May ngiti sa mga labing naglalakad c Ann palabas ng NAIA. Galing sya sa kanilang probinsya. Lumuwas sya pra hanapin dun ang swerte at trabahong pweding tumulong sa kanya na maiahon sa kahirapan ang pamilya. Undergrad. Sa kursong Bachelor of Elementary Education. Hindi nya natapos ang kursong gusto ng kanyang magulang para sa kanya dahil sa sya ay maaga pang naligaw ng landas. Sa pagrerebelde sa magulang hindi ito sumunod sa mga paalala sa kanya at sinunod ang mga gusto nito sa sarili, maaga nyang pinasok ang mundo ng pag ibig. Kung kaya sa edad na 19 ay naging maaga ang kabiguan sa kanya naging maagang ina c Ann at upang patunayan ang sarili sa magulang na kaya nyang tumayo sa sariling paa ay lumuwas sya upang maghnap ng trabaho para makapag ipon at may maipantutustos sa anak na naiwan sa magulang.
Pagkalabas sa airport ay inikot nya ang kanyang mga mata sa matataas na gusali na kanyang natatanaw."Ang laki at ang ganda pala talaga ng maynila" saad nyang namamangha sa nakikita ng kanyang dalawang mata. Sya ay makikituloy muna sa kanyang matalik na kaibigang c Lissa habang sya ay maghahanap muna ng trabaho. Nag aabang na sa labasan ang kanyang kaibigan. Saglit nya lang iginala ang mata sa mga taxi na nsa labas ng agad nya ding makita ang kumakaway pang kaibigan lulan ng taxi na inarkila pa nito sa pagsundo sa kanya.
"Ann!!! Dito halika.. "sigaw pa ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sya papunta dito.
"Oo saglit naman at madadapa naman ako, kung tulungan mo din kaya akong bitbitin tong mga bayong na padala ni mama nuh..😄natatawang sabi nya sa kaibigan. Sila ni lissa ay matalik na magkaibigan simula elementary. Sa kanilang probinsya din galing ang kaibigan kaya magaan ang loob nila sa isat isa at tiwala syang hindi maano dito sa maynila dahil andyan ang kaibigan nya. Nakarating naman sila sa tirahan ng kaibigan. Pagbaba ng taxi.
"Bahay nyo to best?" Tanung nya dito.
"Hindi sa ate ko 'to nakikitira lang din kami ng asawa ko, pero wag ka mag alala mabait naman yun at nasabi ko na sa kanya na dito ka muna samin ...tatlong palapag itong bahay..itong 1st floor ay computer shop, smin pinagkakatiwla ng ate ko. Kami nman mag asawa ay nasa 2nd floor taz ikaw dun ka sa 3rd floor kasama ang multo...pananakot pa nito sa kanya na alam kung ganu sya ka matatakotin.."joke lang namutla kana agad..c Aisy ang makakasama mo dun yung isang pamangkin ko.. dito nadin kasi yun mag aaral..mahabang paliwanag nito sa kanya..
"Ha??? Eh san sina ate mo??? Akala ko ba sa kanila tong bahay?? Takang tanung nya dito. Hindi nya kasi makita ang ate nito.
"Ayun oh! Yung katapat ng bahay natin. Yung mini grocery na yan.. sa kanila yan asa loob nyan sila nakatira pina extension nalang nilang mag asawa para sila na ang tututok sa grocery" turo sa kanya ng kaibigan habang hila sya nito sa kamay sa terrace at tinuro ang nasa babang grocery kaharap ng tirahan nila.
"Ganun ba?? Maayos nadin pala ang buhay mo dito nuh?? Nawika niya.
"Hindi naman, si ate talaga ang nakakaangat. Madiskarte kasi sa buhay yun, d mapakali ng walang ginagawa at pinagkakakitaan kya ayan paunti unti ay naging maayos ang buhay namin. Kaya dapat ikaw maging masipag kalang dito at di ka magugutom" sabi pa nito sa knya.
"Pasensya kana best ha..kung nakakadagdag pa ako sa isipin mo. Wag ka mag alala babawi ako sayo pag may trabaho naku tapos bubukod din ako agad pag okey na lahat" turan nya.
Unang gabi ni Ann sa maynila di sya dalawin ng antok. Naiisip nya ang magulang at anak na naiwan sa kanila bumalik sa ala ala nya ng dahilan kung bakit sya napadpad sa syudad na ito...
"Hindi kami nagkulang ng pagpapayo sa inyo magkakapatid Ann. Nagsisikap kami ng Papa mo kasi umaasa kami na ikaw yung magiging daan namin para kahit papaano ay makaahon man lang tayo sa hirap ng buhay. Pero bakit ganito ang isinukli mo sa amin??" Galit at naiiyak na sermon sa kanya ng Ina.
Hindi sya makapagsalita kasi kahit sya ay hindi alam kung anu ang sasabihin sa magulang dahil alam nyang una palang ay maling mali na ang kanyang mga piniling desisyon naiiyak nalang syang itinungo ang ulo habang umiiyak.
"Asan ang ama ng pinagbubuntis mo??? Tanong ng kanyang Ama. Hindi sya makaimik dahil nung sabihin nya sa dating nobyo ang kalagayan ay walang kwenta lang ang narinig nya mula dito. Gusto lang nitong ipalaglag nya ang kanyang dinadala dahil bata padaw ito sa responsibilidad hindi pa raw nito kaya ang ganung responsibilidad at isa pang sabi nito ay baka hindi naman daw talaga ito ang may ari ng sanggol sa sinapupunan nya. Sa oras ding iyon ay tinapos nya lahat sa knila ng nobyo at sinabi sa sariling bubuhayin ang bata at hndi na magpapakta dito kailanman isa itong iresponsabling tao at makasarili. Hindi nya idadamay sa mga maling desisyon nya sa buhay ang batang kanyang dinadala wla itong ksalanan sa mga pagkakamali nya. Tatanggapin nya lahat ng mga maririnig sa kanilang lugar na hindi magaganda patungkol sa knya pro hnding hindi nya ipalalaglag ang bata. Ganun naman ang mga tao minsan sa knila mahilig tingnan at punahin ang pagkakamali ng iba na akala mo ay mga walang pagkakamaling nagawa sa buhay nila. At hindi sya papaapekto sa mga ganung tao.
"Inuulit ko Ann asan ang ama nyang dinadala mo? Galit ng tanung ng kanyang Ama.
"H-hindi na po sya nagparamdam.. t-tinalikuran nya na po ang obligasyon nya samin" takot na sabi nya.
"Napaka walanghiya naman pala talaga ng lalaking yun..unang kita ko pa lamang dun ay alam ko na hindi na sya makakabuti sa iyo..at hndi nga nagkamali ang hula ko" galit na galit pding sabi ng kanyang Ama.
"Tama na iyan Jhun at tapos naman na.. wala na tayong magagawa nandyan na iyan.. ang importante ay mairaos ni Ann ang pagbubuntis at saka na natin ulit pag usapan ang mga gagawin.. mahirap ding stressin mu pa iyang anak mo at baka anu pa ang maisipan..tanggapin na lamang natin ang napili nyang kapalaran" wika ng kanyang Ina na halata padin ang pagdaramdam sa knya.
"Sorry po Mama, sobrang sorry po sa inyo ni Papa binigo ko po kayo.. hayaan nyo pong makabawi ako sa inyo kapag naisilang ko na po si baby" naiiyak nyang wika sa magulang sabay yakap sa mga ito..Niyakap nalang din sya ng mga ito tanda ng pagtanggap sa mga mali nya.
Nakatulugan na nya ang pag iisip sa nakaraan na may luha sa mata..~TO BE CONTINUED~
(Wait nalang po ulit sa next UD..continue reading po.. this is my first time na gumawa ng ganito sa wattpad..thank you babies sa support 😍😍 💕💕💕)
BINABASA MO ANG
Susubok ba Akong Muli???
RomanceLumuwas si Ann para hanapin sa maynila ang kanyang swerte..umalis sa kanila pra itama ang pagkakamali ng nakaraan nya..Pero sa kanyang paghahanap ng pangarap ay nakilala nya si Vin isang mayamang business man.. nainlove at nagkagusto sa kanya..Nguni...