo tapos BAKLA PALA!!??

Ang daya talaga ng mundo, tapos kung sino yung gwapo siya pa yung mahilig rin sa gwapo. Shetmemeng!

"Girl oh" sabi ng isang boses sabay abot sakin ng notebook ko. Tiningnan ko kung sino yun at tama nga ang hinala ko... Yung bakla yun.

Tinitigan ko ang mukha niya habang dahan-dahan na kinikuha ang notebook ko.

Kumaway sa sa mukha ko "okay ka lang teh? Kanina kapa tulala"

"Bakla ka talaga?" Bigla kong tanong. Itong bibig ko din eh. Curious lang!

"ahahaha" tawa niya.

Takang tiningnan ko siya. " may nakakatawa ba dun?"

"hahaha--- sare. Kase naman pangilang beses ko nang narinig ang tanong na yan" paliwanag niya.

"so bakla ka nga?" paninigura ko

"No... "

W
H
A
T
?

"Isa akong dyosa" dugtong niya na may pagdalagang pilina pa.

Litse. -_- Umasa ang lola niyo eh!

Bagsak ang balikat kong tumayo.

"teka." pigil niya. "big deal ba masyado na bakla ako?"

Duh? Obvious ba? "Ang gwapo mo kaya tapos magiging bakla ka lang!?"

Ayun sumabog nako.

Naatanga siya "Chill. Di kita inaano and correction MAGANDA."

"Ewan ko sayo. Samahan mo na nga lang ako sa canteen. Iniwan ako ni Imma eh" pag-aya ko.

Tinaas niya ang kaliwang kilay niya. Psh bakla nga. "so friends na tayo ngayun ha? Ha-ha."

"Lika na  at nagugutom nako" sabay hila ko sakanya.

Sa canteen***

"sheym ang gwapo niya."
"ang hot ni fafa"
"pwede siya isali sa samahan nina Jarex"
"makalaglag panty"
Ilan lang yan sa mga bulong-bulongan ng mga babae sa canteen nang makatapak kami duon.

Kung alam lang nila kung anong klaseng tao tong kasama ko ngayun.

Nakaramdam ako ng brasong kumapit sakin. Yung bakla lang pala---hala! Hindi ko pa pala alam ang pangalan ng baklang to noh 😂

"dzaii may alcohol ka? Andaming germs gosh! At  grabe yung girl kanina kung tingnan ako parang...gosh what's with them?" maarteng reklamo niya.

Binatukan ko siya. Mahina lang naman yun. "Sa gwapo mo ba namang yan sinong babaeng hinde magpapantasya sayo?"

"Oo na! Di naman kailangan mambatok eh!" hawak niya ang batok niya at mukhang napalakas ata ang pagsabi niya nun dahil LAHAT as in LAHAT ng tao sa canteen nakatingin sa kanya pati narin yung mga babaeng kani-kanina lang pinagpapantasyahan siya ngayun halos malaglag na ang panga sa sobrang gulat.

Kawawang girls.

"Huy betla!" tawag ko sakanya na ngayun ay umiinom ng coke.

Lumingon siya at itinaas ang mga kilay bilang tugon. " Anong name mo? Kanina pa tayo naguusap diko pa alam name mo."

Nilunok niya muna ang ininom niya. Sana all coke. "Louigie Axcel  Reyes"

"Ah okay i'll call you mine---charot i call you LG" tango-tango ko

He's  gayWhere stories live. Discover now